Video
Nang maabutan kong wala si Hilton sa bahay namin ay umalis ulit ako para puntahan ang bahay nina tita Rosanna. Alam kong kahit kailan ay hindi ako dun naging welcome pero ngayon ay kakapalan ko na ang mukha ko. Kailangan kong makausap ang asawa ko. Kailangan kong ipaliwanag lahat ng nangyari. Ilang araw akong nagsinungaling sa harapan niya kahit na purong pagmamahal lang ang pinapakita niya saakin. Kasalanan ko lahat ito.
Nang nasa harapan na ako ng tarangkahan ng bahay nila ay nag doorbell ako ng paulit ulit. Sa una ay guwardiya ang nagbukas ng gate at hindi ako pinapasok. Nang magpumilit pa ako ay may tinawagan siya. Sumunod na nagbukas saakin ay si Hailee.
Nang makita niya ako ay parang matatalim na kutsilyo ang itinapon niyang tingin saakin. Kaagad niya akong sinugod at malakas na tinulak. Nawalan ako ng balanse sa suot kong stilletos kaya napaupo ako sa lupa. Tiniis ko iyon dahil ramdam kong nandito si Hilton.
"At ang lakas din ng loob mong magpakita pa dito huh" hinablot niya pa ang buhok ko at hinila ako patayo. Ininda ko ang sakit na dulot nun "Wala ka na bang kahihiyan sa buhay mo? Kinanti mo yung magkapatid na Garcia? Lagi mong nilalagay sa gulo ang kapatid ko at ngayon sinaktan mo pa siya. Sobrang kapal ng pagmumukha mo. Sino ka ba sa akala mo, huh probinsyana?" Ano bang sinasabi niya?
"P-pakiusap gusto kong makausap s-si Hilton. Wala akong ginagawang masama" naiiyak kong pagmamakaawa sa kaniya. Kahit na malabong pagbigyan niya ako sa galit na nakikita ko sa mga mata niya ngayon.
"Ah talaga? Noon pa man, ayaw ko na sayo. Ngayon lalo mo lang pinatunayan na hindi ka nararapat sa kapatid ko. Lumayas ka dito habang nakakapagpigil pa ako" malakas niyang sigaw saakin.
"M-magpapaliwanag lang ako kay Hilton."
"Stop fooling my brother! Just go back to your filthy province" sa sobrang lakas ng sigaw niya ay lumabas na ang guard nila at kinaladkad na ako paalis doon.
Iyak ako ng iyak habang nagpapadala sa panghihila ng gwardiya at wala ng magawa.
Umuwi ako at nahiga sa kuwarto at hanggang umaga akong dilat at naubusan na ng luha sa kaiiyak. Sumikat na ang araw at sabog ang itsura ko. Namamaga ang mga mata. Gusto ko sanang doon na muna ako maghapon dahil wala akong lakas na gumalaw ngayong araw. Pero kailangan kong bumangon. Bukod sa kailangan kong magtrabaho para sa tatay kong nakaratay sa hospital at naghihintay ng suporta ko ay kailangan ko ring makausap ang asawa kong galit saakin dahil sa katangahan ko.
Pumasok ako ng opisina at sa halip na dumeretso sa cubicle ko ay hinanap ko kina Madilyn at Lexy ngunit hindi ko ito mahagilap. Lagi itong nauuna saakin ngunit ngayon ay walang ang mga ito. Nagngingitngit lalo ako sa galit at dumeretso sa opisina ni sir edu. Abala ito sa harap ng laptop niya nang buksan ko ang pintuan ng opisina niya nang hindi man lang kumatok.
"Yes, Rheiniel?"
"Nasaan po kina Madilyn at Lexy?" Pilit kong pinapakalma ang boses ko.
"Ah. Kakatalikod lang nung pagdating mo. Nag resign na sila pareho. Kagabi pa nagsend ng resignation later, bumalik ngayon para kunin yung mga gamit. Yun yung sasabihin ko sana ngayon, hiring ulit tayo dahil may mga umalis"
"Saan po sila pumunta?"
"That. I don't know. Is there any problem?" Nagtataka niyang tanong. Umiling lang ako at nagpaalam na para bumalik sa mesa ko.
Halos wala akong maisip sa trabaho sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. Para akong masisiraan ng bait. Maya't maya ako sa pagsabunot ng buhok ko sa sobrang frustrated. Mabuti na lang at nako-kontrol ko pa ang sarili ko na magwala dito at sa buong palapag na ito ng building. Ni hindi man lang ako nakaganti sa dalawang bruhang yun. Sobrang halata na may kinalaman sila dahil umalis kaagad.

BINABASA MO ANG
His Promises
DiversosShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...