Chapter 28

113 8 1
                                    




Nakabalik ako ng bahay ng walang nakakaalam kung anong nangyari sa akin

Hindi ko alam kung mabuti ba yun dahil nalulungkot akong wala man lang naghanap sa akin


Alas kwatro ng makarating ako sa bahay at sarado pa ang lahat ng ilaw dito, usually kasi ay 4:30 ang gising ng mga kasambahay at saktong naka pasok na’ko sa kwarto ng bumukas ang ilaw tanda ng gising na sila

Nahiga ako sa kama ko at inisip ang nangyari sa akin kagabi, sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko akalaing makakauwi pa ako ng buhay
Pagod na pagod ako kaya naman nakatulog agad ako





Nagising ako dahil sa kumakatok sa pinto, hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog


“Tiff, Papasok ka ba? Baba ka na lang pag ready ka na, hihintayin kita ha”

I glanced at the clock and it’s 9 am
I have a class at 10 am so I hurriedly stand up at muntik na akong matumba dahil nahilo ako , I glanced at the medicine that hyuta bought for me

I really can’t take medicine, hindi ko kasi iyon kayang lunukin, natutunaw na lang sa bibig ko ay hindi ko pa din ito malunok, ang ending isusuka ko lang din

Tinitigan ko ang gamot, maliit lang naman ito kaya baka kayanin kong inumin
Siguro kaya nahihilo pa din ako ay dahil hindi ko nainom itong gamot na nireseta ng doktor sa akin, kinuha ko ito at inilagay iyon sa bag ko, mamaya ko nalang ito iinumin pagkatapos kong kumain

Nagmamadali na akong naligo at  nagbihis dahil naghihintay ang kuya ko




“Ang tagal mo, late ka na” litanya niya kaagad kahit hindi pa ako nakakababa ng hagdan




“It’s okay kuya lagi namang late ang prof sa subject namin ngayon” pagdadahilan ko




“Kumain ka na” utos nito habang panay ang type sa phone niya

Agad naman akong umupo at kumain

Pinagmasdan ko si kuya habang busy sa paggamit ng cellphone niya, mukhang wala siyang alam sa nangyari sa’kin kagabi





“Bakit ganyan ka maka-titig?” hindi ko namalayan na naka tingin na siya sa’kin




“A-ah wala kuya, may iniisip lang ako” tumaas naman ang kilay nito at umupo sa katabi ko




“Sa tingin ko ay may sasabihin ka, ano yun?” tanong nito

Umiwas ako ng tingin




“Sige na nga hindi na muna kita kukulitin tumayo ito at tinungo ang living room


Pagkatapos kong kumain ay sumunod na din ako sa kanya

“Tara na kuya” Tumayo naman ito at nauna ng lumabas





“Mamaya ay pupunta kami sa unit ni hyuta, baka gusto mong sumama?” pagkapasok ko ng kotse ay yan agad ang tinanong niya




“May pupuntahan ako mamaya eh” pagdadahilan ko kahit wala naman talaga

Ayaw ko lang talagang makita si hyuta ngayon




“At saan ka naman pupunta?”



“May gagawin kami ng mga friends ko mamaya”




“Oh okay, No boys?” pagpapaalala nito




“wala kuya, I’ll always tell you kapag meron”




“Good, magpasundo ka nalang sa’kin mamaya kapag uuwi ka na”
Ngumiti lang ako





Agad na akong bumaba ng sasakyan ng makarating kami sa school

“Bye kuya, wag mo na akong hintayin mamaya, kay katy nalang ako sasabay
Sigaw ko habang papalayo na sa kanya





Habang naglalakad ako ay may kumuha ng bag ko at nauna itong maglakad sa akin

Sa all black na outfit nito ay alam ko na kaagad kung sino





“Akin na nga yang bag ko” mahina ngunit may diing saad ko

Nilingon niya lang ako saglit at nagpatuloy na ulit itong maglakad




“Ano bang nakain mo at naging gentleman ka bigla?” nagtataka kong tanong habang sinasabayan ang hakbang niya




“Pwede bang bagalan mo namang maglakad?” paki-usap ko

Bumagal naman ito at pinalipat ako ng daan, ngayon ay nasa gilid na ako at siya ay nasa gitna ng daan na parang pagmamay-ari niya lahat ng matapakan niya



Pareho talaga sila ng kaibigan niya’

napairap ako ng mapagtantong iniisip ko nanaman si hyuta





‘Tiff mag-move on ka na please lang’ kastigo ko sa aking sarili




“Look dala ni Sawada ang bag ni tiff” rinig kong bulong ng naka-salubong namin




“Dati ay si hyuta ang nilalandi niya, ngayon naman ay yung kaibigan ni hyuta”

Agad akong napalingon sa gawi nila ng marinig ang sinabi ng isa sa kanila, tumungo naman ang mga ito at nagpatuloy na sa paglalakad




“Don’t mind them, they’re just jealous dahil kasama mo ako”




“Ang yabang, akin na nga yang bag ko kasalanan mo kung bakit nasabihan ako ng lumalandi eh” naiiritang saad ko




“kasalanan ko bang gwapo ako?” seryosong saad niya, hindi nagyayabang pero bakit ang yabang ng dating niya?

Umirap ako at akmang hahablutin ang bag ko ng may kamay na humablot dito bago ko pa mahawakan ang strap ng bag ko

Pareho kaming natigilan ni Sawada at agad na sinundan ng tingin ang kumuha ng bag ko




“Pre nauna ako” tumigil sa paglalakad si hyuta


Pigil hininga kong hinintay ang magiging sagot niya





“Pero ako ang huli.” Saad nito na walang bahid ng pagbibiro.








--------
Sorry for the slow ud again :'/
Been busy doing student's duties

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon