CHAPTER 17

172 5 0
                                    

Man

"Rebecca, Tricia. Huwag na muna kayong umuwi, kumain muna kayo dito" sigaw ni mama mula sa kusina.

Kita ko ang pag igting ng panga ni Hilton at seryosong tiningnan ang dalawa kong kaibigan na dumaan sa harapan namin. For sure, he's blaming them again. I know what he's thinking right now, na sinulsulan na naman ako nina Becca kaya biglaan akong umuwi ng Bicol ng walang pasabi sa kaniya.

"What are you doing here?" Nag iwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi ako apektado sa presensya niya. Dahan dahan kong tinanggal ang suot kong heels dahil kanina pa dito sumasakit ang paa ko.

"I don't know, Rheiniel. Visiting my wife, I guess" he answered sarcastically. Pasimple akong umirap. He looks annoyed, so whatt? I'm annoyed too. Siya lang ba may karapatang magalit saamin?

Within those two years I spent with him, living under the kingdom he's ruling, following every goddamn orders he gave to me. It's so sick. Try'na be a good wife not just to impress him but his damn family who did nothing but to judge the hell out of me. Now, is it bad to think about myself for a mean time? I just want to breathe without them for a while. Why the hell is he here?

"Tapos ano, papabalikin mo ako ng Maynila? Pwede ba? Hindi mo ako anak, Hilton" sagot ko pabalik sa kaniya. Sumulyap ako kina mama na pasimpleng sumisilip dito sa sala kung nasaan kami. Nakikita ko ang ulo pati nina Rebecca at ng kapatid ko na tinitingnan kami dito sa silid tanggapan.

Tinalikuran ko siya at umakyat papunta sa kuwarto ko. Ayokong magsagutan kami sa harapan ng pamilya ko. Narinig ko rin ang yabag niya pasunod saakin. Alam ko sa sarili ko na sasagot ako ngayon kaya ayokong marinig iyon nina mama. Ayokong malaman nila na ganito ako kagalit sa lalaking ito.

Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay ni lock niya ang pintuan nang makapasok din. Mabigat ang buntong hiningang pinakawalan ko bago siya hinarap.

"Kahit ngayon lang, pagpahingahin mo din naman ako kasama ang pamilya ko. Hindi ako umuwi dito para lang sundan mo" inis kong sabi. Nakatalikod ako sa kaniya habang dahan dahang hinuhubad ang damit. Nakahanda na ang pamalit ko sa ibabaw ng kama. Alam kong nakatingin siya sa bawat galaw ko pero wala akong pakialam. Namamawis na ako kaya kailangang magpalit kahit na nandiyan siya.

"What's your problem?" Kalmado nitong tanong. Kainis, inis na inis na ako dito tapos siya kalma lang. Dapat sumigaw din siya.

"Anong what's my problem? Siraulo ka ata, pagkatapos mo akong balewalain ng ilang araw—"

"What do you want me to do? You're ignoring me. You're changing ways only not to cross with mine. You're drinking with your friends instead of talking to me and fix our relationship. You're sleeping in the guest room. So now, tell me that I was ignoring you"

Napalunok ako. Naisuot ko na ang mini black dress at ni hindi ko magawang tingnan siya. Gusto ko na lamang lumubog mula sa kinatatayuan kong ito.

"Please stop acting like an innocent, Hilton. Kung gusto mong bumalik sa ex mo, huwag mo na akong gaguhin. Just inform me about throwing me out and I'll leave silently" wala na akong maibabato sakaniya kundi iyon. Ang dahilan kung bakit ako umuwi at iwan siya dun. I heard his curses. When he tried to step closer to me, I moved backward, afraid of him to touch me.

Napapikit siya sa mga sinasabi ko. "Is it Julia? You went to my office and you saw us. Hindi ko pa ba napapatunayan na mahal kita? Rhein, She's engaged and I'm crazy inlove with you" He knew. That's why he came. He's guilty. Na konsensiya ba siya at naawa na nagpakatanga na naman ako? Nagluto ng ulam para sakaniya at para lang maabutan sila ng ganun ng ex-lover niya.

"What if she's not? What if she's still single?" Nanunubig na ang mga mata ko. I'm not going to look at him.

"Damn it, I don't care." Sinubukan niya akong hawakan pero umiwas ulit ako. "Let's go home, baby. I won't leave without you" this time his voice became sweet and pleading

"Tapos ano? Ikukulong mo na naman ako sa pesteng bahay na yun? Alam ko naman na tatanga tanga ako Hilton at wala kang tiwala tuwing lumalabas ako. Ayaw mo akong pagtrabahuhin. Ayaw mong kasama ko ang mga kaibigan ko. Ayaw mong umalis ako ng wala si kuya Rodolfo. Nakakapagod. Mas gusto ko na lang dito sa Bicol" di ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Dun ko na siya tiningnan sa mga mata. Para makita niya kung gaano ako nasasaktan ngayon. Kung gaano ako napapagod sa relasyon na ito.

He swallowed hard, his Adam's apple moved a bit. Ang kaninang nagsusumamo niyang mukha ay napalitan ng pag aalala at takot sa emosyon na pinapakita ko ngayon. "I'm sorry. I just want to keep you safe. I want to protect you. I didn't mean to make you feel that way"

"Hindi ko kailangan ang pagpo protekta mo. Asawa mo ako, hindi bilanggo"

"So that's what you think about it, all this time? That I am imprisoning you."

Hindi na ako nakasagot. Dahan dahan akong naupo sa kama at ginulo ang buhok ko. Tama ba itong ginagawa ko? Gusto ko lang naman ipagtanggol ang sarili ko. Pakiramdam ko hindi na tama ang ginagawa niya saaking panghihigpit.

Okay lang naman saakin ito eh. Dahil mahal ko siya. Handa naman akong manatili sa bahay na yun basta kasama ko siya. Not until his ex showed in the picture again. I hate that Julia.

"I don't want you to feel regret about choosing me, rhein. I'm so sorry for not being a perfect husband. I'm sorry for following you here instead of giving you some space to think. I just can't stand the loneliness inside our home without you. My home is here" nilingon ko siya, he's about to cry. Tumingala siya at hinawakan ang bridge ng kaniyang ilong.

Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko habang pinapanood ko ang asawa ko. Nasasaktan. Pinaparamdam ko sakaniya na hindi siya karapat dapat na asawa. Na hindi sapat lahat ng ginagawa niya saakin. Na sa kabila ng lahat na pinaramdam niya ay minasama ko pa.

His view is trying to wreck the walls inside my chest. Am I that heartless if I ignore him until he leave Bicol because I don't want him here? God I can't do that. I love this man so much and everybody knows that.

Tumayo ako at nilapitan siya para yakapin. Hindi ko na napigilan na hindi humikbi hanggang sa napahagulhol ako sa dibdib niya. I can hear him sniffs while kissing my head.

"I'm so sorry, baby. Please don't be mad at me." He sniffs again. He's now crying. I made him cry, damn you rhein.

"Sorryy. Sorry, Hilton. I'm sorry— d-di ko napigilan yung selos ko" Sabi ko sa kalagitnaan ng pag iyak ko sa balikat niya.

"Shh. You don't have to. It's my fault not to fix us first" kumalas ako sa pagkakayapak sakaniya. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya at pinunasan ang luha kong patuloy na tumutulo pa din. "I ate your adobo you cooked for me." Gusto kong mapangiti sa sinabi niya. Atleast di nasayang yung effort ko. Akala ko nga itatapon yun ni Cora. Patuloy ako sa paghikbi habang tinitingnan siya at sinasaulo ang bawat anggulo ng kaniyang mukha.

Naalala ko na naman kung paano ako tratuhin ng secretary niya. I felt so small that time.

"I fired, Cora too."Medyo nagulat din ako sa sinabi niya. Then I suddenly realized that, that girl deserved that though. Wala naman akong ginagawang masama sakaniya. Maayos akong nakikipag usap tapos gaganunin niya lang ako.

"Hindi mo na kailangang gawin yun" although there's a part of me wanting to say, good for her.

"No, she deserved it She can't disrespect you like that. You're my wife"

Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang buhok na tumatabing na sa mukha ko. Para ako matutunaw sa paraan ng titig niya. Noon pa man, ganito na siya tumingin, hindi pa rin iyon nagbabago.

"I love you" he whispered huskily.

Instead of answering back, I pulled him for a kiss. I missed this man so much.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon