Chapter 9

581 30 0
                                    

Hello ^.^ thank you pala sa mga nag vote at mga nag add ng story sa kanilang lib.

Here's the update. Enjoy reading.

Wise' POV

(Insert Tutu music)

"Hoy! Ayusin nyo nga. Di tayo sabay-sabay sa steps." Naiinis na ako sakanila. Paano kasi kanina pa kami nagtitiktok pero wala pang maayos na kuha.

Kung tinatanong nyo pala kung asan ako? Hulaan nyo... di joke lang haha. Andito ako sa boot camp.

Oo boot camp, bahay ni coach. One week na ata kami dito para sa locked in training namin.

Ang bilis noh? Natapos na ang school year. Tapos na rin ako mag aral... ng second year.

Baka tinatanong nyo rin kung paano ko napapayag parents ko? Sige, flash b-

"Paps tara na! Ok na kami. Pwede na natin i-record ulit" spell istorbo, O-H-E-B! Magku-kwento pa ako eh. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Mamaya na. Practise pa kayo, baka pag nag start na sa pag record ay makalimutan nyo na naman." Nag alangan pa sya pero sumunod nalang. At nag practise na nga ulit hahaha.

-Flashback-

"Ma, Pa... Ayaw ko na pong mag aral. Hihinto na po ako." Nasa hapag kami, kumakain. Sinadya ko talagang dito sabihin para kompleto kami.

I feel very nervous. It took me awhile to gather the strength and courage to finally tell them those words.

Afraid of their reactions, the "what ifs" in my head and the disappointment they'll feel. These are all I considered for me to keep going to school and finish my studies. This is their dream for me, But what about my dream?...

Napahinto sila sa pagsubo at napatitig sa akin.

"Naalala nyo ma? Na gusto kong maging pro player. Yung nilalaro ko po sa online?" Tahimik parin sila, naka yuko.

"May kumuha na sa'kin ma. At pinirmahan ko na po yung kontrata." Sabi ko sa mahinang boses at yumuko rin.

Napakislot pa ako dahil sa pabagsak na nilapag ni papa yung kutsara't tinidor sa mesa.

"Anung pag-iisip meron ka Daniel Jace?! Mas uunahin mo pa yang laro na yan kesa sa pag aaral?!" Napatayo na si papa at naka-pamewang. Galit na.

Napatingin ako kay mama. Humihingi ng saklolo. Alam ko wala ring magagawa si mama kasi si papa talaga yung may power pagdating sa desisyon.

Napabuntong hininga si mama.

"Hindi mo muna kinunsulta sa'min Dong kung payag kami. Basta mo nalang pinirmahan yung kontrata." Napailing pa si mama.

Ang bigat sa pakiramdam. Napagalitan na nga at nadisappoint ang parents ko, mukhang di pa ata ako mapapayagan. Eh nakapirma na ako sa kontrata. Paano na ngayon yan?...

Pumasok na sila mama at papa sa kwarto nila. Si Driana naman ay tumayo na rin, nawalan na ata ng gana. Gago mo wise, sinong di mawawalan ng gana aber?...

Napa-buntong hininga nalang ako at hinugasan na yong mga pinagkainan namin.

Nagtagal pa ako sa sala dahil sa pagmumuni pero kalaunan ay pupunta na ng kwarto. Pero bago pa ako makapasok ay naisipan kong silipin muna sina mama.

Nakayakap si papa kay mama. Mahal talaga nila ang isa't-isa. Sa susunod makakaroon din ako nyan. Yung may yayakapin at yumayakap.

----

(Hello, wise) dinig ko. Sino naman kaya to? Naglalaro kaya kami, tsk.

(Si BB to) naramdaman ata nyang ang seryoso ko at wala syang balak na pansinin kaya nagpakilala nalang. Naka open mic ako kasi wala lang.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now