CHAPTER 4

312 25 0
                                        

Fight

Nakatingin lang saakin si Hilton habang kumakain ako at hanggang sa makatapos ako ay hindi niya ako nilubayan ng tingin. Hindi ko siya sinaway kasi sanay na ako. Lagi siyang nakatingin sakin kapag wala siyang ginagawa. Minsan nga kahit may ginagawa siya at nasa harap niya ako ay titingin pa rin siya saakin. Nung una ay sinasaway ko siya kasi naiilang ako pero kalaunan ay hinahayaan ko na.

"Tara na sa baba"

Kagaya kanina ay pagkalabas namin ng elevator ay nasa may likuran ko na naman siya. Naagaw namin ang atensyon ng mga nag iinuman ng sina Ricci, Lexy, Madilyn at Edward na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Pilit akong ngumiti sa kanila at hindi muna naupo. Akala ko kasi mag me-meeting lang kami.

"Rhein. Mag iinuman daw tayo. Magpapainom si sir Edward"

"Sige lang. Hindi ako iinom" parang gusto ko na lang silang talikuran at bumalik na sa kuwarto namin. Kung alam ko lang na ganitong klase ng meeting ang tinutukoy nila ay hindi na sana ako pumunta. Kahit na nasa tamang edad na ako ay hindi ko pa rin sinanay ang sarili ko sa pag iinom ng alak. Sabihin na nilang napaka boring ko pero wala akong pakialam.

"Ano ka ba? Pwede naman nating i-join ang asawa mo kung hindi ka niya payagan" pangungulit pa sakin ni Lexy.

"Hindi sa ayaw niya akong payagan. Ayoko naman talagang uminom"

"Sus. Ngayon lang ito" hinila ako ni Lexy at sapilitan akong pinaupo doon sa may tabi ni Edward. Nangunot ang noo ko at nilingon ko siya para sigawan ngunit abala na ito sa paglapit at pamimilit sa asawa ko na isama din samin. Pero hindi naman siya pinapansin

"Inom ka na, Rhein" aya ni Madilyn.

"Oo nga. Ngayon lang naman ito" si Ricci naman pero hindi ko siya pinansin.

"O ayaw mo ba ng drinks na ito? Tell me what you want?" Tinaasan ko lang ng kilay si Edward at tumayo na ako. Natanaw ko ang asawa kong inis na ang mukha at naka distansya samin.

"Oh bakit ka umalis? Tara na" Hindi ko pinansin si Lexy at deretso ang lakad ko para lapitan si Hilton na masama na ang timplada ng mukha.

Niyakap ko siya sa bewang na ikinagulat niya. "Anong binu busangot mo diyan?"

"Can we go home?"

"Bukas daw makakauwi eh" kahit gustong gusto ko na din naman na umuwi. Kaso baka isumbong nila ako kay sir Edu. Sipsip pa naman yan kina Lexy at matagal ko na ding nafe feel na hindi naman talaga nila ako gusto. Too unprofessional na pinaplastik lang nila ako.

Niyakap niya ako pabalik at may binulong sakin.

"Your friend is hitting on me babe. I swear if I stay still here, I'm gonna punch her on her face" gusto kong matawa sa huli niyang sinabi pero mas nangingibabaw ang inis ko.

"Sino?" Bumitaw ako sa kaniya at ako naman yung napa kunot noo.

"That Rexy. And what's worse is that she knew that you're my wife."

Tinalikuran ko si Hilton at napa marcha ako ng mabilis pabalik dun sa nag iinuman. Gusto kong ingudngod sa lamesa ang maharot kong katrabaho na tinuturing ko pa naman na kaibigan.  Tinulak ko si Lexy at muntik na siyang mabuwal sa kinauupuan. Nanlilisik ang mga mata niya ngunit nabago rin iyon ng makita niya ako.

"R-rhein." Nakita nya ang galit sa mga mata ko kaya napansin ko ang paglunok niya. Kilala ko na siya, puro lang siya kuda pero duwag naman talaga

"Since when did you become interested on someone else's husband?"

"Rheiniel." Saway sakin ni Ricci.

Nakahawak na sakin si Madilyn habang inaalalayan ni Ricci si Lexy.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon