Chapter 43

634 37 6
                                    


Wise' POV

"Sa susunod love, don't jump into conclussion na agad. Let's talk it out gaya nung ginawa natin kanina. Kung may nakita at narinig ka saakin na hindi mo gusto sabihin mo agad okay? Gusto ko yung vocal tayo sa isa't-isa. Yung walang tinatago." Mahabang sabi ko kay Vee.

Ngumuso lang sya at kalaunan ay tumango.

Andito kami ngayon sa couch sa sala. Mukhang wala pa atang balak matulog itong isa eh.

Naka upo ako ng maayos tapos sya ay nakahiga, nakaunan ang ulo nya sa legs ko. Pinaglalaruan ko yung buhok nya. Sya naman ay yung mga daliri ko ang pinagdiskitsahan.

"Sorry ulit dun sa pagtawag ko ng endearment kay Marie." Feeling ko kasi hindi pa sapat yung paghingi ko ng sorry kanina. Shit! Mawala na sana yung sakit na nararamdaman nya.

Hindi nagsalita, tango lang ulit ang sagot, amp.

"Vee, kung hindi mo ba sinabi saakin na narinig at nakita mo kami ni Marie. Tapos nag assume kang nagkabalikan kami. Ibabalik mo ba ako sakanya? Makikipaghiwalay ka ba saakin?" Tanong ko.

Natigil sya sa kakalaro sa mga daliri ko at napatingin saakin. Seryosong titig. Napahinto narin ako sa kakalaro ng kanyang buhok.

Maya-maya ay bumangon na sya at humarap saakin.

"I- I won't give you back Wais. I told you magpapaka-selfish ako pagdating sayo." Sabi nya sa seryosong boses.

Ang saya ng puso ko, oo. Kasi hindi sya makikipaghiwalay saakin diba? Mahal nya rin ako diba?

Hahawakan ko sana yung mga kamay nya kaso pagtingin ko. Naka-kapit pala sya sa manggas ng damit ko. Kaya napatawa ako, shit! Ba't ba ang cute nitong partner ko (^.^)

"Oo nga halatang ayaw mo'kong ibalik." Napatingin din sya sa kamay nyang naka-kapit sa damit ko.

Nagulat sya at biglang inalis ang kanyang kamay at tumikhim.

"Kaya magmula ngayon, wala na dapat lihim okay. Lesson learned na yung nangyari nung nakaraan ha. Kausapin mo muna ako, hindi yung nag-aassume kana agad. Ayaw kong lilipas ang araw na hindi tayo magbabati kung magkakatampuhan man. Pagkatiwalaan mo'ko kasi pagtitiwalaan din kita." Mahabang sabi ko.

Imptortante rin kasi yung trust atsaka communication sa isang relasyon.

"Yes boss!" Masigla nyang tugon at sumaludo pa. Parang bata.

"Nah! You're the boss, boss" balik kong sabi at hinila sya para yakapin. I then heard her giggled. Sarap talaga sa pandinig. Kaya hinalikan ko yung bumbunan nya. Bango naman.

"Tulog na tayo." Pag aaya ko na. Lagpas na naman sya sa dapat oras na ng tulog nya.

"Ok" she said, whispering in my ear with a sexy voice. Tangnang yan! Ay hwag kang ganyan Vee. Sinasabi ko sayo.

Sinasabing ano Wise? Tsk!

Saglit akong natulala dahil dun. Hindi ko nga namalayan na nakahiga na pala ako sa couch katabi nya. Nakayakap pa sya saakin.

"Love, anung ginagawa mo?" Wala sa sarili kong tanong

"Nahiga, matutulog na sabi mo diba?." Oo nga naman Wise bopols mo.

"Sabi ko nga, pero sa kwarto na tayo." Sabi ko naman.

Pero ang kulit. Lalo pang humigpit ang yakap saakin at sumiksik pa nga. Luuh naman eh.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now