CHAPTER 2

416 26 0
                                    

Another Girl

The beautiful view of Laiya, San Juan Batangas beach welcomed us with a fresh and salty air. I miss the air of our province. Kailan naman kaya ako makakauwi ng Bicol. Miss ko na kina mama at mga kapatid ko. Si papa baka umuwi na naman yun after two years tapos wala ako run. Miss ko na sila. Nagtatrabaho pa kasi siya sa ibang bansa at ayaw pang tumigil.

Sabi ko nga ako na lang magsu sustento sa kanila pero ayaw naman. Pero nagbibigay pa rin ako sa kanila at kay Mica ko binibigay ang pera. Ako na ang nagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid kaya hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ako. Tsaka magtatapos na din ng college si Mica. Si Jino naman ay highschool pa lamang. Kapag nagka free time ako ay uuwi muna ako ng Bicol.

"Rhein"

"Ricci. Ikaw pa lang?" Yayakap sana sakin si Ricci pero kaagad siyang natigilan ng pumulupot ang kamay ng asawa ko sa bewang ko at kinabig ako palapit sakaniya.

Napatingin si Ricci kay Hilton at mukhang nagtataka kung bakit nandito ito. Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami ni Ricci. Magkatrabaho kami at sabay kami nun na nag apply sa kompanyang pinagtatrabahuhan namin. Kaya nga lang ilang taon na ang lumilipas hindi pa siya nag aasawa o ni girlfriend. Wala pa daw siyang balak. Naunahan ko pa nga.

"We'll get our room first babe" bulong sakin ni Hilton na mukhang narinig ni Ricci.

"Meron ka ng kuwarto, Rhein. Tara dun na muna tayo sa table. Hintayin natin kina Madilyn at Lexy"

"Ah kasama ko ang asawa ko" nakangiti kong sabi at itinuro pa si Hilton na parang hindi nakikita ni Ricci.

"Pwede namang siya na lang maghanap ng kuwarto niya at ipahatid mo na yung gamit mo" inis ang boses ni Ricci at hindi makatingin kay Hilton.

"Whatt?" My husband's reaction was bit annoyed.

"Isang kuwarto lang kami ni Hilton. Babalik ako" hinila ko na ang asawa ko palayo kay Ricci. Nakita ko pa ang sama ng tinginan nila sa isa't isa. Hindi ko maintindihan na kahit ilang taon na ang lumipas hindi pa rin sila nagkakagaanan ng loob.

"I really hate that guy even before."

"Mabait naman yun si Ricci" nakuha na namin yung susi ng kuwarto namin at nasa elevator na kami.

"Sayo. Did you even notice the way he treats me and the way he looks at me? I've noticed that since I started courting you when you were in college"

"Hindi ka naman kasi namamansin. Nayayabangan ata yun sayo"

"You're just numb. You can't sense that there is something strange around you"

"Tulad ng?"

Pagka lock namin ng kuwarto ay kaagad siyang naghubad sa harap ko. Ako na ang kumalkal ng bag na dala namin at inihanda na ang damit na isusuot niya.

"He didn't attend our wedding"

"Sumakit daw katawan niya sa pag gy-gym"

"And you believed that? Lame excuses. Si Rupert nga may injury pa siya nun sa pagba-basketball but he still attended because he's my bestfriend."

"Marunong naman ako umintindi. Ayaw niya umattend, alangan namang pilitin ko"

"Tsk. He was bitter"

Hilton is Hilton. Wala na akong magagawa kung ayaw nila sa isa't isa. Kahit na mas maigi pa rin na maging ayos sila kasi kaibigan ko si Ricci at asawa ko siya.

Bumaba na ako at nandun daw kina Ricci sa may labas ng hotel. I'm wearing a floral dress and flip flops habang nakasunod naman sa likuran ko si Hilton. He's wearing a white t-shirt and beach shorts with his sunglasses.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon