Gift
Sumulyap ako sa cellphone ko at may mensahe galing kay Becca. Abala ako sa pagsusulat ng kadugtong ng ongoing story ko. Binalita niya na bumalik na pala ng Maynila si Hilton. Binalewala ko na lang iyon at nagpatuloy sa sinusulat ko. Pasalamat ako at nagkaroon ulit ako ng ideas ngayon. Pag iisipan ko pa kung ipa-publish ko ito.
Nasa may likod bahay namin ako. Kung saan may sariwang hangin at meron pang mayabong na puno ng mangga kaya dagdag sa presko ng paligid. Sabado na ngayon at sobra isang linggo na din ang lumipas simula nung iwasan ko na, na mag cross ang landas ulit namin ni Hilton. Dinadamay ko pa ang mga estudyante ko sa pagsisinungaling, tumatago ako sa cr sa tuwing natatanaw ko na paparating sa classroom namin si Hilton. Magsisinungaling naman para saakin ang mga bata na umalis ako.
Alam kong mali iyon pero wala na akong maisip na ibang paraan para makalayo sakaniya. Mabuti naman ngayon at kusa na siyang dumistansya. Ilang beses din siyang nag attempt na tawagan ako pero lagi kong pinapatay. Maging kina mama ay nagtataka na okay pa lang daw kami nung nakaraang araw tapos ngayon tinataguan ko na naman si Hilton.
Lagi ko kasing hindi nako kontrol ang sarili ko pagdating sakaniya. Ano na lang iisipin o mararamdaman nun ni Kimberly kapag nalaman niya na may nangyayari saamin ni Hilton? Kahit na ang alam niya ay magfa-file na kami ng annulment. Kahit na naiinis ako kay Kimberly ay hindi ko pa din gusto ang ginagawa ko. Nakakakonsensiya na may nasasaktan kami. Nag effort pa nga iyon na puntahan siya sa Bicol tapos ginaganun ganun niya lang.
Napabuntong hininga ako nang pagtingin ko sa social media account ko ay puro react ni Kim sa bawat posts ko ang bumungad. Kahit yung matatagal ko ng posts ay may react siya. Lahat din ng pictures ko nung pumunta kami sa Bienvenida resort last week, I was wearing two piece bikini with Becca, Trish and Hailee. Lahat siya doon nag react. What the heck? Stalker.
I tapped her account to stalk her too. Her latest post is her pictures on bikini too. Yung ibang pictures sa recent post niya ay litrato niya na binabasa ang mga libro ko. Kahit yung hindi masiyadong sikat na gawa ko. Na creepy-han akong i-stalk siya dahil mostly na mga past pictures na posted niya ay parang mga nasuot ko na ito sa mga event na pinupuntahan ko. Looks exactly me and my styles.
I logged out my account and continue my writing work. At dahil umalis naman na si Hilton ay naging kampante ulit ako na lumabas labas na at tigilan na ang pagtatago.
Dumating ang araw ng lunes. Tapos na naman kaagad ang weekend. Hindi ko maiwasang hindi mapasilip sa ginagawang building sa may CN. Am I missing him? Ofcourse I am. I'm not good at hiding my feelings, he knows that. Kaya natatakot akong magkita ulit kami pagkatapos ng nangyari saamin. Gusto ko na lang lumubog sa lupa kung magpapakita ako sakaniya after nun.
Siguro babalik pa din naman ata siya. Siya ang engineer dito eh. Pinauwi kaya muna siya ni Kim kaya kaagad na bumalik sa Maynila? Paano kung hindi niya naman talaga ako hinahanap last week? Ako lang itong nagfe-feeling at nag a-assume na hahanapin at hahabulin niya.
Pinipilit kong ngumiti at bigyan ng energy ang sarili para sa mga bata. I mean hindi nila deserve ng nakasimangot na teacher. Nagpapa activity ako para less boring din sa klase namin buong maghapon. Kapag hapon na ay susunduin ako nina Becca at yayayain kung saan. Hindi naman ako umaayaw sa mga pakulo ng mga kaibigan ko dahil maski ako ay kailangan din ng distraksyon. Hindi ako napapakali nitong mga nagdaang araw.
Habang nagmo-movie marathon kami isang araw sa bahay nina Patricia ay may pinakita silang picture sa cellphone. Post ito ni Hailee kung saan kasama si Hilton at si Kim. Pinapanood nila ang reaksyon ko dahil siguro hindi naman sila manhid para hindi mapansin na nagkakaganito ako dahil sa lalaking yun. Ano pa bang dapat maging reaksyon dun? Alam ko na yun eh. Kaya nga last week umiwas na ako.

BINABASA MO ANG
His Promises
De TodoShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...