Friends
"Kumain na kayo?" Tanong ni Hilton sa dalawa kong kaibigan na naupo kaagad sa magkabila kong gilid.
"Kakatapos lang namin. Pero kung yayayain mo kami kakain ulit ako" si Rebecca naman na walang hiya hiya kahit kailan.
"Ako din" natatawang sabi naman ni Tricia. Natawa ako sa kanilang dalawa. Hindi sila nagpatinag sa seryosong mukha ng asawa ko na pinaghanda pa rin sila ng pagkain. Sumubo ulit ako ng pagkain at nakikinig sa mga baong kuwento ni Rebecca.
"Nako. Pasensya kana kagabi, Rhein. Sabi ko ihahatid kita kasi kami yung nagyaya. Ending, lahat tayo black out." Natatawang singit ni Tricia.
"Nagalit ba yung asawa mo?" Bulong ni Rebecca. Napatingin sa gawi namin si Hilton. Nagtataka ata kung anong binu bulong bulong namin dito.
"Oo pero okey na naman kami" pabulong ko ring sagot.
Inilapag ni Hilton ang dalawang pinggan na may pagkain sa harap ng dalawa kong kaibigan. Napaayos naman ng upo ang dalawa at natakam sa nasa harap.
"Thank you, Hilton. Nakakapanibagong pinagsisilbihan mo kami ngayon samantalang noon ay parang hangin lang kami ni Tricia sa paningin mo" pabirong anas ng gagang si Rebecca sabay subo. She really has no filter in her mouth until now. She never changed at all. Her looks only matured but her attitude didn't.
My husband chuckled and sipped on his coffee. "You're still my wife's friend. I have no choice"
"Ouch. Parang sinasabi mong napipilitan ka lang gawin ito"
"Exactly" he, then sipped again and put his mug on the sink. Sinundan ko ng tingin si Hilton para panlakihan siya ng mga mata. Alam ko naman na noon pa ay ayaw niya na talaga sa mga kaibigan ko pero pati ba naman dito bitbit niya pa yang sama ng loob niya.
"Rheiniel? Narinig mo yung sinabi ng asawa mo? Ayaw niya samin. Siguro nung kasal niyo sinabihan ka nitong huwag na kaming iimbita noh" humahaba ang nguso ng kaibigan ko na sumusumbong na parang hindi ko narinig.
"Kaya nga. Nakoo kung hindi lang talaga kay Rhein. Never akong pupunta sa kasalan na yun" dugtong naman ni Tricia.
"Wala naman siyang magagawa. Kayo na nga lang ang kaibigan ko hindi pa kayo pupunta" nagkasalubong ang tingin namin ng asawa ko at ngumisi siya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at ibinalik ang atensyon ko sa dalawang babaeng ito sa tabi ko.
"Si Ricci, Di ba hindi naka attend yun?" Uminom ako ng gatas ng mabanggit iyon ni Tricia. Naalala ko pa yung nangyari sa Batangas. After that incident, I didn't see him again.
"Sumakit daw yung katawan. Yun yung sabi niya sakin nun sa text"
"Huh? Sumakit? Eh kainuman yun nung boyfriend ko that time sa araw ng kasal mo" si Rebecca na medyo ikinagulat ko. Ngayon ko lang yan nalaman. Ngayon lang kasi namin naopen ang topic na ito. Pagkatapos kasi ng kasal ay nag kaniya kaniya na kami ng landas na tinahak. Silang dalawa ay nangibang bansa habang ako pinanindigan na ang pag aasawa.
"Totoo? Eh bakit niya naman ginawang excuse iyon kay Rhein kung makikipag inuman lang naman pala siya?"
"Oo nga. Di na lang sinabi na ayaw niya um-attend"
"Weird. I couldn't remember anything na nag away kami o kahit konting hindi pagkakaintindihan" nagtinginan kaming tatlo. May naglalarong ngiti sa labi ni tricia. Si Rebecca naman ay medyo napapaisip pa ng konti.
"He was devastated. It's pretty obvious" sabay sabay kaming napatingala ng sumabat sa usapan namin ang asawa ko. Nandito pa pala siya at nakikinig sa pinag uusapan namin. I didn't know that he's a bit eavesdropper.
BINABASA MO ANG
His Promises
RastgeleShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...