CHAPTER 10

260 25 0
                                    

This time

"Di ba dapat masaya ka? Kasi malaya ka na. You don't have to make excuses to get rid of me. Here I am doing you a favor. Setting you free"

"Don't do that. If setting me free means losing you. I'd rather chained myself for a lifetime" napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. He can't be serious. Ano bang gusto niyang mangyari. Ayaw niya ba nun? Pwede niya ng balikan yung ex niya.

Hindi niya na kailangang pumunta pa dito sa Bicol dahil sakin. Kahit nga mahirap para saakin ito ay ginagawa ko. Ang hirap kayang pakawalan ang isang kagaya niya.

"Anak? Rene? Ikaw ba yan?" Palapit na kina mama pati ang mga kaibigan ko. Umatras ako ng bahagya para lingunin sila. Pinunasan ko muna ang mukha ko at ngumiti ako. Nakita ko ang gulat sa mukha nina Tricia nang makita kung sino ang kausap ko.

"Nandito ka lang pala, Rhein. Iimbitahan sana kita saamin kaso hindi daw pwede sabi ng mama mo. Kaya ako na lang pupunta sainyo pagkauwi ko saglit" lumapit sakin si Ricci para sabihin iyon at akbayan ako.

"Oo kaya umuwi na tayo.— oh nandito pala ang nobyo mo. Imbitahin mo na din—"

"Ah eh. Aalis na din siya mama. Busy kasi kaya hindi makakasama satin"

"No. I'm free. I can go if... it's okay" nag aalangang sabi ni Hilton. Napa face palm ako. Hindi na lang um-oo.

"Syempre oo. Ano ka ba"

"Ikaw pala yung nobyo ng anak ko. Madalas ka niyang ikuwento sakin tuwing tumatawag ako kaya pakiramdam ko kilala na kita. Mabuti namang pumunta ka samin para maka inuman kita" si papa naman. Namula ako sa sinabi niya.

Hindi ko na kayang tumingin kay hilton. Grabe. Napaghahalataan akong patay na patay. Siya na lang kasi halos laging bukang bibig ko sa pamilya ko. Hindi naman kasi istrikto kina mama. May tiwala sila saakin.

"Sige po. Um, ano pong sasakyan niyo pauwi?" Naninibago ako tuwing nananagalog siya.

"Maghahanap pa lang iho."

"I can give you a ride po. Sabay na lang po kayo sakin"

"Ako na maghahatid kina Rhein" singit naman ni ricci. Tiningnan ko siya ng nagtataka. Paano niya naman kami ihahatid?

"Ricci uuwi ka pa sainyo at pupunta pa samin. Matatagalan ka pa. Sige na. Sasabay na muna kami dito sa nobyo ni Rhein" napayuko si Ricci at tumango. Tiningnan niya muna ako bago sila umalis na kasama ang mga magulang niya. Ngumiti ako at kumaway sa kanila.

Sinabayan ni mama at papa si Hilton sa paglalakad palabas ng campus. Bago pa man ako makasunod ay kinabig ako ng dalawa kong kaibigan pabalik.

"Ano yun?" Nakapamewang na tanong kaagad saakin. Nauna nang maglakad ang parents nila at iniwan kaming tatlo dito.

"Ewan ko"

"Nagpapauto ka naman? Jusmeyo Rhein"

"I tried to push him away"

"Yet you never tried so hard"

"Ganyan ka ba talaga ka in love sa Manila boy na yun? Grabe kuhang kuha niya yung puso mo. Don't tell me pati dreams mo igi give up mo para sa kaniya"

Tumingin ako sa gawi nina mama. Mabagal lang ang lakad nila. Nang mapansin atang wala ako sa likod ay lumingon kaagad si Hilton para hanapin ako. Nang matagpuan niya ang kinaroroonan ko ay tumigil siya sa paglalakad. Ganun din kina mama at papa.

