Knock
"Atee" nagising ako sa katok mula sa labas ng kuwarto ko. Inaantok pa ako at mukhang maaga pa naman pero bumangon na ako dahil naalala ko na may trabaho pala ako ngayon.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Mica. Naupo siya sa kama ko.
"Alas sais na ate. May pasok ka pa. Sabay na daw ako sainyo papuntang school sabi ni mama" tumango lang ako.
Nakangiti si Mica habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Masaya ka ngayon ate noh?"
"Ano? Bakit mo naman nasabi?"
"Nasa baba si kuya Hilton. Nagluluto ng almusal at kausap si mama at papa" Nanlaki ang mga mata ko at nataranta sa sinabi niya. Hindi pa siya umaalis? Akala ko ba hindi na siya magpapakita sa pamilya ko. Jesus Christ. Ano na lang sasabihin sakin nina mama at papa? Alam kaya nila na dito natulog sa kuwarto ko si Hilton? "Sabi ni kuya hahatidan ka na lang ng pagkain. Baka daw pagod ka pa" namula ako sa sinabi ni Mica at nag iwas ako ng tingin. Alam kong hindi naman niya alam ang nangyari saamin kagabi pero alam kung ang nangyari saamin ang tinutukoy ni Hilton. Bwisit.
Hindi ako makapagsalita. Naligo ako at nag ayos na dahil ilang minuto na lang ay male-late na ako sa klase ko. Nagpaalam na si Mica na hihintayin ako sa labas. Tumango na lang ako sakaniya. Balak kong takasan na lang si Hilton at ang mga naghihintay na tanong sakin nina mama ngayon. Pero bago ko pa man makuha ang bag ko ay bumukas ang pintuan ng kuwarto ko.
"Eat your breakfast first before you leave" napapikit ako at tiningnan ko siya ng masama.
"Hilton, ano pang ginagawa mo dito? Bakit di ka pa umaalis?" Naiirita kong tanong. Nahihiya din ako ng konti dahil naaalala ko lahat ng pinaggagawa ko kagabi. Malinaw na malinaw sa ala ala ko.
"I don't fuck and leave, Rheiniel" seryoso niyang sabi habang nilalapag sa study table ko ang pagkain.
"Well that's how it should be. That's one night stand, you should leave after we had sex" natawa siya sa sinabi ko. Pero yung tawa niya ay parang hindi natutuwa parang napipikon na.
"What do you call that then? One night stand with your husband?"
"No. Kaya nga mag-a-annul na tayo." Padabog akong naupo at kumain ng hinatid niyang pagkain para saakin. Kagabi pa ako nagugutom pero mas pinairal ko yung kalandian ko sakaniya.
"You still want the annulment huh. It doesn't seem like it last night"
"Are you serious? I was drunk" he made sound using his tongue. He's playing with it inside his mouth. God I remember his tongue last night. "Of course now that I'm sober, I want the annulment"
"No, Rheiniel—"
"Hilton, pumayag ka na dun eh. I can't accept it. I had sex with you. It should be over between us besides, y-you cheated on me. I can't do that to myself anymore" humina bigla ang boses ko at napayuko na lang. Kumain ulit ako dahil mag a-alas siete na. Naghihintay na saakin ang mga estudyante ko doon.
"What? What did you say?" Naging seryoso bigla ang boses niya. Naglakad siya papunta sa harapan ko para makita ang mukha ko. Napabuntong hininga ako at sinalubong ang nagtataka at madilim niyang mukha ngayon. Bawat pag igting ng panga niya ay kitang kita na hindi siya natutuwa ngayon.
"Oh you didn't know your own treachery deeds? Or is that your style, denying your shits to get what you want again?" sinabayan ko ang pagkapikon niya. Tumayo ako at hinubad ang suot suot ng t-shirt. Nadumihan kasi kakasalita ko habang kumakain. Nagbihis ako ng panibagong t-shirt sa harapan niya. He's staring at me intently and watching my every moves.

BINABASA MO ANG
His Promises
عشوائيShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...