Danger
"Gaga ka talaga Tiff, hindi mo ba alam na pati babae ay pinapatulan ni Hyuta?" litanya ni steff akala mo'y alalang alala para sa akin
"Edi Mabuti, hindi siya bakla kung ganoon" pagbibiro ko, pero halatang hindi nila nagustuhan iyon
Kahapon pa nila ako pinapangaralan tungkol sa hyuta na yun at isa lang naman ang sinasabi nila ang layuan ko siya, as if naman gusto ko siyang makasama 'no!
"teka nga lang kahapon pa yun, mag move on na tayo" pagtatapos ko sa usapan dahil kanina pa nila inuulit-ulit sa akin na 'wag ko nang uulitin ang lumapit pa kay Hyuta
"oo na, hindi na'ko lalapit sa kanya ulit" pagsisiguro ko sa kanila
Inilagay lang namin ang ibang books na hindi namin kailangan at nagmamadali na kaming pumunta sa room dahil male-late na kami
Agad na akong naupo sa silyang nakalaan para sa'kin, dumating na din agad ang Prof. kaya hindi na kami nakapag-usap pa
Maagang natapos ang klase dahil sabado ngayon so maaga kaming pinauwi ng Prof.
I was busy scrolling through my phone when my brother call me
"Yes? Hello, kuya?"
"I heard tapos na ang klase niyo?"
"yup, why?"
"Pumunta ka dito, dito mo na'ko hintayin"
Utos niya, he's currently graduating and taking up BS in criminology
"Pwede akong sumabay kila steff if matatagalan ka pa"
Nasa taas pa kasi ang room nila at tinatamad na akong pumunta doon
"No. sa akin ka sasabay, mamaya kung saan pa kayo pumunta"
Pagtanggi niya sa suhestiyon ko
"Oo na, napaka sungit mo ngayon nag-away ba kayo ni ate aya ha?"
Ate aya is his long-time girlfriend, They've been together for about 8 years na, kasal nalang talaga ang kulang sa kanila.
Tumahimik sa kabilang linya kaya na-kompirma kong magkaaway nga sila
"H-huwag mo na siyang babanggitin ulit" nauutal niyang saad
Malala kaya ang pinag-awayan nila? hindi naman ganto ang trato niya kay ate ah
"o-okay sige, papunta na'ko dyan"
"okay ingat ka, isama mo ang kaibigan mo kung pwede"
"no need, isang floor lang ang pagitan, kaya ko nang mag-isa kuya"
"but still... sige na nga ikaw ang bahala" pagsuko niya
"Tiff sasabay ka ba sa amin?" brie asked
"No, kay kuya nalang, ingat kayo pag-uwi" I smiled at them
"sure ka? hindi ka na magpapasama sa room ng kuya mo? you know I'm always willing to go there hihi" saad ni steff na parang kinikilig pa, I'm aware that she likes my brother for a long time, but sadly kuya has a girlfriend
"okay lang talaga, una na kayo" I just waved at them at nauna na akong umalis sa kanila dahil magkaibang way ang dadaanan namin
Naghagdan na lang ako dahil tinatamad na'kong maglakad papunta sa dulo para lang mag elevator
Habang naglalakad ako ay naririnig kong nagbubulongan ang mga lalaking nakatambay sa may hagdan, hindi ko nalang sila pinansin at patuloy na umakyat ng hagdan
"Miss naliligaw ka ba?" napatingin ako sa lalaking humarang sa harapan ko at tinaasan siya ng kilay
"Can you please get out of my way?" I tried to stay as calm as possible
"Napakasungit mo naman, nakikita mo yan?" itinuro niya ang mga lalaking naka-abang sa likuran ko
"Oh? Nugagawen?" tanong ko, hindi ko napigilang magtaray dahil sa lahat ng ayoko ay yung mga bastos na katulad nito
"Aba't napaka-attitude mo, may ipinagmamalaki ka ba ha?"
Hinawakan niya ang braso ko nang sobrang higpit, kaya kinabahan ako
"b-bitawan mo nga ako" pagpupumiglas ko
Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at akmang hahalikan ang pisngi ko pero may bag na tumilapon sa mukha niya, sa gulat ay nabitawan niya ako kaya tumakbo ako paakyat habang nanginginig ang tuhod ko
"Saan ang punta mo?!" sigaw ng lalaki sa likuran ko
Tumulo ang luha sa pisngi ko at kahit malabo na ang paningin ko ay patuloy pa din ako sa pag-akyat ng hagdan para lang makalayo sa manyak na lalaking yun
Nabunggo ako sa kung sinong nasa itaas ng hagdan at muntik nang mahulog ngunit nahawakan niya ang kamay ko
Hinila niya ako at iginiya papunta sa likuran niya
Naramdaman kong umakyat yung mga lalaki at tumigil sa harap ng lalaking nasa harapan ko ngayon
"Sa'yong bag ba yung tumama sa mukha ko ha?" tanong nito
"Ano ngayon sa'yo?"
H-hyuta?
Ilang beses ko pa lang naman napakinggan ang boses niya pero parang tumatak na yun sa isip ko
"Aba't matapang ka ha, papalampasin ko yung ginawa mo dahil sa hitsura mo eh parang hindi mo naman kakayaning makalaban kaming lahat"
"Ibigay mo nalang sa'min yang babaeng nasa likod mo at hindi ka na madadamay" dagdag pa nito
Hyuta chuckled
"Kahit magsabay-sabay pa kayo" he provoke those goons so I pinch his back
"ano ka ba? umalis na lang tayo please" pagmamakaawa ko
Humarap siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay
"why are you even here? I'm expecting you to leave" he pointed at the hallway
Naguguluhan din ako sa sarili ko, dapat kanina pa ako umalis eh
"It's okay, I'll stay." I assured him.
"You don't need to, what I want right now is for you to leave, now go!" napapitlag ako sa biglaan niyang pagsigaw kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo at tinungo ang papunta sa room ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Nightmare
RomantiekShe fell first but He fell harder Tiffaniara Mori is a girl who can manipulate every man of his dreams but not this one-hella-hot guy named Hyuta Hayashi, the man of every girl's dream but turn out to be her sweetest nightmare. Find out their love-h...