𝘬𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘦𝘷𝘢𝘯𝘴 𝘱𝘳𝘰𝘧𝘪𝘭𝘦 𝘱𝘪𝘤 𝘢𝘣𝘰𝘷𝘦 ↑
•••
"Oh anak, halika na at kumain na tayo. Kanina ka pa naka - tulala sa selpon mo diyan," I looked back sa nanay kong nakatayo habang hawak-hawak ang walis at nakatingala sa akin.
My eyes took in her features and a genuine smile spread across my face. I literally looks like her. Yung pinagka-iba lang ay yung namumuting kulay ng buhok neto at pagkulubot ng balat dahil na rin sa katandaan.
My heart filled with warmth as the feeling of satisfaction envelopes me. Ilang buwan palang kaming hindi nagkikita ay labis na ang pagkasabik ko sa mga kapatid ko dito sa probinsya.
"Opo nay, baba na ho ako."
"Bilisan mo at lalamig na tong hinain ko."
I grasped the thin ladder of the tree house that my father built us noong nasa elementarya pa lang ako.
Dahan - dahan akong bumaba dahil sa takot na ito ay mabali. The mere thought of my father is enough to bring the hatred and anxiousness that I feel.
Kung hindi lang sana basihan ng pera ang pagkamit ng hustisya noon eh di sana ay kasama pa namin ang itay.The biased, and corrupt justice system of the Philippines makes me want to vomit. It is simple to guarantee those who commit homicide, torture, kidnapping, and other egregious abuses will simply get away with their crimes. Pera lang ang susi para makuha ang kandado na sana naka-sara sa mga taong dapat naparasuhan.
Dahan-dahan kong tinulak pabukas ang pinaglumaang pinto ng bahay at agad na tumambad sa akin ang tatlong putahing nakahain sa lamesa.
"Oh ate, kanina ka pa namin hinihintay. Nagrereklamo na tong si ate Isabella na gutom na raw siya."
"At ako pa talaga tinuro mong bata ka, ikaw nga yung kanina pa tumutunog yung tiyan." Sambit naman ng isa.
"Kayo talaga, wag na nga kayong magbangayan at na sa harap kayo ng pagkain." Nakangiting sinaluhan ko sila sa mesa kung saan maya't maya pa ay naupo na rin si nanay.
Nagsimula magsalin ng kanin at adobong manok si nanay sa pinggan ko pagkatapos namin magdasal.
"Sinarapan ko talaga tong pag-luto sayo ng paborito mo."
"Nako po nay, hindi na sanay kayo nag - abala pa at kahit ano naman po ang ulam ay kakainin ko."
"Hayaan mo na at minsan ka lang makauwi dito," napuno nang ulam at kanin ang pinggan ko. Halatang gusto akong busugin ni nanay sa mga niluto niya ay dinamihan niya ang paglagay neto.
The table got filled with laughter that all of us shared as we talked about random things.
"Sige na, ako na dito. Pwedi na kayo maglaro sa labas," my siblings pumped their fist into the air as the three of them rush outside to play the toys the I bought them before ako umuwi ng probinsya.
Nakangiting nakasilip ako sa kanila sa bintana habang nagsisitakbuhan ang dalawang babae kong kapatid na siyang hinahabol ni Axel na may dalang watergun.
"Mukhang mamahalin yang laruan na binili mo sa kanila anak."
"Hindi naman sa ganun nay. Atsaka, minsan lang naman ako makadalaw dito."
"Ano ngang trabaho mo at sobra sobra tong naipapadala mo sa amin?" Pinatong nya ang limang pinggan sa lababo sabay buhos ng mga natitirang laman neto sa container sa gilid.
I bit my lip, asking for forgiveness sa mga kasinungalingang isasabi ko saking inay, "may dalawang part time job ho kasi ako. Barista po sa coffee shop doon malapit sa university at nag sa-sideline po ako bilang katulong."
BINABASA MO ANG
Protecting What's Hers
RomanceFelicity, a nursing student who's hiding her another identity to anyone, her being a stripper. While running away from another unsatisfied customer, she bumped into a woman who suddenly claimed her as her wife to save her from harassment, who turns...