chapter 26

627 41 6
                                    

Wise' POV

"Ma! Andito na po ako." Sigaw ko ng makapasok na sa loob ng bahay.

"Hi kuya." bati ni Driana. Tanginang! Ang laki ng ngiti ah. Halatang may kailangan.

"Si mama ang hanap ko, hindi ikaw." Sabi ko sakanya. Napanguso naman sya.

"Kuya naman. Na-miss kaya kita." Asus haha. Akala ko naman.

"Joke lang. Na-miss din kita." Sabi ko sabay gulo ng buhok nya.

"Eehh kakasuklay ko lang. Amp" kita mo 'to ang sungit. Si Vee nga ok lang naman guluhin ang bu....

Eh bakit nasali si Vee? Pucha naman eh. Kakasabi ko lang sa sarili ko kanina na hwag syang isipin eh. Mali mali mali... Dapat ang isipin ko lang ngayon ay magpahinga at mag spend ng time sa aking pamilya.

"Asan si mama?" Tanong ko sa kapatid ko. Hindi ko mahagilap  ang nanay ko.

"Namalengke. Bumili ng mga lulutuin. Uuwi ka raw eh." Naks naman talaga si mama. Kaya nakaka-miss sila eh ^.^

"Ah sige. Sa kwarto na muna ako." At pumasok na nga ako sa kwarto. Sakto naman at nag chat si Vee, sa gc namin.

Hi. Sorry hindi ko na kayo naihatid sa labas kanina. Inaantok pa kasi talaga ako hehe. But anyways, I hope safe kayong nakarating sa kanya-kanya nyong bahay.

Sabi nya sa chat.

At may nag-heart react pa sa message nya.

Si Oheb.

"Oks lang momsh. At oo safe naman kami ni Paps." Reply nya na ikinataas ng kilay ko.

"Yiie salamat sa concern momsh." Edward

"Yes, safe po. Anung oras practise?" Kita mo 'tong si Hadji, kadarating nga lang namin practise agad iniisip. Tsk.

"(-.-)" straight face, ganyan ang react namin sa message ni Hadji.

"(^_^')" ganyan naman ang react ni Vee.

"Pwedeng mga 2:00 pm hanggang 7:00 pm?" Dugtong pa nya.

"Baka pwedeng 6:00 pm hanggang 11:00 pm? Kasi baka hindi ako pwede umaga't hapon." Nag reply narin ako.

"Kahit anung oras pwede naman ako." Sabi naman ni Hadji

"Ilang araw ka rin namang nawala. Baka pwedeng sa 3 days off namin ay pagbigyan mo muna kami sa ganoong schedule na oras ng practise." Dugtong ko pa.

Lame! Ang babaw ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para mai-type ang mga yun. Ang sama ko.

"Grabe ka naman dun paps! >.<" react ni Edward

"Paps ah! Momsh, kunyari hindi mo nalang yun nabasa. Ehehe." Sabi naman ni Oheb.

"^.^ oks lang guys. Sige dun tayo sa oras na sinabi ni Wise." Pagpayag nya.

Nag thumbs up naman ang tatlo. Ako seen lang tapos ay ni-off ko yung phone ko. Io-on ko nalang mamaya kapagka oras na ng practise namin.

Ayan ang itinatak ko sa isipan kanina. Ang umiwas muna sa pag online at pag gamit ng phone maliban kapag practise na, kasi ayun ang kasunduan namin nila coach eh.

Gusto kong umidlip kaso imbes na antok ang dumalaw saakin eh ang mukha ni Vee ang nakikita ko sa aking isipan. Potek nayan!

Kaya imbes na matulog ay naisipan kong ayusin ang kwarto ko. Akala mo naman kung makalat eh hindi nga ako nauwi dito, ngayon lang ulit. Kung paanong iniwan ko ang mga gamit dito eh pagdating ko ganun parin ang ayos. Maliban sa nililinisan siguro ni mama at pinapalitan ang bedsheet.

Breaking Free (VeeWise)Where stories live. Discover now