Chapter 4

642 30 1
                                    

DJ's POV

Anung oras na ba? Hindi na ako nag reply dun sa OhmyVeenus. Baka pinaprank lang ako nun pero bakit kinakabahan ako. Kanina pa nagtatalo yung isip ko kung pupunta ba ako o hindi. Ano ba naman?! DJ compose yourself. Inhale... Exhale... Inhale... Exha- "kuya samahan mo ko sa mall, please" naputol yung paghinga ko dahil sa kapatid ko. "Hoy Driana uso kumatok, oo. Tsk!" Maka hoy naman ako noh parang di ko kapatid eh. Pero mahal ko yan.

"Ayoko" pagtanggi ko sakanya. "Kuya naman eh, sabi kasi ni mama samahan mo'ko" napapadyak pa. Luh. Ahh kaya naman pala, alas tres na. Pinapasama ako ni mama sa kapatid ko kada ganitong oras na may pupuntahan sya. Baka kasi anong oras ng maka-uwi at babae panaman sya. Magaganda at pogi kasi lahi namin... uh, anung konek nun? Haha bahala kayo.

"Ok sige na, sasamahan na ki-t-a..." teka! Ngayon ko lang na-realize gagi! Pupunta kaming mall tapos malapit lang ang mall sa starbucks. Lord, sign na ba ito?... pero lagpas alas tres na, andun pa kaya yun?. Try natin.

After 30 minutes ay nandito na kami ng kapatid ko sa mall. May bibilhin daw syang materials para sa project nila. Di nagtagal ay nagpaalam muna akong pupunta ng starbucks.

"Luh sya, may pera kang pambili dun kuya?" Kung di ko lang kapatid to kinutusan ko na 'to eh. "Ingay mo. May pera ako bakit? Pero hindi ako bibili. May titingnan lang. Tawagan mo nalang ako mamaya." Sabay talikod ko sakanya.

Kaya namang bumili sa starbucks eh kaso first things first muna. Yung pambili ko ng kape dun eh ipang lo-load ko nalang para kahit walang wifi sa bahay ay makakalaro parin ako ng ML... kala mo talaga kung anung first things first ehh haha.

Habang naglalakad ay binuksan ko yung data ko para ma open ko yung ML. Di ko alam kung andyan pa sya at naghintay. Hindi ko rin kasi alam kung anong itsura nya kaya paano ko malalaman, bobo naman. Pero baka nag message sya, tagal naman kasi mag open eh. Hina ng data. Tsk! Di ko namalayan andito na pala ako sa starbucks.

Umupo muna ako sa bakanteng upuan sa loob. Pandalawahan itong lamesa na napili ko. Nung nag open na ang ML "Hi, andito na'ko" "naka itim na jacket with eyeglass" "Iniisip mo sigurong ginu-good time kita." "Andito parin ako" "Well I guess di ka talaga pupunta. Sige, uwi na ako." Ayan yung mga messages nya. Nalaglag naman yung balikat ko. Nakakapanghinayang naman. Ayun na sana yun eh! Tangina naman kasi self, ano yun? Parang nagpa hard to get kapa. Pangarap mo na yun oh...

Nagpangalumbaba nalang ako tapos may napansin akong kumikinang sa katapat kong upuan. Huh? Ayon nga dahil na curious ako ay nilapitan ko. Kwintas? Wow! Totoong gold kaya 'to? Gago ka DJ nanakawin mo pa ata eh haha. Pero di nga, ibibigay ko dun sa cashier baka may maghanap eh. Ang ganda pa naman.

Tumayo na ako. Sakto pagkaharap ko ay may nakabangga ako kaya nahulog yung kwintas. Di ko na tiningnan kung sino yung nakabangga ko kasi yumuko na ako para kunin sana yung kwintas kaso sabay pa ata kaming yumuko kaya nagkauntugan yung mga ulo namin. "Aray!" "Ouch!" Kanya-kanya naming sabi. Sakit nun ah putcha... "I'm sorry" "sorry" sabay nanaman naming sabi.

Hawak ko yung noo ko habang sya ay hinimas himas yung noo nya. Di pa nya ako nakikita kasi dinampot pa nya yung salamin nya atsaka sya narin yung dumampot sa kwintas.

"Sa'yo ba yang kwintas?" Tanong ko sakanya. Saka pa sya tumingin saakin. Nanlaki naman yung mga mata ko. Sya yung nakabunggo ko din sa school kahapon eh. "Y-yes akin to." Sagot nya. Utal utal naman.

"Ah ganun ba. Ibibigay ko sana dun sa cashier eh baka may maghanap. Buti nalang binalikan mo." Tumango-tango lang sya. Napakamot nalang ako sa batok ko. "Sige ha, alis na ako. Sorry kanina saka sorry din kahapon. Una na ako." Pagpapaalam ko. Tatalikod na sana ako pero nagsalita sya.

"Wait! Uh, I'm OhmyVeenus. You're Wise, right?" Napaharap ako ng mabilis sakanya. Nagka titigan kami ng matagal. Ako yung unang bumawi sa titigan namin at nag fake cough. Pinagmasdan ko sya ng mabuti. Ngayon ko lang napansin, naka black jacket sya at naka eyeglass gaya nung nasa message nya. Hmmm

"Teka, paano mo nalaman na ako si wise?" Paniniguro ko. "Profile picture mo yung real face mo" sabi naman nya. Tama pala. Ang tanga! Pahiya tayo dun ah.

"Anyways, upo muna tayo." Pag aaya nya. "Akala ko hindi kana dadating kaya umalis nalang ako buti nalang pala at naiwan ko yung kwintas." Sabi nya pa sabay lagay nung bag nya sa lamesa. "Oorder muna ako. Anung gusto mo?" Naman! Wala akong balak na bumili eh. "Hwag na, ok lang. Di na ako oorder" pagtanggi ko. "Sige na. Ako naman ang magbabayad eh atsaka I invited you to meet with me so I insist." Nag english pa nga. Di naman sa hindi ako maka intindi haha.

"Kahit na. Nakakahiya, pinaghintay kita." Sabi ko sa mahinang boses at napaiwas ng tingin. "It's okay, I understand. Ako nalang oorder para sa'yo." mapilit talaga, kulit.

Pinagmasdan ko sya. Iba yung aura nya ngayon kesa kahapon. Paano ko ba sasabihin hmm ang aliwalas ng mukha nya. Nerdy type pala to. May eyeglass with matching braces. Di ko kasi napansin kahapon na may braces sya kasi sa mukha nya ako naka focus. Uh, ano daw?... Parang ang professional nya tingnan. Ang gandang gwapo...

Saan naman galing yun self? haha.

Hindi ko namalayan pabalik na pala sya dala yung mga inorder nya.

"So ah, hi. I'm Jezziel Villafuerte" pagpapakilala nya sabay abot ng kamay. "Daniel Jace Dela Verde." Sabi ko at nag shake hands kami. "Nice to meet you." Pahabol nya sabay ngiti.

Ang ganda ng ngiti...

---Guys? Parang gusto ko nalang gamitin mga real names nila. Ang hirap palang mag isip ng mga pangalan hahahah.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now