Chapter 32

649 33 1
                                    

Wise' POV


"Ah!" Napabangon ako ng wala sa oras.

Ako pala yung napa sigaw (^.^v)

Eh kasi may narinig ako eh. Akala ko naman totoong narinig ko talaga. Panaginip naman pala. Pero parang totoo talaga eh.

Tiningnan ko pa yung paligid ko at nagtaka, wala si Vee sa tabi ko.

Pero nung marinig ko ang agos ng tubig sa cr, okay naliligo na siguro sya.

Anung oras na ba? 10:00 am na kaya naman pala.

Nagugutom na ako.

Umalis na ako sa kama at nag stretching. Sarap ng tulog ko. Inayos ko muna yung kumot at unan namin.

NAMIN. Potek na yan, ang aga pa Wais.

Hindi na ako nagpaalam sakanya na lalabas na ako. Instead, nanghagilap ako ng ballpen at papel. Nag iwan nalang ako ng note. Itinabi ko sa eyeglass nya para madali nyang makita.

Hindi ko nga alam na may ganito pala akong side. Iba sa mga ginagawa ko nung kami pa ni Marie.

And speaking of, sumakit bigla yung ulo ko. May problema pa pala ako.

Kailangan ko syang makausap.

Ayokong kami ni Vee ang magka problema.

Kapag naka hanap ako ng tiempo ay kakausapin ko na sya.

Pero sa ngayon, yung amin muna ni Vee ang aatupagin ko, pati yung nalalapit na laban namin against ECHO and RSG.

Bago ako tuluyang lumabas sa kwarto ni Vee ay ni-check ko muna sa labas baka kasi pakalat-kalat yung tatlo at makita nila ako. Mahirap na at iba ang maisip ng mga yun. Mga loko-loko talaga. Humanda talaga kayo saakin mamaya.

At buti naman wala sila kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto namin at ng makapag ayos na rin.

Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. Haaaaay! Ganito talaga pag inlove eh. Hayaan nyo na ako.

Pagkatapos kong maligo at makapag bihis ay tinawagan ko si Vee.

Oo na kasi, alam ko namang nasa kwarto lang nya sya pero tumawag pa ako. Bakit ba ^o^

"Hi, good morning." Bati ko nung sinagot nya ang tawag.

"G-good morning din." bati nya rin pabalik.

"Eherm! Hmm anung gusto mong brunch? Order nalang tayo. Wala na kasing laman ang ref." Sabi ko.

Napasinghap naman sya.

"Nakalimutan nating mag grocery. Nasa mall na tayo nung nakaraan eh. Balik tayo ulit dun mamaya. Wala na pala tayong kakainin eh." Mahabang litanya nya. Kahit pa hindi ko sya nakikita, panigurado naka nguso nanaman to. Hahahaha.

"Okay po mag g-grocery tayo mamaya. Pero yung order mo po, ano muna?" Bumuntong hininga naman sya at sinabi kung anung order nya.

Sa Mcdo nalang kami um-order para maiba naman daw.

Bago ako lumabas ng kwarto ay todo pabango pa ako. Tigilan nyo'ko. Dapat lang na mabango tayo, ano ba. Walang basagan ng trip.

At pumunta na ako ng game room.

Oh?! Ako palang? Asan naman kaya yung tatlo? Handa na sana akong batukan sila eh. Tsk!

Tapos maya-maya pa ay pumasok narin si Vee.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now