Awa
I still couldn't imagine that, that ever happened. I broke down infront of him. Hindi ko kinaya yung poot na lumulukob sa dibdib ko habang iniisip na pinaghihintay niya ako para makasama ang ibang babae. Am I still into him? Truth is, this love won't go away that fast just because I didn't see him for years and he gave me reasons to hate him. Though I still refuse to accept it, there's a part of my chest that still beats his name. Hindi yun basta bastang maaalis. I've been inlove with him since I was twenty. I chose him before, over everything.
Hindi ko pa sinasagot si Hilton tungkol sa kung ano nang nais kong mangyari sa annulment namin. Ang hirap niya palang pakawalan at panoorin na may kasamang iba. Bakit ganun? Ako yung sinaktan pero ako pa yung nag iisip ng ganito. Samantalang siya naghihintay lang saakin na ituloy na ito para matapos na ang lahat saamin. Hindi man lang ba niya ako pipigilan? O my God. What am I thinking? Una sa lahat ako ang naunang nag-suggest tungkol sa annulment. Nag agree lang siya. Tapos ako lang naman pala ang magkaka second thoughts. This is frustrating. Hindi naman ako dapat nahihirapan dito eh.
Nahihiya pa rin ako sa pag iyak ko sa harapan niya. Baka isipin pa nun na ang tapang ko naman mag aya ng annulment tapos ako naman pala ang iiyak iyak. Siguro hindi lang ako makapaniwala at hindi ko matanggap na pinaghintay niya ako ng ganun katagal. Kasi hindi naman niya iyon ginawa saakin noon. Lagi siyang maaga kapag may gagawin kami. Probably he has really changed. Hindi na ako importante sa kaniya kaya bakit pa niya aagahan ang pagpunta saakin. I hate this feeling I'm feeling right now. I want to feel good with the annulment.
I want to focus on my career that I am planning for myself. But what am I doing? I can't think straight. I don't know what to write because I'm thinking about him.
Nagtext saakin kina Rebecca na nais daw ako i-interview regarding sa application na pinasa ko sa BU. Kinailangan kong magligpit at ayusin na ang mga gamit ko dahil aalis na ako sa hotel na tinutuluyan ko. Uuwi muna ako sa Bicol at doon na muna magsusulat.
Sakay ng eroplano ay alam kong maya maya ay nasa amin na naman ako. Ang bilis lang naman kasi ng oras. Tsaka parang hindi ko kakayanin na magkita kami ulit ni Hilton. Papalipasin ko muna kahit isang linggo bago namin ipagpatuloy ang pag process ng annulment na yun. Baka kung ano na namang katangahan ang magawa ko.
Nakarating ako sa Albay ng 1 pm. Mabuti na lang at kumain ako bago umalis dahil pagagalitan ako nito ni mama kapag sinabi kong hindi pa. Pagdating ko sa bahay ay si mama lang ang naabutan ko. Si papa daw ay natutulog at nasa school yung mga kapatid ko.
Tumambay lang ako saglit at nagpaalam kalaunan kay mama na pupunta sa BU. Pinaalam ko na din sa mga kaibigan ko na nandito na ako. Excited na naman sila at nagsu-suggest ng lugar na pupuntahan namin after daw ng interview ko. Hired or not daw ay mag mag-eenjoy kami, tsk. Hindi ko na muna sila sinabayan dahil kinakabahan ako ngayon habang nakapila at naghihintay na tawagin ang pangalan. Matagal ko na itong pinapangarap noon, ang maging teacher dito sa unibersidad ng Bicol. Mataas kasi ang sahod dito tsaka mas malapit saamin.
I couldn't help but to smile how my dreams before used to be so simple.
"Why do you want to teach, miss Rheiniel Saavedra?" Paunang tanong ng interviewer. Nakatingin siya saakin at nakangiti. Napalunok ako sa apelyido na tinawag niya saakin. I'm still carrying his name.
"I have always wanted to become a teacher. Aside from I do really love kids, I want to share my knowledge to every children in the room. I want to make them all understand that every form of intelligence is equally valuable. There's no such thing as smarter, smartest and student favoritism, every kid inside the classroom deserves to be treated fairly." I answered with all my heart.
I was asked a few more questions and smiled widely when I heard the interviewer said that I'm hired. Like I didn't even put so much effort on all my answers. I just answered it honestly.

BINABASA MO ANG
His Promises
AcakShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...