𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐭𝐰𝐨

7.6K 297 37
                                    

"Ate!" My siblings shouted in unison as they barge inside my room. Agad na napabangon ako sa kama at kunot ang noong nakatingin sa dalawa na nakatumpok sa kwarto ko. "Teka nga, wag nga kayo mag-sabay sabay. Ano yun?"

"Eh ate alam mo ba -"

"Pinapatawag ka ni inay kasi -"

"Isa isa lang. Ang gugulo niyo," sinuklay ko ang buhok tsaka tumayo at naglakad papunta ng banyo. Nakabuntot lang silang dalawa sa akin habang kinuha ko yung sipilyo sa gilid ng salamin.

"Pinakamatanda mauuna. At ikaw Axel, hayaan mong magsalita si ate mo. Naiintindihan mo ko?"

The boy nod his head while making a small frown na siyang nagpa-lobo ng mga pisnge neto. "Wag ka na malungkot diyan. Bili tayo icecream mamaya doon sa bayan, gusto mo yun?"

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi neto, "Opo ate, sasabihan ko po si nanay. Si ate Isabella na muna bahala magkwento sayo," he stucked his tongue out sa nakakatandang kapatid neto at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto.

Napasapo na lang ako ng noo dahil sa kakulitan ng dalawa. Parang aso't pusa kong makaasta at talagang parating nagbabangayan pag na sa iisang lugar ang mga ito.

Dinura ko ang natitirang toothpaste sa bunganga ko and washed my brush clean bago pinunasan ang labi ng malinis na bimpo. "Ano na yung sasabihin mo?"

"May palaro doon mamaya kina mang Ambo at pinapapunta tayo doon ni Kuya Robert. Atsaka mag - bihis ka na daw at kanina pa sa labas si Kuya."

Dali - dali akong sumilip sa bintana sa kwarto kung saan napatingin ang binata sa gawi ko sabay kaway ng kamay. Naka puting polo na naman ulit ito na pinarisan niya ng maong na pantalon.

"Sabihan mo si kuya totoy mo na bababa ako maya't - maya. Maliligo lang ako."

Pumasok na ko ng banyo kung saan rinig ko ang yapak ng kapatid kong pababa ng hagdan. Mahigit treynta minuto ako sa banyo. Sinigurado ko muna na nabanlawan ko lahat na parte ng katawan ko bago lumabas at pumili ng damit na susuotin. I settled for an oversized white t-shirt at maong na short na siyang bigay ni nanay ng makabalik ako dito.

Pinupunasan ko ang buhok habang bumababa sa hagdan.
"Kayo Isabella? Di kayo sasama?"

"Mamaya na ho ate, maglalakad lang kami."

"Oh siya, bantayan niyo yung bahay ha pati na rin si inay." Hinalikan ko ang noo ng tatlo kong kapatid atsaka sumakay sa pick - up kung saan nauna nang pumasok si Robert na siyang magmamaneho. May mga bitbit na sako ng sibuyas pa ito sa likod ng pick - up na siyang inani daw nila kahapon.

I took a glimpse on the fading figures of my siblings as we drove towards the said location. Hindi man kami pareho ng itay na apat ay tinuring ko parin na buong kadugo yung tatlo kong kapatid.

Ilang taon kasi bago nakulong yung itay ko ay napag desisyonan nong dalawa na maghiwalay. Bunga yung tatlo kong kapatid sa naging bagong nobyo ni nanay na siyang nawala na parang bula.

"Kelan ka pa nakabalik dito?"

The guy took a glance on my direction at agad na ibinalik ang mga mata sa daan. "Noong nakaraang buwan lang nong nabalitaan kong kritikal na daw yung sitwasyon ni mama sa ospital."

Sadness suddenly took over me as I remembered tita Telly's face before I went to Manila. I never thought na iyon na pala ang huling pagsilay ng mga ngiting binigay niya sakin bago ako sumakay ng bus.

A hand reached over my own above my thigh and he gently squeeze it, giving me a nonverbal assurance that it's okay.

"It's just that - kakamiss kay tita."

Protecting What's Hers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon