Chapter 3

172 4 0
                                    

Lies

May klase pa si kuya kaya umupo muna ako sa sahig dahil sa panghihina ng tuhod ko, tiningnan ko ang braso ko at namumula iyon, baka magpasa pa dahil sa higpit ng pagpisil ng lalaking yun

Ilang minuto akong nasa ganoong pwesto at umayos lang ako ng tayo ng marinig kong patapos na ang klase at nagpaalam na ang Prof. nila

Inayos ko ang sarili ko at tinakpan ang braso ko gamit ang kamay ko, ayaw kong makita ito ni kuya, paniguradong mag-aalala lang yun at baka puntahan pa niya ang gumawa nito, graduating na siya at ayaw kong magkaroon siya ng bad record sa school

Lumabas na ang Prof. at agad akong nag-bow at bumati sa kanya bilang paggalang

"Good afternoon po sir"

"Oh, Good afternoon hija, Teffan nandito pala ang kapatid mo, dapat pinapasok mo na lang kanina sa loob" He smiled at me so I smiled back

"Hindi ko po alam na nandyan na Prof. eh, sorry tiff" lumabas na si kuya at kinuha ang bag ko at sinukbit sa balikat niya

Hinintay ko siyang mauna dahil ayaw kong mapansin niya na tinatakpan ko ang braso ko

"Hi tiff" inakbayan ako ni kuya ventell, isa siya sa kabarkada ni kuya

Agad na inalis ni kuya ang kamay ni kuya ventell sa balikat ko at siniko ito sa tagiliran

"Sabi ko off limits ang kapatid ko diba?"

"Alam ko bro, araw araw mo ba namang pinaalala sa'min paano ko makakalimutan"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at patingin tingin ako sa paligid dahil natatanaw ko na ang hagdan pero wala na si hyuta at yung mga lalaking nang bastos sa'kin doon

"Baka lang kasi makalimutan niyo, napakabata niyan para sa inyo, tsaka kahit paghuhugas ng plato hindi marunong yan, nakakahiya yan ipakilala sa magulang"

Umirap ako sa sinabi niya pero hindi ako makapagreklamo dahil totoo naman, pero at least hindi naman ako nagpapabaya sa pag aaral ko

"Ayos lang naman pre basta ganyan kaganda sa kapatid mo eh, ako na ang maghuhugas ng pinggan para sa kanya" humarap pa sa akin si kuya drakean at kumindat

I smiled awkwardly

Binatukan siya ni kuya

"umiral nanaman ang pagkababaero mo drakean!" Singhal niya dito

"hahaha relax bro nagbibiro lang ako, kung gusto kong ligawan si tiff ay matagal na" pagsisiguro niya dahil hindi na maipinta ang mukha ni kuya

Nakarating kami ng hagdan ng wala akong nakitang hyuta at yung mga lalaki kanina

Dumiretso kami sa elevator dahil kasalukuyang nasa 15th floor kami at nakakapagod naman kung sa hagdan kami dadaan

Pinauna nila ako at agad kong tinakpan ang braso ko ng humarap sila sa akin, mabuti na lang at walang nakapansin nito

Sasara na sana ang pinto ng may humarang na kamay dito at nagulat ako ng pumasok si hyuta

May dugo ang kwelyo ng uniform niya at ganoon din ang ibabang parte ng labi niya pero napakaliit lang nun kaya hindi masyadong halata kung hindi mo pagtutuunan ng pansin

"Anong nangyari sa'yo hyuta?" tanong ni kuya dito, napatakip ako sa bibig ko ng mapagtantong kilala pala siya ni kuya

Sumulyap saglit sa'kin si hyuta at sa braso kong tinatago ko bago humarap kay kuya

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon