Chapter 1

703 21 0
                                    

"Wait...Pl-please...l-et... me... ggo!" He is giving me a terrible look. I take note of his devilish-looking dark red eyes. Katapusan ko na ba? He is really strong, and despite my best efforts, his hold on my neck won't budge.

"L-let...mee... explain..." I shouted as much as I could. Finally, binitawan niya rin ang leeg ko at napaupo ako sa sahig. I hardly coughed. I thought I was going to be dead. Hinawakan ko ang leeg ko. Ang sakit! He truly desires to murder the person who saved him.

"Now, answer my question. I might give you a chance if you tell me the truth or you want to be a dead meat." He sternly questioned, staring at me with the intention of killing me right then if I didn't answer him honestly. Katakot.

"I'm Adel. I live here in the mountain of Edessa; part of the Dante Empire. You were in your terrible condition when I found you along the river unconscious and you had a major wound in your stomach, so I carried you here to my house right away." I explained. Pilit kong hinahabol ang hininga ko.

He didn't say anything. After that, bumangon ito pero hindi pa man ito tuluyang nakatayo ay nakaramdam ito ng sakit at biglang napa-upo sa kama.

"Okay, ka lang ba?" tanong ko. I immediately get to my feet and try to assist him, but he pushes me aside.

"Don't touch me! F*ck off!" he shouted. Agad naman akong lumayo sa kanya. Although natatakot man ay hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan nito. Grabe siguro ang pinagdaanan niya kaya ganoon na lamang ang ginawa nito. I'll let it slide for now. I didn't say a word. Niligpit ko ang natapong batya ng tubig pagkatapos ay kinuha ko ang basket na naglalaman ng mga paninda kong kakanin at lumabas ng bahay patungong bayan.

...

Hayysss, buwis-buhay yun ah. Mabuti at buhay pa ako ngayon. Pano na lang pag-uwi ko mamaya? baka hindi na ako maabutan kinabukasan. Huhu.

"Adel,sandal lang. okay ka lang ba? kanina pa ako dito nagsasalita, hindi mo ako pinapansin. May problema ka ba? Teka nga, anong nangyari sa leeg mo?" tanong ni Alfred sa akin. Certified mangungulit slash nanliligaw sa akin. Anak siya ng mayor ng bayang ito. Wala siyang ginagawa kundi tumambay at tambangan ako. Palibhasa kasi dumedepende sa magulang. Spoiled, kaya hinahayaan lang siya sa kung ano ang gusto nitong gawin. Kahit ilang beses ko na siyang tinanggihan at pinagtatabuyan ay eto pa rin siya, kinukulit ako at ayaw niyang tantanan ako. Para siyang lamok. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Ugh, pati ba naman ikaw?! Mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Ah, wala ito. Masakit lang ang lalamunan ko." Pagdadahilan ko.

"Tulungan na kita diyan sa dala mo." Anya nito.

"Wag, na kaya ko naman eh."

"Adel, bakit ba ayaw mong tulungan kita? Bakit ba ayaw mo sakin? Ano bang dapat kong gawin para magustuhan mo ako?"

"Wala, wala kang dapat gawin. Diba sinabi ko na sa iyo. Ano paulit-ulit na lang ba tayo? Tantanan mo na ako at tsaka may nobyo na ako ngayon kaya huwag kanang lalapit at kakausap sa akin kung hindi naman importante ang sasabihin mo." Huminto ito sa paglalakad at hinarap ako. Hindi ma-ipinta ang mukha niya sa narinig nito. It's the only reason na pumasok sa isip ko para huminto na siya sa kakahabol sakin.

"Nobyo? Kelan kapa nagkaroon ng nobyo? Palagi akong nasa tabi mo. Wala akong nakikitang lalaking umaaligid sayo. Bakit sino ba siya? Mas kaya kitang alagaan at mahalin. Kaya kong ibigay sayo lahat. Hindi mo na kailangan magtinda ng kakanin. Iwan mo yung lalaking yun at sumama ka sakin." Sorry, but even though I'm here in disguise, I already have everything I need because I'm a princess.

"Para malaman mo, kaya kong buhayin MAG-ISA ang sarili ko. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang nobyo ko sa isang katulad mo. Sorry, pero mas mayaman at mas gwapo siya sayo." Pagyayabang ko. Sana maniwala siya sa sinabi ko.

"Sinungaling! Hindi ako naniniwala. Iharap mo ngayon din sa akin para magka-alaman na."

"A-ah! Wala siya dito. Taga-ibang bayan siya. Busy yun kasi ang dami niyang trabaho."

"Hindi, hindi! Imposible ito! Kelan at paano kayo nagkakilala?"

"Hindi mo na kailangan malaman yun. Umuwi kana." Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Sige, hindi na kita lalapitan at kakausapin kahit kailan kung maiiharap mo siya sakin."

"Sige ba. Kung yan ang gusto mo. Para sa wakas, tumigil kana. Eto lang ang masasabi ko. Kahit kailan, wala kang pag-asa sa akin." Binawi ko ang braso ko at umalis. Hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy ako sa paglalako.

...

Mag-gagabi na ng maubos ang mga paninda ko. I think lahat ng mga dapat kong bilhin ay nabili ko na. All I need to do is going home safety. I mean entering the monster's lair.

Habang naglalakad pa uwi ay hindi ko maiwasang mabalisa at kabahan. Keep calm, Adel. I know you'll survive this. Just be good and take it slowly. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng bahay ko. This is it. Should I open it? Pano kung naka-alis na siya? Pano kung nandyan siya at patayin ako? Paano naman siya makaka-alis eh, hindi nga yun maka-tayo kanina at tsaka a sick man can't kill. Well, whatever, it is now or never. Bahala na.

I took a lot of confidence to push the door knob. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Medyo madilim na sa loob. Asan kaya siya? Inilapag ko ang dala-dala kong basket sa lamesa. Kinuha ko ang lampara at sinindihan.

"Ay, dyusko ko po!" Napasigaw at napatalon ako. Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat ng makita ko siyang nasa gilid ko, naka-sandal sa dingding at nakacross-arms.

INCENSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon