Chapter 34

614 50 12
                                    

Happy 5.61k reads ang 592 votes!!! 🥳 Waaaaaah! Thank you so so much mga shoepatids.

At dahil dyan, may update.
Chariz hehehe.

Enjoy reading ^__^

-----------------------------------

Wise' POV

Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog.

Kinakabahan ako. Si Oheb naman kasi. Hindi mawala sa isip ko yung pinag usapan namin.

*Flashback*

Nasa kwarto na kami maliban kay Edward na bumaba kasi may nakalimutan daw. Si Hadji nasa banyo. Kaming dalawa ni Oheb ang naiwan.

"Oheb, bakit di ka pumusta na magiging kami ni Vee? Kabisado mo na dapat ako diba? Magkakilala na tayo eh. Sayang tuloy yung pera mo." Sabi ko habang nag aayos sya ng kama nya.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"Yun na nga paps eh. Kilala na kita kaya hindi ko ine-expect na magiging kayo na agad ni momsh. Kasi may Marie ka diba?." Seryoso nyang sabi nakapagpatigil saakin.

"W-wala na kami ni Marie Oheb. Nakipaghiwalay na ako sakanya." Sabay iwas ng tingin sakanya.

"Baka naman nakipaghiwalay ka lang sakanya kasi andyan na si momsh." Sabi nya ulit.

"Hindi ako makikipaghiwalay kay Marie kung walang dahilan Oheb. At hindi yun mababaw na dahilan lang." Sabi ko naman.

"Siguraduhin mo lang paps ah." May bahid ng relief na sabi nya.

"Pero Oheb, kasi hindi sya pumayag na makipaghiwalay eh. Ang sabi nya cool off daw muna." Pagkasabi ko nun ay binato nya ako ng unan.

"Gago ka paps!" Gigil nyang sabi.

Bigla namang bumukas ang pinto ng cr at lumabas si Hadji. At sya namang pagpasok ni Edward.

Nadatnan nila kaming nakatingin sa isa't-isa at pabalik-balik ang tingin nila sa amin.

Gusto kong malaman ni Oheb na sincere at totoo ang nararamdaman ko para kay Vee. At sisimulan ko yun sa page-explain sa nangyari sa'min ni Marie.
Kaya naman hinila ko sya at dinala sa game room.

Doon ko kinwento sakanya lahat mula umpisa hanggang dun sa nakipag-hiwalay na ako kay Marie.


"Kasalanan nya naman pala paps. Hmm pero baka ni-take advantage mo talaga yung pagkakataon na nahuli mo syang may kahalikang iba. Aminin mo paps, hinintay mo lang siguro yung pagkakataon na yun para makapag push kana kay momsh noh?"

"Masama na ba ako nun? Ang laki ko bang gago nun, Oheb?" Nakayuko kong tanong sakanya.

"Kami pa ni Marie nun pero nagkagusto na ako kay Vee. Maniwala ka Oheb, pinigilan ko yung nararamdaman ko para kay Vee at itinuon ang atensyon ko kay Marie." Panimula ko. Sige ilalabas ko na 'tong matagal ko ng tinatago.

"Aaminin ko, mas malaki ang oras ko para sa pangarap ko, ang mag ML pero naghahanap naman ako ng paraan para mapuntahan sya, makausap sya. Sinubukan kong isalba pa yung relasyon namin kahit may kutob na ako nun." Sabi ko pa.

Mabuti nalang andito si Oheb, may mapag-sasabihan ako ng mga hinanakit at kasakitan ko.

"Sarado yung isipan ko nung makita ko syang kahalikan yung lalaki. Matagal akong nag isip kung patatawarin ko pa ba sya at ipagpatuloy pa yung relasyon namin o hindi na." Pagpapatuloy ko pa. Nakikinig lang ng mabuti si Oheb sa mga sinasabi ko.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now