In denial
Nakalipas ang ilang araw nang hindi siya nagtetext o tumatawag, hindi niya din ako sinusundo at hindi ko din siya nakikita sa school
Ano bang nangyari sa kanya? Hindi ko naman matanong ang mga kaibigan ko dahil alam kong papagalitan nila ako kapag nalamang hinahanap ko si hyuta, ano bang magandang i-reason?
Aahhh mababaliw na yata ako kakaisip, ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah, hindi pa ako naghanap at nangulila sa kahit na kaninong lalaki
Bakit iba na yata ang nararamdaman ko? Ah hindi, dala lang siguro ito ng pagkadismaya ko sa kanya ng sabihin niyang susunduin niya ako tapos hindi niya naman ginawa, ngayon lang may nangako sa'kin na hindi tinupad kaya ganito siguro ang reaksiyon ko, pero hindi naman nangako si hyuta na susunduin at itetext niya ako ah
"HOY TIFFANIARA?!" nagulat ako ng marinig kong sumigaw si katy
"b-bakit katy? May sinasabi ka ba?" nagugulohang tanong ko dahil hindi ko naman napansin na kinakausap niya ako
"ano?! Nakwento ko na lahat ng chismis na alam ko tapos hindi ka pala nakikinig?" litanya ni katy na parang hinihingal pa sa dami na yata ng nai-kwento niya
"s-sorry may iniisip lang" pagdadahilan ko
"trenta minutos ka yatang nag isip? I-share mo naman kung anong iniisip mo, gusto ko ding mawala sa reyalidad gaya ng ginawa mo" pang aasar niya pa
"Baliw! Wala yun iniisip ko lang kung anong nauna, manok o chicken?"
"Gaga ka, lutang ka girl? Ingles tagalog ba tayo dito?" pang aasar niya at saka ko lang narealize ang sinabi ko, pareho kaming natawa dahil sa pagka-lutang ko
"ang saya niyo naman habang kami doon sa room eh halos mabaliw na sa mga numero"
Sabi ng kakarating lang na si steff, may make up class kasi sila ni brie dahil absent sila nung nakaraan sa subject ni Ma'am Policarpio
"Kamusta naman ? na perfect niyo ba ang quiz?" agad na tanong ko dahil halos 1 hour din silang nag make up class panigurado may quiz doon
"hindi nga eh, lima ang mali ko at 8 naman ang mali nitong si brie" malungkot na sabi niya
"ayos lang yan mataas pa din naman ang nakuha niyo" pagpapagaan ko ng loob nila
"kung nandoon ka ay baka highest ka nanaman tiff" malungkot na saad ni brie
"Highest nga siya sa quiz kay Ma'am Policarpio last week" pagkekwento ni katy dahil nagpasok kami last week at sila brie at steff lang ang absent
"Wow ang galing mo talaga tiff, anong score mo?" tanong ni brie na halatang excited sa sasabihin kong sagot
"Perfect score!" bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni katy na animo'y tuwang tuwa at siya ang naka perfect
"Sana katulad mo nalang din ako tiff, kapag siguro naka perfect ako ay matutuwa na ang daddy ko sa akin, never pa akong nakaperfect ng quiz o exam eh" malungkot na sabi niya
"Hayaan mo makakaperfect ka din brie, tiwala ka lang sa kakayahan mo, at least hindi ka naman lowest ngayon diba?" pagkukumpirma ko dahil mataas naman ang score niya
"Speaking of lowest!" biglaang pagsigaw ni steff na parang ang saya niya pang ibabalita kung sino ang lowest
"Sino namang lowest?" tanong agad ni katy
"Si hyuta!" napapalakpak na sabi nis teff
"ha?! Lowest siya?!" napatayo ako at ng ma-realize ang ginawa ko ay nagkunwari akong nagi-stretching
"nakakangalay maupo eh" nginitian ko sila at buti na lang ay hindi nila napansing gulat na gulat ako dahil lowest si hyuta
"Lowest siya at alam niyo ba? lumapit kayo bilis"
Para kaming mga tangang nagkukumpulan dahil sa isang chismis
"8 ang score niya out of 50" bulong ni steff sa pinakamahinang paraan, natatakot siguro siya dahil kilala daw si hyuta na bully
"grabe ka naman steff, diba confidential ang scores at dapat walang makakaalam nito?" pagsesermon naman ni brie kay steff
"hayaan mo na tayo tayo lang naman eh" pagsasawalang bahala ni steff
Natigil ako sa pakikinig sa kanila ng biglang magvibrate ang phone na nasa bulsa ko, kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nagtext
Unknown Number:
"Meet me on the rooftop."
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Nightmare
RomanceShe fell first but He fell harder Tiffaniara Mori is a girl who can manipulate every man of his dreams but not this one-hella-hot guy named Hyuta Hayashi, the man of every girl's dream but turn out to be her sweetest nightmare. Find out their love-h...