Chapter 9

189 7 0
                                    

Unworthy

Nakalipas ang ilang araw ng hindi siya nagpaparamdam, hindi niya din ako sinusundo at hindi ko din siya nakikita sa school, is this considered ghosting? I guess not, wala naman kaming malalim na pinagsamahan o kahit pag-uusap na we'll update each other

nakakadismaya lang, kaya niyang lumipas ang araw without updating me about what happened to him, but what can I expect? I am not his girlfriend and he isn't pursuing me either

Ano bang nangyari sa kanya? Hindi ko naman matanong ang mga kaibigan ko dahil alam kong pagagalitan nila ako 'pag nalamang hinahanap ko si hyuta, ano bang magandang i-reason?

ugh! mababaliw na yata ako kakaisip, ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah, hindi pa ako naghanap at nangulila sa kahit na kaninong lalaki

Bakit iba na yata ang nararamdaman ko? Ah hindi, dala lang siguro ito ng pagkadismaya ko sa kanya ng sabihin niyang susunduin niya ako tapos hindi niya naman ginawa, ngayon lang may nangako sa'kin na hindi tinupad kaya ganito siguro ang reaksiyon ko, pero hindi naman nangako si hyuta na susunduin at itetext niya ako ah, napabuntong-hininga na lang ako sa naisip/

"HOY TIFFANIARA?!" nagulat ako ng marinig kong sumigaw si katy

"b-bakit katy? May sinasabi ka ba?" nagugulohang tanong ko dahil hindi ko naman napansin na kinakausap niya ako

"ano?! Nakwento ko na lahat ng chismis na alam ko tapos hindi ka pala nakikinig?" litanya ni katy na parang hinihingal pa sa dami na yata ng na-kwento niya

"s-sorry may iniisip lang" pagdadahilan ko

"trenta minutos ka yatang nag isip? share mo naman kung anong iniisip mo, gusto ko ding mawala sa realidad gaya ng ginawa mo" pang aasar niya pa

"Baliw! Wala yun iniisip ko lang kung anong nauna, manok o chicken?"

"Gaga ka, lutang ka girl? Ingles-tagalog ba tayo dito?" pang aasar niya at saka ko lang narealize ang sinabi ko at pareho kaming natawa

"ang saya niyo naman habang kami doon sa room eh halos mabaliw na sa mga numero"

Sabi ng kakarating lang na si steff, may make up class kasi sila ni brie dahil absent sila nung nakaraan sa subject ni Ma'am Policarpio

"Kamusta naman ? na perfect niyo ba ang quiz?" agad na tanong ko dahil halos 1 hour din silang nag make up class panigurado may quiz doon

"hindi nga eh, lima ang mali ko at walo naman ang mali nitong si brie" malungkot na sabi niya

"ayos lang yan mataas pa din naman ang nakuha niyo" pagpapagaan ko ng loob sa kanila

"kung nandoon ka ay baka highest ka nanaman tiff" saad ni brie

"Highest nga siya sa quiz kay Ma'am Policarpio last week" pagke-kwento ni katy dahil nagpasok kami last week at sila brie at steff lang ang absent

"Wow ang galing mo talaga tiff, anong score mo?" tanong ni brie na halatang excited sa sasabihin kong sagot

"Perfect score!" bago pa ako makasagot ay inunahan na ako ni katy na animo'y tuwang tuwa at tila siya ang naka perfect

"Sana katulad mo nalang din ako tiff, kapag siguro naka perfect ako ay matutuwa ang daddy ko sa akin, never pa akong naka-perfect ng quiz o exam eh" malungkot na sabi niya

"Hayaan mo makakaperfect ka din brie, tiwala ka lang sa kakayahan mo, at least hindi ka naman lowest ngayon diba?" pagpapalakas ko ng loob niya

"Speaking of lowest!" biglaang pagsigaw ni steff na parang ang saya niya pang ibabalita kung sino ang lowest

"Sino namang lowest?" tanong agad ni katy

"Si hyuta!" napapalakpak na sabi ni Steff

"ha? lowest siya?!" napatayo ako at ng ma-realize ang ginawa ko ay nagkunwari akong nagi-stretching

"nakakangalay maupo eh" nginitian ko sila at buti na lang ay hindi nila napansing gulat na gulat ako dahil lowest si hyuta

"Lowest siya at alam niyo ba? lumapit kayo bilis" ani steff na sumenyas pa para lumapit kaming tatlo

Para kaming mga tangang nagkukumpulan dahil lang sa isang chismis

"8 ang score niya out of 50" bulong ni steff sa pinakamahinang paraan

"grabe ka naman steff, diba confidential ang scores at dapat walang makakaalam nito?" pagsesermon naman ni brie kay steff

"hayaan mo na tayo tayo lang naman eh" pagsasawalang bahala ni steff

Natigil ako sa pakikinig sa kanila ng biglang mag vibrate ang phone na nasa bulsa ko, kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nagtext

Unknown Number:

"Meet me on the rooftop"

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon