Engaged
It's Sunday today so maaga kaming gumising para magsimba
Pumunta agad ako ng dining area para mag-almusal at nang makaligo na
"Good morning princess" mommy smiled at me then kiss my forehead
"Good morning mommy, si daddy po?" paghahanap ko dahil kami pa lang ang nandito sa hapag kainan
"Pinuntahan lang ang kuya mo, nagtatampo pa din kasi hanggang ngayon sa daddy mo eh"
I just nodded, hinintay lang namin sila bago kumain
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si kuya at daddy ng magkaakbay at nakangiti
"oh himala ang ang aga mo ngayon tiff?" hinalikan nila ang noo ko bago sila naupo sa kanilang silya
"maaga kasi akong nakatulog kagabi eh"
Nagdasal muna kami bago kami kumain at pagkatapos ay umakyat na ako para maligo
Pagkarating namin ng simbahan ay marami ng tao kaya sa may bandang likuran lang kami pumwesto
Natapos ang misa at dumiretso lang kami sa restaurant para hintayin doon ang business partners ni papa, hindi ko nga alam kung bakit isinama pa kami eh
Dumating ang isang pamilyang hindi pamilyar sa akin
"Kumpadre ito na ba ang bunso mo?" tanong ng lalaking nasa mid-40's, may kasama itong isang lalaking parang kaedad ko lang at babaeng sobrang ganda na alam kong mas matanda sa akin, at ang nasa kaharap ni mommy na siguro ay ang asawa ng kumpadre ni daddy
"oo kumpadre, ito na nga"
"aba ay ang ganda lalo ng nagdalaga ah" ngumiti lang ako sa papuri niya at itinuon ang atensyon kay kuya na panay ang text sa ilalim ng mesa
"Hija hindi mo na ba ako natatandaan?" tanong sa akin ng babaeng kaharap ni mama
"hindi po eh, pasensya na" paghingi ko ng paumanhin dahil hindi ko talaga siya nakikilala
"ayos lang, bata ka pa kasi noon nung bumibisita ka sa probinsya namin, maari ngang hindi mo na tanda"
Ngumiti lang ako sa kanya
"ako nga pala si Xandrea, ito ang aking mga anak si Geneva at Andrei at yan naman ang Papa nila, si Gener" pagpapakilala nito sa amin
Tumayo ako at nagbow sa kanila
"It's nice meeting you po" yun lang at umupo na ako
Hindi nagsasalita ang mga anak niya kaya hindi ako nag abalang batiin ang mga ito
"paano? kumain na muna tayo bago tayo magsimula ng ating diskusyon" saad ni daddy
Siniko ko si kuya ng makitang panay pa din ang text niya, lumingon siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, naguguluhan man ay nginitian ko nalang siya
Alas diyes pa lang ng umaga pero heto at pagkain nanaman ang kaharap namin
Nag order lang ako ng light meal dahil kakakain lang din naman namin sa bahay
Nag usap lang sila papa at yung kumpadre niya pero hindi ko yun inintindi dahil hindi ko din naman maintindihan
Natapos ang pagkain namin at dessert na ang nakahain sa lamesa
Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin at nabasag lamang iyon ng magsalita si daddy
"Teffan? Gusto kong makilala mo si Geneva, she will be your future wife" saad ni daddy na nakapagpabagsak ng kutsarang hawak ni kuya
Pagalit siyang tumingin sa daddy
"Akala ko ba dad napag-usapan na natin ito?"
Tahimik lang kaming lahat at wala ni isang naglalakas ng loob na magsalita
"at alam kong maliwanag ang pagpapaliwanag ko sa'yo anak" malumanay na sambit ni daddy na parang nag-aalok lang siya ng pagkain kay kuya
"sinabi ko na pong ayoko diba?" may diin ang bawat binitawang salita ni kuya
"Madali naman akong kausap, si tiff lang ba ang gusto mong pumalit sa dapat sana ay nakatadhana sa'yo?"
Napatungo ako ng mapagtanto ang sinabi ni daddy, ni minsan ay hindi pa ako sumuway sa mga gusto niya at wala din akong lakas ng loob na gawin yun ngayon sakaling ako ang mapili niyang ipakasal sa anak ng kumpadre niya
Alam kong ako ang ipapakasal niya kapag hindi pumayag si kuya
Hinawakan ko ang kamay ni kuya
"Ako nalang po dad, Kuya Teffan have a relationship to take care of, a-and I don't have one so I-I think I can sacrifice myself for him"
"No! tiff! Walang papayag sa sapilitang kasal na'to" tumayo si kuya at ibinagsak sa mesa ang table napkin na nasa kandungan niya kanina lamang
"Hindi kita pinalaking bastos teffan, mahiya ka sa mga bisita" maawtoridad na saad ni daddy
Napiping napaupo ulit si kuya sa kanyang upuan
"It's okay kuya, Everything will be okay" hinawakan ko ang kamay niya at bahagyang pinisil iyon para iparamdam na okay lang ako
"Andrei Monteer, tanggapin mo ang kamay ko kung pumapayag ka sa alok ng mga magulang natin" tumayo ang lalaking nasa harap ko at inilahad ang kamay niya
Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko maigalaw ang mga kamay ko, may parte sa aking ayokong tanggapin dahil corny man pakinggan pero gusto ko ay ikakasal ako sa lalaking mahal ko at hind sa kung sino lang, tumikhim si daddy at saka lang ako natauhan
Tinanggap ko na lamang ang kamay niya dahil sa takot sa daddy ko pero agad ko ding binawi iyon
"Okay then it's settled, after tiffaniara graduates from college, the merger and the marriage will happen" Dad explained
Merger? Business lang ba ito lahat? Parang sinakal ang puso ko ng mag sink in sa akin na parang planado na lahat ng daddy ang buhay ko, wala akong desisyon na nasunod dahil hindi naman ako nagkalakas ng loob na sabihin iyon sa kanya, Damit, kaibigan, school at pati na rin ang course ko ay siya ang nagdesisyon, at ang dahilan niya lagi ay para din naman daw ito sa ikabubuti ko, nilingon ko ang mommy at nakayuko lang siya, wala din siyang boses sa mga ganitong usapan kaya napabuntong hininga ako, napasulyap ako kay daddy at pinagmasdan ko ang mga kilos niya
Hindi ako makapaniwalang magagawa niya ito, hindi pa naman siguro kami naghihirap kaya bakit kailangan niya itong gawin
Tumayo si kuya at hinawakan ang palapulsohan ko
"If you'll excuse us, may pupuntahan pa po kami"
Hindi na namin hinintay pa ang sagot nila at naglakad na kami papalayo
Pumasok ako sa kotse at ganoon din si kuya
"tiff you don't have to do this" saad niya na parang awang-awa sa kalagayan ko
"I know kuya pero kaya ko naman sigurong tumakas sa araw ng kasal"
"Mahahanap ka din nila, ako nalang ang magpapakasal"
"P-pero paano si ate aya?"
"I already broke up with her" malungkot niyang sabi
"A-ano?! Bakit mo ginawa yun?!" sayang naman ang walong taon nilang pagsasama
"S-she cheated tiff" nabasag ang boses niya , tumingala siya at pumikit ng madiin
H-hindi ako makapaniwala sa sinabi niya
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Nightmare
RomanceShe fell first but He fell harder Tiffaniara Mori is a girl who can manipulate every man of his dreams but not this one-hella-hot guy named Hyuta Hayashi, the man of every girl's dream but turn out to be her sweetest nightmare. Find out their love-h...