Finding

425 12 0
                                    

"Syvier Pov"





Matapos naming makabalik sa aming tahanan.

Agad na hinarap ko si Lyconne
At masama kong tiningnan

Siya naman ay tudo iwas at alam na ang gusto kong iparating.

"Wala ka bang gustong sabihin?"nanliliit ang mga mata ko

Napakamot ito sa ulo.

"Ano...ah..ano kasi..paano ko ba sisimula.."

"Simulan mo sa nagkahiwalay tayo"na may inis sa tono

"Ah don ba.. sandali iisipin ko muna.."
Siya na hinahawakan ang ulo.

Agad na tumaas ang kanina ko pang pinipigilan na inis .

"Lyconne,paano kong di ako dumating ,huh?!anong gagawin mo?Hahayaan mo  ba silang  makuha ka niya?

Alam mo ang sarap mong bali-baliin eh."tumalikod ako para kumalma

"Hindi ko naman sinasadya ....siya itong bigla nalang akong hinigit tapos inaakusahan ng kong anu-anong sinasabi na hindi ko naman maintindihan.at isa pa pwede ba wag kang magalit,ako parin ang nakakatanda mong kapatid."pagalit din nitong sabi

Pag harap ko sa kanya,ito nanaman siya nag aabang na ang luha para bumagsak,pero pinipigilan niya.

"Oo,nakakatanda nga kitang kapatid.Pero hindi ibig sabihin non wala akong karapatan na pagsabihan ka.Lalo na sa palagi mong kilos na parati nalang dinadala ka sa kapahamakan.."

Nagsimula na itong umiyak,umupo sa sahig na tila isang bata

Napahawak nalang ako aking sintido at napapailing.

Sa bawat oras na makagawa siya pagkakamali lagi nalang siyang ganito.
Kaya hanggang ngayon nanatili parin ako sa tabi niya upang siya ay gabayan.
Tila isang munting bata ang nasa loob ng katawan niya.

Huminga ako ng malalim..at lumapit sa kanya.

Dahan-dahan na umupo sa harap niya.

"Patawad.. pasensya na...nadala lamang ako ng aking pag aalala.Nag alala ako ng sobra dahil sa kong anong kalalabasan ng iyong nagagawa.Natakot ako na baka anong masama ang mangyari sayo."

Humihikbi ito na nakatingin saakin at nag papaawa lalo.

"Tahan na , Lyconne..may nais akong ibigay sayo.
At kong hindi ka titigil hindi mo matatanggap ang regalo ko."

Nanlaki ang mata niya sa gulat.Sing bilis ng kidlat siya ay nag kuskos ng luha at matapos ay inilahad ang kamay na may ngiti na sa labi.
Na para bang wala bang nangyari kanina lang

"Pinapatawad na kita,akin na ang regalo."excited na  excited ito

Kinuha ko sa aking sisidlan ang isang manika na aking ginawa para sa kanya.

Napasinghap siya  at mabilis na kinuha ang manika.

Nanlalaking mata siya nakatingin sakin.

"Akin to?akin?"hindi makapaniwala niyang tanong

Tumango ako

"Hala!!Ang ganda! kamukha ko..Tapos ang damit niya at lalo na ang paborito kong sapatos ay naririto.!"
Napapangiti na lamang ako sa kanyang reaksyon,masaya ako na nagustuhan niya ito.

"Syvier,kapatid ko..maraming salamat dito..hinding hindi ko ito pababayaan."

Umiling ako..

"Lyconne,nagkakamali ka.Siya ang magiging gabay mo pag wala ako."

Doll Maker(BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon