"Hoy El!" Lumingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang kamaong papalapit sa'kin.
Para itong naka slow motion sa paningin ko kaya nahawakan ko ang kamao ng taong susuntok sana sa'kin.
Hays! Kailan ba ako titigilan ng gulo? Nagbabagong buhay na nga eh!
"Ano? Bakit ba ginugulo mo na naman ako?" Tamad na tanong ko sa kutong lupang kaharap ko.
"Akala mo ba tapos na tayo? Pagkatapos mo kong ipahiya?" Maangas na tanong nito.
"Pinahiya ba kita? Sinabi ko lang naman yung totoo, hindi kita gusto," kalmadong sagot ko kahit gusto ko ng sipain ang nasa harap ko.
"Ang kapal din ng muka mo, eh. Anong akala mo? Maganda ka?"
Ha! Ako pa ang makapal ang muka ngayon?
"Oo, bakit ka naghahabol kung hindi? Diba?" I smirked.
Lumingon siya sa mga kasama nya at sumenyas. Bago pa makagalaw ang mga kasama nya sinipa ko na siya sa tyan kaya bumagsak siya sa sahig. Tumakbo na agad ako paalis para makatakas sa gulo pero mukang gulo talaga ang lumalapit sa'kin.
"Aray!" Malakas na sigaw ng babaeng nasagi ko.
Bobo naman kasi. Nag aayos nalang sa gitna pa ng daan.
"Sa susunod sa gilid ka para hindi ka nasasagi," medyo inis na sabi ko sa kaniya.
"Aba't!" Gulat na sabi niya.
"Anong sinabi mo sa girlfriend ko?"
Napabuntong hininga ako ng may marinig akong boses sa likuran ko. Isa sa mga kinaiinisan ko, pabebeng girlfriend at feeling hero na boyfriend.
Bago pa niya ako mahawakan sa balikat ay umiwas na agad ako.
"Wala, sabi ko tumabi siya," honest na sagot ko.
"Talagang mayabang ka El. Tingin mo maililigtas ka ng kaalaman mo sa taekwondo?" Tanong niya.
Tsk. Kung alam niya lang. Hindi naman taekwondo ang nagliligtas sa'kin mula sa gulo.
Nakita kong nakalapit na pala samin ang mga taong nabugbog ko last week lang. Ano to? Sanib pwersa?
Nandito kami sa gilid ng school at mukang nakakaramdam ang ibang students sa mangyayari dahil huminto sila para manood. Ewan ko ba kung bakit tuwing nasasangkot ako sa gulo laging late ang mga teachers. Ako tuloy lagi ang mukang nag u-umpisa ng gulo.
"Kung ayaw nyo ng sakit sa katawan tigilan niyo ko," I warned them.
Nagsisimula nakong mainis. Maikli lang ang pasensya ko at malapit nakong mapuno dahil nararamdaman kong mae-expel na naman ako.
Tumingin ang lalaking kausap ko sa likuran ko tapos ay ibinalik ang tingin sa'kin. Ramdam ko ang dahan-dahang paglakad ng dalawang tao sa likuran ko.
Gusto kong matawa dahil kahit ano pang gawin nila nararamdaman ko sila.
Kinuyom ko ang kamao ko at tinaas ang dalawang kamao ko ng makalapit sila sakin kaya tumama ito sa noo nila. Sumakit ang kamao ko kaya mukang napalakas ang pagkakatama ko sa kanila.Sumugod na sakin ang nasa unahan ko. Parang naka slow motion sakin ang lahat kaya mabilis akong tumagilid at siniko siya sa tyan.
May dalawang babae pa ang sumugod din sa'kin pero pinag untog ko lang sila ng mahilo.
Lumapit ulit sakin yung dalawang nauntog sa kamao ko yung isa ay sa likod ko naka pwesto habang yung isa ay nasa harapan ko para lituhin ako. Naramdaman kong kumilos na ang nasa likod ko para sana hawakan ang braso ko kaya umiwas ako, ending sumubsob siya sa lalaking nasa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasyBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...