Chapter 52

447 27 5
                                    

Third Person's POV

Coach: Guys, practise muna kayo ha. May aasikasuhin lang kami ni Vee. Babalik kami agad pag natapos na.

Pagpapaalam ni coach dun sa apat.

Nung isang araw pa silang naka balik galing beach.

Vee: Wais, ikaw na muna bahala ah.

Tumango lang si Wise bilang tugon. Parang ang lalim din kasi ng iniisip nya eh. Sya lang ba ang nakakapansin kasi feeling nya pumayat si Vee. Nanlalalim din ang mga mata nito.

Isang araw pa lang ang lumipas mula nung mag outing sila, at maaliwalas pa naman ang awra ni Vee nun pero ngayon... Iba talaga ang hinala ni Wise. Or baka naman dahil lang sa asthma, sabi pa ng isipan nya.

Hindi nga nya namalayan na tinatapik na sya ni Vee dahil nakatulala na sya.

Vee: Ayos ka lang ba? Wais?

Wise: A-Ah oo n-naman. Hatid ko na kayo sa labas.

Tumango na lang din si Vee at sabay silang lumabas ng game room. Nauna na kasi si coach sa labas.

Pagka kita nga nila ay nasa loob na ng sasakyan si coach at hinihintay na si Vee. Pinagbuksan pa nga ni Wise si Vee nung pintuan na ikinangiti ni Vee.

Vee: Thank you.

Wise: (nods) Balik ka agad.

Mahinang sabi ni Wise nung papasok na si Vee ng sasakyan.
Natawa naman ng mahina ang isa at tumango na lang din.

Wise: Ingat kayo. Coach.

Sabi nya bago inisara ang pintuan nung sasakyan. At pumasok na sya ng bahay para mag practise ulit.

Little did he know na sa hospital pupunta yung dalawa.

Time flies fast, hapon na at hindi pa rin nakakabalik ang dalawa na ikinabahala ni Wise.

Kanina pa nga nya tinatawagan si Vee pero hindi nya ito makontak, ganun din kay coach.

Mag gagabi na nang makarinig silang apat ng busina galing sa labas. Agad namang kumaripas si Wise palabas. Nung makita nyang nalabas ng sasakyan si Vee ay saka pa sya nakahinga ng maluwag. Nawala bigla yung pag aalala nya.

Yung kaninang takbo ni Wise ay napalitan ng lakad. Nagtaka pa nga sya kasi may lumabas ding babae, mga nasa 40's na siguro ang edad. Maraming gamit din ang ibinaba.

Wise: Vee.

Pagtawag nya kay Vee kasi hindi ata sya napansin nito.

Vee: Oh, Wais. (Smiles)

Wise: Natagalan ata kayo.

Sabi nya habang lumalapit kay Vee.

Vee: Akala kasi namin madali lang kaming matatapos. Bakit? Nag alala ka?

Tanong pabalik ni Vee.

Wise: Hindi naman. Medyo lang.


May bahid ng pagde-deny na sagot naman ni Wise. Nagpipigil lang ng tawa si Vee.

Wise: Uh, bakit maraming bagahe?

Coach: Kasi simula ngayon, dito na ako mags-stay. Hanggang matapos ang play offs or baka mag extend hanggang championship, kung pagbubutihan nyo.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now