Chapter 15

544 24 2
                                    

Hi. Sorry ngayon lang ulit nakapag update.

Magustuhan nyo sana.
Enjoy reading 😊
-------‐----------------

Wise' POV

Andito ako ngayon sa bahay. Tumawag ako kay coach na bukas nalang ako babalik ng BC. Humingi ng day off, kumbaga.

Nakaka miss 'tong bahay namin. Miss ko na rin sila mama eh.

"Ma!" Nakita ko sya sa may kusina. Naghuhugas ng pinggan.

"Dong? Bakit ka nandito? Akala ko sa susunod na buwan ka pa makakauwi." Surprise ma, na surprise din kasi ako kanina eh. Joke!

"Ayaw mo ba akong makita ma? Hindi nyo ko namiss?" Sabi ko ng may pagtatampo.

"Namiss ka namin Dong. Nagulat lang ako, di ka man lang tumawag na uuwi ka. Kumain kana?" Nagpupunas na sya ng kamay, tapos na syang maghugas eh.

"Oo tapos na ma." Sabi ko nalang kahit di pa talaga ako kumakain. Wala akong gana.

"Teka Dong, natutulog ka ba ng maayos? Ang pangit na ng mata mo. Tapos nangangayayat ka. Naku Dong ha, baka di ka kumakain ng maayos. Baka puro laro nalang kayo." Ayan na naman tayo. Mama naman eh. Eto talaga yung namiss ko kay mama haha.

"Natutulog at kumakain naman syempre ma. Grabe lang talaga yung practise namin. Atsaka nanalo kami kahapon." Proud kong sabi sakanya.

"Pero marami pa kaming kakalabanin. May laro kami ulit next week." Sabi ko pa at umupo sa sofa katabi nya. Niyakap ko naman yung braso ni mama.

"Totoo?! Wow! Mabuti naman kung ganun." Masayang sabi ni mama at ni-pat yung ulo ko.

"Dito ka matutulog o babalik ka doon sa, anung tawag nyo don?" Tanong nya

"Boot camp ma. Dito ako matutulog. Tumawag naman na ako kay coach kanina na bukas na ako babalik doon." Sabi ko sabay kalas ng yakap ko sakanya.

"Talaga? Buti naman. Miss kana namin eh. Magluluto ako ng paborito mong ulam." Excited na sabi nya.

Nagdecide talaga akong umuwi dahil na-miss ko yung luto ni mama. (Yun ba talaga ang dahilan?) Sabi ng demonyo kong isipan. Tsk!

"Pero bago yun, matulog kana muna Dong. Nagrereklamo sa'kin yung mga mata mo oh. Gusto pa raw nilang matulog." Napatawa naman ako sa sinabi ni mama.

I coudn't agree more kasi inaantok pa talaga ako.

"Si mama talaga. Sige, punta muna akong kwarto ma. Iidlip muna ako." Pagpaalam ko kay mama.

Gusto ko talagang matulog pero ngayong andito na ako sa kwarto at nakahiga na, hindi naman ako makatulog. Ano ba yan!

Dilat na dilat pa yung mga mata ko.

Kasalan ito nung nakita ko si Marie eh.

Kinapa ko yung bandang dibdib ko. Pinakiramdaman. Pinapakiramdaman kung may galit at lungkot o bahid ng nasasaktan man lang sa nakita ko kanina.

Flashback

Nag door bell ako. Antagal namang buksan. Kinakabahan ako. Hindi ko nga alam bakit parang di ako mapakali.

Maya maya pa ay bumukas yung pintuan at papa ni Marie yung bumungad sa akin.

"A-ah magandang tanghali po sir" pormal kong bati sakanya

Tumango lang sya. Ayaw pa ata akong papasukin.

"Pinapunta p-po kasi a-ako ni Marie. A-andyan po ba sya?" Tanginang utal.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now