CHAPTER 13

259 11 0
                                        

I missed him

"What now, Rhein? You're just gonna cry and sit there?"

"Come on drink" nandito ako sa hotel na tinutuluyan ni Rebecca. Pumunta din dito kaagad si Tricia at naghanda sila ng mga alak at madaming pulutan. I didn't even tell them that I am going to drink. Sinabi ko lang na gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Ang dami kong iniisip lately at kapag nanatili pa ako sa bahay ay mababaliw ako.

Tinanggap ko mula kay Tricia ang baso na may lamang alak. Tinungga ko ito at gumuhit sa lalamunan ko ang pait nun. Dalawang araw na din ang lumipas mula nung pagsabihan ako ng kung anu-ano nina Julia at Hailee.

Bibihira na lang din umuwi ng bahay si Hilton. Dalawang araw akong nakakulong lang sa kuwarto ko at umaasa na kakamustahin ng asawa at tatanungin kung okey lang ba ako.

Lalo akong naiiyak tuwing iniisip ko na nagfe fail na ang marriage namin. What is the next of it? I hate to think that we're having an annulment soon. We're just two years married and look what's happening to us. It's stopped working. He's tired of me. But I never get tired of him.

I keep hoping that he still care about me. Sana mahal niya pa rin ako. I know his family's brainwashing him and telling him that he shouldn't marry me. They're using what I did lately to convince Hilton that I am not deserving. When in fact I didn't do anything wrong.

I just wanted to be nice. And if being nice will only lead me to this pain, I wish i just ignored it all. I wish I just did what he wanted me to do. To stay inside and never talk to Ricci. But how about my own decision? How about the function of my own fucking brain and body?

I have my own life to decide what I am going to do. I know I'm married and I know my limit as a woman but being trapped like this is- it's different. I'm his wife for whoever's sake. I'm not a prisoner. And I love him that's why I keep saying yes to whatever he want me to do.

"Wala naman akong ginawang masama ah" umiiyak ko ng sabi. It was after half an hour I gulped the liquor nonstop. Bumukas pa ulit ng isa pang bote si Rebecca. Hinagod naman ni Tricia ang likod ko at kumuha siya ng tissue para punasan ang mukha kong basa na ng pawis at luha.

"Wala nga. Ang masama lang ay ang hinayaan mong ganun ganunin ka lang ng impakta mong sister-in-law at pakialamerang ex ng asawa mo." Sagot ni Rebecca at siya naman ang nag shot.

"It's so unfair, Rheiniel. Can't you see? They're accusing you seeing an ex, which is Ricci isn't really your ex, hell si Hilton lang ang lalaki sa buhay mo mula noon. Tapos ito ngang si Julia at Hilton na totoong mag ex ay walang kaso na panay ang pagkikita. Kung ako sayo lalayas na ako sa lintik na bahay na yun. Pinagkakaisahan ka nila" inis na sabi naman ni Trish.

She's right. Bakit nga ba parang ako na lang ang laging masama? The blame is always on me. I'm always the bad guy here.

"Tamaa. Rhein wake up. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa mga taong ayaw talaga sayo. Kung hindi ka na mahal ng asawa mo, huwag ka ng manatili. Sinong matinong asawa ang titiisin ka ng ilang araw?"

Napahagulhol pa ako dahil totoo ang mga sinasabi nila. A part of me hoping that my husband loves me but there's also a part of me whispering that if he loves me he'd never ignore me like this. He will swallow his pride and say sorry to me. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay halos ako ang nakaubos ng alak sa mesa.

Sobrang sakit ng ulo ko at hilong hilo na ako. Pinatigil na din nila ako nang mapansin nilang namumula na ang buong katawan ko. I have low tolerance in alcohol. Hindi ako sanay uminom kaya tuwing nagpapakalasing ako ay buong mukha at katawan ko ang namumula.

Hatinggabi na ng ihatid ako ni Tricia. Si Rebecca ay nakatulog na sa kalasingan. Gusto ko na din sanang matulog dahil sobra na akong nahihilo pero kailangan ko pa palang umuwi. Inalalayan ako ni Trish palabas ng sasakyan at papasok sa bahay. Halos pikit na ang mga mata ko.

His PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon