Chapter 7

160 4 2
                                    

Bickering

Nagmamadali akong bumaba at binatukan ang lalaking kumidnap sa'kin

"Saan mo'ko dinala ha?!"

Hinimas niya ang batok niya at humarap sa'kin, napakatangkad niya kaya para akong bata sa harapan niya

Nagulat ako ng yung kausap pala nung manyak na lalaki ang nabatukan ko

"You're testing my patience, woman." Hindi galit pero may diing sabi niya

Wait? Familiar ang boses niya

Humarap siya sa akin

"H-hyuta?" Nabubulol na sabi ko kumurap kurap pa ako para makompirma na siya nga ito

He just smirks at me

Akmang aalis na'ko ng hawakan niya ang palapulsuhan ko

Nilingon niya ang lalaki

"Don't you dare do this again sawada"

"Chill bro, ihahatid ko lang naman sana eh"

Naglakad na ang taxi driver papunta sa kotse niya

"H-hoy gago ka ba, isama mo'ko!"

Tiningnan niya si hyuta at ngumisi

"Paano ba yan bro?, Sa'kin gustong sumama nyan" nakakalokong sabi ni sawada if I heard it right

"Not until, she found out na nasa akin ang phone niya" napalingon akong bigla kay hyuta

"Ano?! Ikaw ang nagnakaw ng phone ko?!"

Nagpumiglas ako pero sobrang higpit ng hawak niya, hinila niya ako ng marahan para sumunod sa kanya

"I didn't steal it, damn! Stay still!" He commanded

"O-oo na, basta ibalik mo ang phone ko!"

"Of course, I'm not even interested in your phone"

Pumasok na kami sa elevator at pinindot niya ang 27th floor

"Hindi ka naman pala interesado, eh bakit hindi mo nalang ibinigay sa'kin kanina?"

"Simply because, I'm more interested in you than your phone"

"A-ano?, Wala ka naman sigurong gagawin sa'kin diba?"

Nilingon niya ako at sinuri ako mula ulo hanggang paa

"It depends...." Makabuluhan niyang sabi na may pagkagat pa sa ibabang parte ng labi niya  

"Gago anong it depends?, Huwag kang magkakamali, magaling mag-taekwondo ang kuya ko, kapag nahanap ka nun ay madudurog yang mukha mo"

"Well same here, magaling ako sa lahat ng bagay" he smiled at me

Nakakainsecure ang pagngiti niya, parang anghel, hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal

"Ikaw yata ang may balak sa'kin eh"

He laugh, napaiwas ako ng tingin at pilit pinapasok sa sistema ko ang pagtawa niya

Ano bang nangyayari sa'kin? Para akong nahihipnotismo ng ngiti at tawa niya

Nakarating kami sa 27th floor, dirediretso lamg kami sa hallway at tumigil sa harap ng pinto, dalawang pinto lang ang nakikita ko sa buong floor

Ibig sabihin dalawang units lang ang nandito?

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon