Chapter 42

68 2 3
                                    

Third Person's POV

Pumarada ang sasakyan ni Hyuta sa harapan ng lumang village

Mag-isa siyang naglakad at tinungo ang bahay na nasa picture

Pagkaraan ng ilang minuto ay narating niya ang bahay na ito at agad na humarang sa kanya ang dalawang guard roon

"May I have your name mister?"

"Hyuta, from Hayashi clan" walang emosyong saad ng binata

Agad namang tumungo ang mga ito at pinagbuksan siya ng gate

Pumasok naman ang binata hanggang marating nito ang isa pang pinto na naghihiwalay sa garahe at loob ng bahay

Bumukas iyon pagkatapak niya pa lamang sa harapan nito

Bumungad sa kanya ang malawak na bulwagan ng bahay, sa harapan niya ay ang hagdanan at sa gilid naman nito ay ang isang malaking telebisyon at nakaupo sa harap niyon ang isang lalaking kanina pang inip na inip sa paghihintay sa kanya

"Sa wakas ay dumating ka din Hayashi" tumawa ito ng pagak


"Where's Tiff?" Walang pag-aalinlangang tanong nito


"upstairs, in a room with her boyfriend" humarap ito sa kanya at ngumiti


Dire-diretsong naglakad si Hyuta patungo sa hagdan at akmang hahakbang na sa unang baitang ngunit napatigil siya sa ginawa ng lalaki

Ikinasa nito ang baril at itinutok sa kanya


"Isang hakbang mo pa at magiging huling hakbang mo na yan" seryosong saad nito ngunit hindi nagpatinag si Hyuta, nagpatuloy ito sa paghakbang hangga't sa pangalawang baitang

"Iputok mo na at huling putok mo na din yan"
makahulogang banta ng binata

"Ang lakas talaga ng loob mo, hindi mo ba alam na isang tawag ko lang wala ka nang aabutan na tiffaniara dyan sa kwarto?"

Tumawa ang binata ng bahagya at inilabas ang picture na nasa bulsa nito

"Hindi lang ikaw ang kayang tumawag" itinapon nito ang picture at lumapag iyon malapit sa kinatatayuan ng lalaki


Nilingon ito ni Hyuta at halata ang pagkagulat sa mukha nito

"Gag* ka talaga, bakit dinamay mo ang girlfriend ko?! Malinaw sa usapan na labas ang mga girlfriend natin sa away na'to!" Nanggagalaiting sigaw nito


"You kidnapped my girl, what do you want me to do? just sit back and relax? Hell no...." Humarap ito sa lalaki

"No one in this world can touch nor hurt my girl, Tattooed that on your empty brain" Pagkasabi niyon ay tuloyan na itong umakyat ng hagdan at tinungo ang kwarto sa dulo ng pasilyong iyon


Kumatok muna ito ngunit walang sumasagot kaya nagmamadali nitong binuksan ang pinto at
Kasunod niyon ay may malakas na pumukpok sa ulo nito

"What the!" humarap ito sa gumawa niyon at natulala siya ng yakapin siya nito

"B-bakit ngayon ka lang?!" sigaw ng babaeng kanina niya pang iniisip

Nanginginig ito habang hawak ang toothbrush na pinang pukpok sa kanya

"I'm sorry, may ginawa pa akong mahalaga"

Humagulhol naman ang dalaga

Nataranta si Hyuta at niyakap ito ng mahigpit

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon