𝐟𝐨𝐫𝐭𝐲 𝐭𝐰𝐨

3.9K 139 25
                                    

Felicity Alvarez

"Over there is the kitchen and upstairs are the bedrooms. Follow me, ihahatid kita sa magiging kwarto mo. And please Felicity, you don't have to walk barefooted, I'll give you extra slippers after this."

"Chastity, wag na. Kaya ko pa naman siguro bumili."

Tumigil ito sa gitna ng pag akyat sa hagdan at bumaling sa akin na siyang na sa likuran nito. "I don't care if you can afford a slipper or not, Felicity. Besides there's an extra slipper intended for the guests."

Napatahimik nalang ako dahil sa pagprotesta neto. Nakakahiya, makikitulog na nga lang ako tas libre pa lahat. I insisted on buying our dinner tonight pero nasermonan pa ako.

Tatlong kwarto ang meron sa second floor na siyang may kanya - kanyang banyo.

"Here is my room," turo nito sa pinakaunang dark oak wooden door sa harapan namin. Nagpatuloy ito sa paglakad at nakasunod lang ako sa kanya habang bitbit 'yong bag na dala ko.

"This one over here is occupied at 'yang kasunod na pinto niyan ay siyang magiging kwarto mo."

Kinuha niya ang mga kamay ko at iginaya ako papasok sa kwartong isinasabi nito.

My line of sight was greeted with a white colored wall and a black oak and aluminum colored furniture.

Halos ayaw kong hawakan ang mga gamit dito sa loob kasi alam na alam kong mamahalin ang mga ito.

"What can you say? Ganda ng unit ko no." Asik nito na siyang nakasandal sa pinto at nakatingin sa akin.

Napatawa ako ng bahagya sabay tango ng noo.

"You can put your gamit there sa cabinet. Also, you can stay as long as you want, Felicity. Walang problema 'yan."

Pagkatapos ng pag tour niya sa akin ay iniwan niya na ako sa kwarto para daw makapag ligpit pa ako ng mga gamit.

Sinabi ko sa kanya na isang gabi lang ako rito at maghahanap din ako nang mapaglilipatan kinaumagahan.

Agad akong naligo at lumabas ako ng silid pagkatapos tsaka tinungo ang sala. Hindi ko mapigilang libutin ng paningin ko ang paligid habang pababa ako ng hagdan.

Nagmumukha akong alikabok sa itsura ng unit nito. Parang hindi ako bagay dito.

"Oh hi Felicity, mabuti naman at tapos ka na. Come on let's eat." She said ng madatnan ko ang babae sa kusina na naghahain ng ulam.

"Thank you, hindi ka na sana nag abala pa. Ako na sana 'yong bumili ng hapunan."

Nilagyan nito ng kanin at ulam ang pinggan ko. "You're my guest, Felicity. You don't have to do that."

Napuno ng usapan ang hapag at paminsan minsan ay hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga nakakalokong kwento ni Chastity.

I can't help but spot the difference between cousins. Kumpara kay Sid at Katherine ay ibang iba to si Chastity. She's playful and not intimidating at all.

"So Felicity, you and Daniel ha?"

Bahagya akong nabilaukan sa sinabi niya. I knew it. Rumors have been circulating on the university, lalo't lalo na sa Department ko na magkasintahan daw kami ng binata.

Protecting What's Hers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon