Chapter 42

657 39 9
                                    

Wise' POV

Kinaumagahan pagkagising palang namin ay nag practise agad kami. Makakaharap namin ulit ang BREN. Rematch ang laban ngayong mga linggong darating. May dalawang team ang malalaglag at di makakapasok sa play offs.

And hopefully makapasok kami sa playoffs. Yan yung goal namin.

Mamayang gabi yung laro namin kaya ngayon todo practise pa kami.

Marami na ngang notification sa facebook ko. Yung kagabing ni-post ko siguro.

As much as I want to open my fb and basahin na yung mga comment kasi excited din akong malaman kung ano talaga yung reply ni Vee saakin ay pinigilan ko muna yung sarili ko. Syempre practise muna tayo 'tsaka mamaya ko na babasasin dun na sa venue para may thrill ^.^

"May passport na ba kayo?" Biglang tanong ni Vee.

Napakunot ang noo ko dun.

"Wala momsh. Maliban sa school id wala na akong ibang id haha" sabi ni Oheb na ikinatawa ni Vee. Ako naman ay napailing.

Pero sabagay, ako rin naman wala. (^.^')

"Hindi naman ako pupunta ng ibang bansa momsh eh." Sabi naman ni Edward.

"Wala akong balak." Sabad ni Hadji.

"Wala kayong balak? Ayaw nyo ba? Sige kayo, kapag tayo nag second place sa mpl ph hindi tayo makakapaglaro. Sa ibang bansa gaganapin yung M4."

Natigilan ako sa sinabi ni Vee. Oo nga pala, next year na yun. Anung bwan na ba ngayon, September na. Ang alam ko kasi usually December or January ginaganap ang Mseries eh.

Oo nga noh? Paano kami makakapunta sa ibang bansa kung saan gaganapin ang M4 kung wala kaming passport?!...

"E-eh momsh ang tanong makakapag-laro kaya tayo?" Oheb

"K-kaya ba natin?" Edward

"Makaka second place ba tayo? Man lang?" Hadji

Bumagsak tuloy ang balikat ko dahil sa pinagsasa-sabi nung tatlo. Oo nga naman. Maraming magagaling eh. Bagong team pa nga lang kami sa MPL PH pero ang tayog na agad ng pangarap namin.

"Ano bang mga tanong yan? Grabe naman kayo sa mga sarili nyo. Wala ba kayong tiwala? Sige na kasi, kuha lang kayo ng passport, yan ang pinaka valid na id eh. Ayaw nyo pa nun?..."

Mapilit ata si Vee na kumuha na ng passport ah.

"Paano ba yan? Patulong nalang momsh." Sabi ni Edward at sumang ayon narin yung dalawa na kumuha. Napa-palakpak naman si Vee dahil sa tuwa. Maya-maya ay nabaling ang kanilang tingin saakin.

What?...

"Oo kukuha narin ako." Pagpayag ko na rin.

Sa sobrang tuwa nga ni Vee, lumapit sya saakin at yayakapin na sana ako kaso nabitin sa ere yung mga braso nya saka nya lang siguro na-realized na andyan pala yung tatlo. Kaya bumalik sya ulit sa pagkaka-upo at tumikhim.

Hahaha cute. Mamaya nalang kasi yung yakap, amp.

Practise at nanunuod kami ng games nung mga nakalaban namin. Yung mga nakaraang games pa yun. Pinapag-aralan namin kung anung magandang pang counter at tamang heroes na gagamitin namin.

Hmm masasabi kong kaya naman, siguro hehe, rematch na rin kasi atsaka gagawin talaga best namin kasi ang goal ay makapasok ng play offs.

One hour before ang game ay nakarating na kami sa venue. Nanunuod kami ng laban between Echo and RSG. Oohh laban ng defending champ and nung sumunod sakanila.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now