Chapter 49

619 33 9
                                    

Wise' POV

"Wooooooaaaaah!!!" Manghang sigaw ni Oheb at Edward.

Mapapa woah ka naman talaga kasi yung sasakyan namin?

Hulaan nyo...

Van pang artista lang naman. Yes naman!

"Oh! Halina na kayo. Andito na sa loob yung mga gamit nyo." Sabi ni coach pagkabukas nung pintuan ng van. Naks!

Nag unahan naman sa pag-pasok yung dalawa. Si Hadji? Sus pa-kunwari lang yan, hindi nagsisinungaling ang mata. Makikita mo rin talaga yung excitement kasi nagnining-ning yung mata nya eh.

Ako man din ay hindi maitago na ma-excite noh... Pero dapat pigilan lang ang sarili. Chill lang dapat, ganun.

Nahuli si Vee sa pag pasok kaya ito, gentleman ako eh, inalalayan pa sya sa pag sampa.

Pagka kita ko ng loob medyo nadismaya pa ako kasi, walo yung upuan pero hiwa-hiwalay naman. Psh! Buti nalang yung pinaka dulong upuan ay pahaba, pwede ang maramihan. Kaya naman agad kong hinila si Vee at iginiya papuntang likuran.

Hindi ko nga pala binitawan yung kamay nya kanina nung inalayan ko sya. Kaya madali saakin na mahila sya ^o^.

"Coach! Saan mo inarkelahan tong sasakyan? Ang angas!" Dinig naming sabi ni Oheb nung maka upo na kami ni Vee.

"Iniinsulto mo ba ako Oheb? Anung akala mo saakin hindi maka afford ng ganito?" Masungit na sabi rin ni coach.

"Grabe ka naman coach, nagtatanong lang naman. Amp." Hindi ko kita rito sa pwesto namin pero ramdam ko naka simangot ngayon yun.

Napa tawa nalang kami ni Vee

"Tapos coach, may driver kana rin. Ang gara naman." Sabad din ni Edward.

"Aba syempre naman Edward. Ano ka? Ako magd-drive hanggang makarating sa resort? Eh ang layo nun. Nakakapagod." Hindi rin naka ligtas si Edward sa pagsusungit ni Coach. Kaya natawa kami ulit ni Vee.

Bakit kaya ang sungit nun?. Haha. At ako na hindi nakatiis, tinanong ko si Vee.

"Anung nangyari kay coach? May alam ka ba? Bakit nagsusungit?" Bulong ko sakanya.

She just chuckled and shrugged as an answer. Kaya hindi ko nalang sya pinilit na sagutin.

Habang bumibyahe ay kumakain kami nung mga chichirya. Nagpa-tugtog din si coach, na nawala na siguro yung pagka-masungit.

Ang ingay-ingay namin sa loob ng sasakyan. Akala mo may party.

Nag drive thru nalang din kami kasi mahaba-haba pa raw ang byahe.

"Kuya ikaw na bahala ah. Iidlip muna kami." Sabi ni coach dun sa driver.

"Kuya ako, pwede mo'kong kausapin. Hindi ako matutulog" pabibong sabi naman ni Oheb.


Napailing nalang ako dito sa likuran.

Nung nilingon ko si Vee ay humihikab sya. Kaya kinalabit ko sya at tinapik ang ko balikat ko. Iniimbita syang gamitin ito para makaidlip sya.

Ngumiti naman sya at humilig na nga sa balikat ko. Napa-ngiti rin tuloy ako and I patted her head.

Hinahagilap ko nga yung head phone sa bag. Alam ko nailagay ko yun sa bag eh. Nung makita ko na ay, isinaksak ko na sa phone at nagpa tugtog. Inilagay ko sa tenga ni Vee yung isa, saakin naman yung isa. Maingat pa ako nun kasi ayaw ko syang magising.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now