Jealousy
I woke up late today
When I check my watch, it's past lunch time alreadyBumangon na ako at ginawa ang usual routine ko, pagkatapos ay bumaba na din ako para kumain kasi nakakaramdam na ako ng gutom
Himala hindi ako ginising ni kuya
"Mabuti naman gumising ka pa"
Iyan agad ang bungad niya sa akinNapairap ako
"Kakagising ko lang kuya sermon ka na agad"
"Kumain ka na, okay ka na ba?"
"Oo kuya, medyo okay na"
"Oo nga pala may overnight kami nila drakean sa kanila, gusto kitang isama kaso all boys dun"
"Okay lang naman akong mag-isa dito kuya, you don't need to worry"
"Sure ka? Baka magsumbong ka kay mommy na iniwanan kita dito"
"Hindi no, kaya ko naman ang sarili ko"
"Kelan ba ang balik nila mommy?"
"Next week pa, wag kang mag-alala bukas naman eh pabalik na din ako"
"Okay, anong oras ang alis mo?"
"Ngayon na, hinintay lang kitang magising"
Tumayo na siya at kinuha ang car keys niya na nakapatong sa mesa
"Okay drive safely"
"Sige mag-ingat ka din dito ha, tatawag ako mamaya" humalik lang siya sa noo ko bago umalis
Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko, hindi ko na inabala pa si manang dahil baka nagpapahinga ito
Umakyat na din agad ako sa kwarto ko
Kakagising ko lang kaya hindi pa din naman ako inaantok
Ininom ko lang ulit yung gamot na binigay ni kuya
Pagkalipas ng ilang minuto ay mayroong bumusina sa labas ng bahay
"Ano nanaman kayang nakalimutan ni kuya"
Dire-diretso akong bumaba at binuksan ang gate
"Kuya anong nakalimutan m----" napatigil ako sa pagsasalita ng mapansing hindi naman kotse ni kuya ang nasa harap ko ngayon
Bumukas ang pinto nito at nagulat ako nang bumaba dito si hyuta
"A-ano nanamang ginagawa mo dito?"
Nagtataka ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa"Bakit ba naka-formal attire ka pa?"
"Galing akong lunch date" walang ka gana gana niyang saad
"Oh anong gagawin ko?"
"Nalimutan mo na ba?"
"Ang alin ba?"
BINABASA MO ANG
Her Sweetest Nightmare
RomanceShe fell first but He fell harder Tiffaniara Mori is a girl who can manipulate every man of his dreams but not this one-hella-hot guy named Hyuta Hayashi, the man of every girl's dream but turn out to be her sweetest nightmare. Find out their love-h...