Chapter 8

156 5 1
                                    

Dismayed

Maaga akong nagising ngayon at hindi ko alam kung bakit, kanina pa ako sa harap ng salamin at namimili ng isusuot ko, halos magmukha ng bodega ang kwarto ko dahil sa nakakalat na mga damit sa kama ko

Natigilan ako sa pagsusukat ng damit ng may kumatok sa pinto ko

"Pasok, bukas yan" at itinuloy ko na ang pagsusukat ng damit ko

Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi na ako nag abalang tingnan pa kung sino ito

"Mahabagin! Anong nangyari dito?!" napalingon ako at nakita si manang na nakatingin sa kama ko, may dala siyang gatas at sandwich na nasa tray, inilagay niya sa bedside table ko ang pagkain at nagsimulang ligpitin ang mga gamit ko

"manang ako na po ang mag aayos niyan pagbalik ko galing school, mapapagod po kayo" pagpigil ko sa paglalagay niya ulit sa hanger ng mga damit na naisukat ko at hindi ko nagustuhan

"Naku kang bata ka! Ako na at mamaya ka pang hapon makakabalik, inumin mo na muna ang gatas at kainin ang sandwich para may laman ang tiyan mo bago ka maligo"

Napangiti ako at kinuha ang gatas at sandwich na inihanda niya

"Salamat manang ha, kung wala ka ay paano na ako?" pagdadrama ko at niyakap siya mula sa likuran

Nakita ko ang pagngiti niya sa repleksyon niya sa salamin at tinapik ang braso kong nakayakap sa kanya

"Naku napakadrama mo, sige na at mamili ka na ng damit pagkatapos mo riyan baka mahuli ka pa sa klase"

Inubos ko lang ang gatas at sandwich na ginawa niya at nilagay sa tray ang tissue na nakabalot sa sandwich at ang basong wala ng laman

"Tapos na ako manang" masiglang pagyayabang ko tiningnan niya ang tray at ngumiti ng napakalawak sa akin

"Aba at maganda yata ang gising mo, dati rati ay nagrereklamo ka kapag tinitimplahan kita ng gatas at sabi mo ay dalaga ka na kaya dapat ay hindi na gatas ang iniinom mo"

"Nililibang ko lang ang sarili ko manang, naisip ko kasi ay habang dalaga pa ako ay lulubus lubusin ko na at magpapakasaya bago ako maikasal" pinilit kong pasiyahin ang boses ko pero hindi yun ang namutawi sa bibig ko

"ano ka ba napakabata mo pa para maisip ang kasal nayan, kung anak kita ay hindi kita hahayaang makasal ng maaga" napangiti ako sa sinabi niya

'sana nga ay anak mo nalang ako'

Nagmadali na akong pumili ng isusuot at agad na pumunta ng banyo para makaligo, makalipas ang halos isang oras ay lumabas na ako ng banyo at Nakita kong napakalinis na ulit ng kwarto ko

'si manang talaga ini-spoil ako'

Chineck ko ang cellphone ko at wala ni isang mensahe galing kay hyuta

Ipinilig ko ang ulo ko, bakit naman ako maghihintay ng message niya? Sino ba siya?

Tinungo ko na lamang ang walk in closet ko at sinuot ang mini- skirt na mint green at pinartneran ko ito ng white sando and put cardigan on top of it, ibinukas ko lang ang butones nito dahil masyado ng mainit

8:30 pa lamang at 9:30 pa ang klase ko, kaya may time pa akong mag ayos ng Mabuti

Humarap ako sa vanity mirror at pinagmasdan ang sarili ko, Ang ganda ko, self-procaimed yarn? Ipinilig ko ang ulo ko at tinitigang muli ang repleksiyon sa salamin, totoo namang maganda ako, wala naming panget sa mundo dahil naniniwala akong bawat tao ay may angking ganda at talino in their own little ways, nakakaangat nga lang ako, kung magrereklamo ka ay magbless ka nalang mabuti pa, Just kidding

Nagsimula na akong mag ayos at light make up lang ang ginawa ko, nilagyan ko lang ng mascara ang pilik-mata kong kahit hindi gamitan ng curler ay mapilantik na ito, naglagay lang din ako ng very light na blush on para naman may buhay ang mukha ko, light tint para sa labi at peach eyeshadow para sa talukap ng mata ko, natapos ako at wala pa ding bumubusina sa harap ng bahay namin, nagsisimula na akong mairita

'Nasaan na ba siya?'

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala, nandoon si kuya at halatang papasok na din

"ano tara na?" tanong niya sa akin, natigilan siya ng makita ako

"bakit todo ayos ka ngayon?, may boyfriend ka na ano?" pang aasar niya

"w-wala no!" wala naman talaga ah, naisipan ko lang mag-ayos

"asus! Tara na at baka mahaggard ka pa ay maturn-off ang boyfriend mo"

"nakakaasar ka kuya! mauna ka na dahil susunduin ako ni katy, sabay kaming papasok sa school" pagsisinungaling ko

Tinitigan niya ako na para bang sinusuri kung totoo ang sinabi ko

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" halos dalawang oras akong naghihintay dito oh

"sorry hindi ka naman nagtatanong eh"

"sige na at hinihintay na din ako nila drakean" hinalikan niya ang noo ko at nagmamadali na din siyang umalis

'20 minutes kapag wala ka pa ay magtataxi na lang ako'

Pero halos trenta minutos na ang nakalipas ay wala pa din si hyuta

'sabi mo susunduin mo'ko'

Nanlulumo akong naglalakad palabas ng gate ngayon at nagpahanap ng taxi kay manong guard

Maya maya pa ay dumating na ang taxi at sumakay na ako roon

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nalungkot para sa ginawa kong effort, kinuha ko ang wet Wipes sa bag ko at pinunasan ang mukha ko

'nakakadismaya ka'

Her Sweetest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon