Irony
"Tiff? Nakikinig ka ba?"
"H-ha sorry ano yun?" Nauutal kung tanong
"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala eh" nag-aalalang tanong ni katy
"A-ah wala, kulang lang ako sa tulog" pagdadahilan ko
"Kanina ka pa wala sa sarili mo, malamang hindi mo naintindihan yung pinag-usapan namin"
"H-hindi eh, pasensya na, ano ba yun?"
Lumapit sa akin si steff at bumulong
"We'll be going to a bar tonight"
"H-ha? Pero may klase na tayo bukas" pag apila ko sa plano nila
"Oo pero hanggang 12 lang naman tayo tiff, 10am pa naman ang sched. natin bukas so may time pa tayo para matulog" mahabang paliwanag ni steff
'may point naman siya'
'maybe it's also time to unwind and I'll let my clouded mind be at peace again'
"Ano sasama ka ba? Oh scratch that I will not take No for an answer"
"May choice ba ako?"
Steff giggled "wala... So brie ikaw nalang ang kulang"
humarap siya dito at ipinagdaop ang palad niya na parang nananalangin kay brie na pumayag ito"A-ah hindi ko alam kung paano ako tatakas sa bahay" pagdadahilan nito
Strict kasi ang daddy ni brie kaya siguro nag-aalangan ito
"Hindi ka naman tatakas, andito si tiff oh, isang paalam lang niya kay tito braille papayag agad yun for sure" tumingin sila sa akin
"Ah pero hindi ko kayang magsinungaling kay tito, mawawalan siya ng tiwala sa'kin" pag kontra ko sa suhestiyon ni steff
"Tiff please? Ayaw mo ba akong makasama?" Nagugulohan kong tiningnan si brie
Hindi siya mahilig mag-party so bakit parang nakikiusap siyang ipagpaalam ko siya sa daddy niya
"S-sige na nga, gusto mo ba talaga?" Pagsisiguro ko sa kanya
"O-oo" nakayukong sagot nito
"So it's settled? Overnight lang ang papayagan ni tito so yun ang ipapaalam mo tiff ha?" Steff suggested
"Okay, pero magpapaalam muna ako kay kuya baka mamaya hindi naman ako payagan nun"
"Samahan ka namin?" Excited na saad ni steff
"Pero nakila kuya drakean si kuya, tawagan ko nalang kaya?"
"Mas better kung magpapaalam ka ng personal tiff" suhestiyon ni katy
Lumabas na kami ng coffee shop para pumunta sa bahay ni kuya drakean
Nagpark lang si katy sa harap ng gate at lumabas na kami ng kotse niya
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Nightmare
RomanceShe fell first but He fell harder Tiffaniara Mori is a girl who can manipulate every man of his dreams but not this one-hella-hot guy named Hyuta Hayashi, the man of every girl's dream but turn out to be her sweetest nightmare. Find out their love-h...