Chapter 7

611 31 3
                                    

Wise' POV

"Hello sa inyo. Ako nga pala si Ray John Vasquez. But you can call me Bon Chan. Ang magiging coach ninyo." Pagpapakilala nya. Pero wala sakanya yung attention ko. Nakay OhmyVeenus. Napansin ko lang kasi, parang nakapambahay lang sya. Tapos sya pa nagse-serve nung meryenda. Kanina ko pa sya tinitingnan ng may marinig akong tumikhim.

Napatingin ako kay coach na nakatingin din pala saakin tapos nalipat ang tingin kay OhmyVeenus. Napansin ata na pinagmamasdan ko si OhmyVeenus.

"Ah, sya nga pala guys. Siya si Jezziel Villafuerte. Inaanak ko. Vee halika." Pagtawag nya. At lumapit naman ang huli.

"Hello guys. I'm Jezziel. Pwede nyo akong tawagin sa IGN ko, OhmyVeenus. Pero kung nahahabaan kayo just call me Vee." Pagpalakilala nya with matching kaway ng kamay at ngiti.

"Sige pala. How about this, you introduce yourselves first before we get to the agenda on why I called for you guys." English pa nga. Pero tumayo na si Oheb at nagpakilala. Walang hiya! Pangalan, edad at IGN lang yung sinabi nya.

"Hi. Ako pala si Edward. Edward din yung IGN ko. 17. Nag stop na sa pag-aaral." mabuti pa sya.

"Hello I'm Daniel Jace. 20. Wise naman yung IGN ko." Pagpalakilala ko naman at umupo na. Napansin ko naman through my peripheral vision, naks! Nakatingin sa'kin yung Edward... Binalingan ko rin ng tingin tapos nagulat sya kaya tinanggal yung pakakatingin sa akin. Problema non?...

"Ok nakapagpakilala na ang lahat. Proceed tayo sa pinaka agenda natin." Sabi ni Coach.

Diniscuss nya yung mga nasa kontrata. Binigyan pala kami ulit nun kasi nalimutan naming dalhin yung sa'min, maliban kay Oheb.

Si coach pala yung manager/founder nitong blacklist. Gusto raw nyang sumubok na mag build ng "name" sa e-sports. At itong ML ang una sa listahan nya. Though 4 palang kaming andito. Makikilala naman daw namin yung isa pa naming makakasama kapagka lock in na yung training namin. Hanggang lima lang daw muna ang kukunin nyang member kasi kulang pa sa budget kung dadagdagan pa. Sa susunod nalang daw kung stable na ang team.

Ok din naman yung sahod namin. Understandable kasi kasisimula palang ng team. Madadag-dagan naman daw kung magaganda ang performance namin sa mga laban. Sasali na raw kami next season ng ML kaya dapat magpa alam na daw sa mga parents para wala ng problema.

Ayun nga ang problema eh, hays. (T_T)

Yung bahay nalang daw ni coach ang gagawin naming boot camp. Malaki naman daw. Kakasya na daw kami doon. Sa katunayan nga ay ipinapaayos na nya yung magiging kwarto namin at yung space namin para sa pagte-training.

Hindi ko na ata matutupad yung pangako ko kay mama na magtatapos ako ng pag aaral. Paano ko ba ipapaalam sakanila? Tsk.

"Guys pwede na kayong umuwi. Patatawagin ko nalang si Vee sa inyo kung kailan ko ulit kayo ipapatawag." Sabi ni coach ng hindi nakatingin sa amin. Busy sa pag aayos nung mga papel. Pumirma na kami ni Oheb doon sa kontrata. Tulungan nawa kami ng Diyos sa pag explain sa mga parents namin.

Nagpaalam na kami kay coach. Tiningan ko si Vee. Di pa ba sya aalis?

"U-uhm Vee di ka pa ba aalis? Sabay na tayo nila Oheb sa labasan." Pag aaya ko sakanya. "Hmm hwag na, dito kasi ako nakatira Wise." Sabi nya at napakamot sa kanyang ulo. Ah kaya pala. Nakapambahay lang sya kanina tapos at home na at home.

"Ah kaya pala. Ok, kita kits nalang ulit. Sige una na kami." Sabi ko at umalis na kami ni Oheb.

Hindi ko alam kung paano sasabihin kina mama itong napagdesisyunan ko. Alam ko magagalit sila, madi-disappoint. Bahala na, saka ko na sasabihin.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now