Phone CallHinintay niya akong makapag ayos ng sarili bago kami sabay na bumaba para humarap sa pamilya ko. Pagkarating namin sa hapag ay naroon pa ang dalawa kong bestfriend. Nang makita kami ni Hilton ay sabay itong nag ayos ng upo.
"Kain na kayong dalawa" tipid akong ngumiti at bago pa man ako makaupo sa in-offer ni Rebecca na upuan sa tabi niya ay kinabig ni Hilton ang bewang ko at doon ako giniya sa kabilang parte ng mesa, sa tabi ni Jino at sa dulo kina mama at papa.
"Pasensya na po ulit sa biglaang pagbisita" magalang na wika ni Hilton sa mga magulang ko. Nilalagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.
"Ayos lang, iho. Kahit anong oras ay maaari kang pumunta dito" ngumiti siya kay mama na parang gustong gusto niya ang sinabi nito.
"Ayos na kayo? Inuto ka na naman?" Nabasa ko ang buka ng labi ni Rebecca nang mapalingon ako sa kaniya. Yun ang tanong niya na walang boses na lumabas sa bibig niya. Ayaw niya ding marinig ni Hilton iyon.
Kumunot ang noo ko at umiling. Napansin iyon ni Hilton at sumulyap siya kina Becca na saamin nakatingin ngayon. Natahimik siya bigla na kanina ay masayang nakikipag usap kina mama.
Nakaramdam ako ng kaba at hiya.
"Are you alright?" Siya pa talaga nagtanong saakin nun
"O-oo." Tumikhim ako at sumulyap ulit kina Rebecca, umiiling ito na parang sinasabi na naging mahina na naman ako pagdating sa asawa ko.
What am I supposed to do? I'm inlove with him. I couldn't stand watching him, hurting, because of me.
Ayoko namang itulak siya pabalik ng Maynila at magsisi din kapag umalis na siya. Ano pa bang dapat kong gawin? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama si Hilton.
Tahimik akong kumain at hindi na muling umangat ng tingin hanggang sa matapos kaming lahat. Tumayo na kina Rebecca at Tricia para magpaalam na uuwi na. Nag volunteer ako na maghuhugas ng plato kaso itong si Mica ay inunahan na ako. Baka daw kasi hindi na ako marunong ng mga gawaing bahay kasi mala-prinsesa na sa Maynila.
"Hindi ah. Tumutulong ako kay manang sabel kapag nasa bahay ako"
Pinanliitan lang ako ni Mica ng mga mata niya na parang ayaw maniwala saakin.
Iniwan ko siya sa kusina para ihatid kina Tricia palabas ng bahay. May kung ano silang pinag uusapan habang nasa likuran nila ako nakasunod.
"Ingat kayo" mahina kong paalam nang makalabas sila ng pintuan. Tumigil sila sa paglalakad at nilingon ako.
Ngumuso si Tricia saakin at humalukipkip naman si Rebecca.
"Minsan hindi ko na alam ang gagawin sayong babae ka. Iiyak iyak ka samin dahil sa lalaking yan tapos isang haplos sayo ayos na naman. Hindi ka ba marunong mag matigas kahit minsan?"
Pabulong ang panenermon na ginagawa nila saakin. Bumuntong hininga ako at sumandal sa hamba ng pintuan.
"Hindi lang kasi bastang lalaki yun eh, asawa ko yun."
"Sapat na ba yun? Hindi porket nangako na siya ay mangyayari talaga."
"Becca—"
"Nakoo. Basta pag umiyak ka ulit dahil sakaniya huwag mo kaming sisisihin"
"Hindi ko naman kayo sinisi ah" malungkot kong sabi.
"We wish you all the happiness, Rhein. You just don't deserve to get hurt so many times with same reasons" si Tricia.
Nagulat kami nang bigla akong tawagin ni Hilton at naglakad ito papunta sa kinaroroonan namin. Umayos ako ng tayo at tiningnan ang paglapit nito. He snaked his arms around my waist and looked at my friends boredly.

BINABASA MO ANG
His Promises
РазноеShe always wanted to have a simple life yet ended up marrying a wealthy engineer. She fell in love and her dreams changed. Now, her role is to be the good wife not just for her husband but also for her in-laws. But living in their fancy house isn't...