Nakikita ko ang mariing tingin niya saakin at dumako ang mga mata niya sa dalawang babae na panay ang bulong sakin. Papalit palit ang tingin niya dito na parang gusto niya itong itulak palayo saakin. Mula rito ay tanaw ko ang pag igting ng kaniyang panga. Kita ang inis sa kaniyang mukha pero pinipigilan niya ito.

"Of course not" nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

"That's possible. Hindi mo alam ang maaaring maidulot pa niyan sayo kapag pinagpatuloy mo yan. Sinasabi ko sayo" mas malala pa sila sa mga magulang ko.

"Alam ko"

Niyakap ko kina Tricia at Rebecca bago kami lumiko sa kaniya kaniyang landas pauwi. Naglakad na ako patungo sa sasakyan ni Hilton. Naka park iyon malapit sa kinatatayuan ko.

Pinagbuksan niya muna kina mama at papa papasok sa backseat. Lumapit na ako para ako na ang magbubukas para sa sarili ko. Ngunit nagulat ako ng tumunog ang kaniyang kotse. Hindi ko iyon mabuksan. Nilock niya. Bumigat ang paghinga ko nang humakbang siya palapit saakin.

"Ano ba yung sinasabi sayo ng mga kaibigan mo?"

Naitikom ko ang bibig ko. I'm not going to say anything.  Tsaka bakit niya naman gustong malaman? Deretso lang akong nakatingin sa kaniya. Pinagmamasdan ang bawat ekspresyon ng kaniyang mukha.

"Bukod sa sinabi nila noong manloloko ako. Anu ano pang paninira sakin ang ginagawa nila para gawin mo sakin ito? Huh"

"Wala naman silang ginagawang masama—"

"They're ruining us. As much as I want to respect your friends because they are your so-called-friends, fuck I just hate them. I don't want to see you going along with them"

"How dare you say that to them? They're just concerned to me. What's wrong with that? Sila yung mga taong laging nandiyan sa tabi ko tuwing iniiwan mo ako. Ang kapal ng mukha mong sabihin sakin yan. Ang kapal ng mukha mong bumalik at— at magmakaawang huwag kang iwan pagkatapos mo akong balewalain ng isang linggo." Sigaw ko sa kaniya.

Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Nawala ang bakas ng inis sa kaniyang mukha at napalunok ito. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

"I'm sorry. Sorry for saying that" niyakap niya ako pero tinulak ko siya.

Kinalma ko ang sarili ko. Baka marinig kami nina mama. Kahit na soundproof sa loob ay natatakot pa rin akong maabutan nila kaming ganito.

"Hindi kita binalewala. Where did you get that idea again? I was working and that's a hella week without a phone because we had to focus on work. You have no idea how hard that was to me. I keep on thinking of you and your upcoming graduation." Nahihirapan niyang sabi. Nakayuko siya at titig na titig sakin.

He licked his lips before he speak again "I called you. Right after we finished the project. Where were you that time?"

Napalunok ako. Magagalit ba siya pag sinabi ko ang totoo? I was there. Listening to his voice and torturing myself by the thought of grabbing my phone from my friend's hand and just tell him how much I miss him.

"Your friend answered the damn call. She annoyed me. I didn't believe whatever she said. I will always believe in you" napabuntong hininga siya. Nakatitig lang sa mga mata ko.

"I'm afraid to get left and hurt in the end. I know you'd just hurt me. I love you but I'm afraid to get hurt" naiiyak kong sabi

He slowly touch my face and rub my cheek using his thumb. "I won't hurt you. I'm so in love that i'd probably act insane by the thought of you leaving me. Please... stay. You don't have to put me on your list of plans. Just keep me. I'd be fine with that"

With that words of him, I melted again. I even initiated the hug. I cried on his chest feeling sorry for him. I realized that it wasn't just me who's hurting.

Am I too selfish for just minding my own pain? Am I too bad girlfriend for not caring about his feelings? Was I too self-centered for just worrying my feelings? I know it's a yes. Lagi ko na lang siyang nasasaktan sa pakikinig sa mga kaibigan ko. I promise I'd decide on my own, this time.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon