Chapter 19

568 32 2
                                    

Happy VeeWise day! 🥰

Sorry ngayon lang nakapag update. Busy sa work huhu.



Wise' POV

Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna ako dito sa garden. Si Oheb na ang pinag-hugas ko ng mga pinggan.

Grabe nga si Vee kanina. Ang takaw. Ngayon lang talaga ata sya nakakain ng sardinas. Sya lang ang naka ubos nun eh. Kukuha nga sana si Oheb kanina kaso pinalo nya yung kamay at ang sabi "akin lang to Oheb. May adobo naman. Ikaw nag request nyan eh."

At ang Oheb ay wala na ngang nagawa haha. Kukuha rin sana ako kaso baka mapalo rin yung kamay ko kaya hwag nalang.

Papahangin muna ako at pahinga kasi bakbakan nanaman sa practise mamaya.

"Boo!"
"Ay p*t*ngi**!"
"Hahahah! You should've seen your face Wais" gagong Vee naman kasi. Mangiyak-ngiyak pa sa tawa oh. Saya yan?... tsk

"Haha sorry. Gumanti lang." Ah ganun pala ha.

"Ikaw ah, lagi mo na akong nauunahang tumambay dito." Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Ay andamot ha. Ikaw lang ba pwedeng tumambay dito?" Sya naman ngayon ang napatawa

"Haha. Hindi naman. Pero diba?. Ang ganda dito. Nakaka relax" sabi nya. Pagka tingin ko sa gawi nya ay nakahilig na sya sa upuan at naka pikit.

How can I not agree when everytime I go here everything's just so relaxing. Especially when you're here with me.

I nodded with a smile in response. I looked so stupid I know buti hindi nya nakita.

Maya-maya pa ay idinilat na nya ang kanyang mga mata. Magkatitigan kami ngayon. Pero di ko matagalan, napa iwas ako ng titig.

"May nobyo kana ba Vee?" Hindi ko alam kung bakit yan ang tanong ko. Gusto ko sanang bawiin kaso paano? Eh lumabas na sa bibig ko.

"All of a sudden?" Psh. Itong bibig ko kasi eh.

"Yeah" gusto ko malaman oo na. Para naman makapag desisyon ako kung itutuloy ko ba ang pagka gusto sakanya.

"W-wala. Wala pa akong n-naging nobyo." Nauutal nyang sagot.

Natuwa naman ako dun. Gustong sumigaw ng puso ko. Yes!

"Good" naiusal ko bigla.

"Huh?" Tangnang bibig kasi.

"Ah hehe wala. Ang sabi ko Good. Ang good girl mo pala." Salamat sa palusot.com

"Ah. Okies." Tipid naman.

"Pero hindi nga. Bakit wala? I mean maganda ka naman at mabait."

"Eh bakit ba. Big deal ba kung wala akong nobyo? Atsaka yeah. Maganda talaga ako bonus nalang yung mabait." Taray ah

"Papasok na pala ako. Ang lamig kasi. Biglang lumakas yung hangin." Sabi ko sabay tayo. Sya naman ay tumawa.

"Haha 'to naman. Stay ka lang jan Wais."

"Focus ako sa pag aaral eh. Tapos ngayon focus parin, sa paglalaro. Atsaka wala nga kasi, kasi walang nagbalak na manligaw." Nakasimangot nyang sabi at napa halukipkip. Hahaha ah ganun pala yun.

Mabuti kung ganun. Oh so kung liligawan ko sya at maging kami, ako ang first bf nya? Napangisi tuloy ako.

"Bakit mo pala natanong?"

"Hmm paano kung sabihin ko sa'yong gusto kita. Liligawan kita. Papayag ka ba?" Diritsong tanong ko sakanya.

Uhh, masyado ba akong mabilis? Nagulat sya eh tapos natahimik.

"J-joke ba yan Wais? Tatawa na ba ako?" Peke ang tawa nya.

"Hindi. Seryoso ako Vee." Sabi ko at tumingin sa mga mata nya. Makita nya sanang sincere ako.

"Gago ka ba? May girlfriend ka oy!" Napa buntong hininga ako sa sinabi nya.

"Si Marie ba? Wala na kami. Break na." Sabi ko. Nanlaki naman yung mata nya sa gulat.

"Hala?! Ba-bakit naman? Sayang naman kayo Wais." (-.-)

"Ikaw ang may kasalanan noh? Apaka playboy mo pala Wais. Kawawa naman si Marie" sabi nya na may kasama pang hampas sa akin.

Aray ha. Ako pa ngayon yung may kasalanan. Ako pa ang playboy? Eh ang loyal ko nga.

Oo loyal naman talaga ako, nagloko lang talaga si Marie. Aheerrm!

"Porke ba nag break eh ang lalaki na ang may kasalanan? Hindi naman sa lahat eh kami na ang sisisihin. Kami lang ba  yung may kakayahang magloko?" Malungkot kong turan kay Vee.

Natulala naman sya saglit pero  ng makabawi ay nag iwas sya ng tingin.

"Ha.ha. ang s-seryoso mo naman Wais." Napalunok pa sya.

"Seryoso nga kasi ako Vee."

Tumayo sya bigla.

"T-tara na pala. Kanina pa tayo dito eh. Naghihintay na siguro sila sa taas. Magpa-practise pa tayo." Lalakad na sana sya ng hulihin ko yung kamay nya kaya napatigil sya. Nakatalikod sya sa akin.

"Vee." Dahan dahan syang napaharap sa akin nung tawagin ko sya.

"Alam ko, mabilis ako. Ang bilis ng pangyayari. Naghiwalay kami ni Marie. Tapos ngayon nag confess akong gusto kita."

"Hindi naman kita minamadali. Maghihintay ako. Hayaan mo lang akong ligawan ka. At mapatunayan na seryoso ako Vee. Totoo."

Napayuko sya sa sinabi ko. Hindi nagsasalita. Wala akong nakuhang sagot. I heaved a sigh at nagsalita ulit.

"Sige na. Mauna ka na sa taas. Susunod ako." Sabi ko na pilit pinasisigla ang boses. Ginulo ko pa ang buhok nya saka pinakawalan ang kanyang kamay.

She just nodded and walked half running. Leaving me questioning myself. Was I too fast?

Aaaarrrrgh! Kainis naman. Napasabunot nalang ako sa aking buhok dahil sa nangyari. Tsk.

After ilang minuto ay sumunod na nga ako.

Scrim ulit ang ginawa namin. Tahimik ang game room. Himala at hindi nag-iingay ang tatlong itlog.

Si Vee tahimik lang din.  Hindi maka-tingin sa akin. Bakit parang naging awkward sya sa akin. Naramdaman siguro nung tatlo ang awkwardness sa amin ni Vee kaya sila natahimik?...

I didn't intend things to be awkward like this after I confessed my feelings for her. Or maybe I didn't just expected things would be this awkward between us.

Hindi nalang din ako umimik.

She seems distracted sa laro.

Natalo kami ng natalo. Lose streak pre! Hindi pa sana titigil si Vee kasi gusto nya talaga na makapanalo ng isang laro.

"Tama na muna Vee. Bukas naman tayo mag practise." Sabi ko

"Oo nga momsh. Pagod lang siguro tayo ngayon." Edward

"Bawi nalang tayo bukas" Hadji

"We need to rest din, you know." Tanginang Oheb. Kung iba lang siguro ang mood ngayon tinawanan ko na sya at nabatukan. Napa english pa nga.

Wala ng nagawa si Vee kundi ang bumuntong hininga nalang. Alam kong disappointed sya kahit na scrim lang ang ginawa namin.

"Sige pahinga na kayo. Dito na muna ako." Sabi nya ng hindi nakatingin sa amin.

Nagkibit balikat naman ang tatlo. I on the other hand heaved a sad sigh.

Hahayaan ko na muna.

And that night I posted a status on my facebook saying,

Did I made the right decision?

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now