Chapter 8: History

6 0 0
                                        

"What's that?" I asked. 

"Bago ko sabihin kung ano ang forbidden magic, bibigyan muna kita ng konting background tungkol sa mundong 'to. Matagal na panahon na ang nakakalipas. Nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga magic user. Naging sakim sa kapangyarihan ang mga mga taong may forbidden magic. Kinalaban nila ang Zeraph Kingdom. Mabuti na lamang at natalo ng reyna ang mga kalaban kaya nanumbalik ang kapayapaan."

Oh! May digmaan din pala sa mundong to!

"Anyway, konting impormasyon lang ang alam ko tungkol sa forbidden magic dahil pagkatapos ng nangyari noon ay wala ng nagbanggit ng kahit na ano tungkol sa mga taong may ganitong uri ng mahika. Ang forbidden magic ay tinatawag ring sinaunang mahika. Ito ang pinaka-unang mahika sa Zeraph land at ang mga magic user na meron nito ay sobrang lakas. Kalaban ang mga taong may ganitong uri ng mahika. Wala nang magic user ang may ganitong mahika sa ngayon but kung may makalaban kayong may forbidden magic I suggest na bumalik nalang kayo sa academy to warn everyone. Any question?" 

Hindi na nakakapagtaka na kalaban ang mga ganoong uri ng magic user, usually naman ang mga taong mas malakas ang laging gustong nangunguna. Kung sa mortal world pera at lakas ang pinaglalabanan, dito naman mahika. 

Pero wala ng forbidden magic? Bakit? Dahil ba namatay ang may hawak ng ganoong mahika?

Tinaas ko ulit ang kamay ko dahil may tanong ako. "Ano ang mga forbidden magic?"  

"May alam akong isang mahika na nabibilang sa forbidden magic. Creation magic, a magic user who can create monster creatures. Wag kayong malilito guys, hindi summoning ang ginagawa nila kung hindi gumagawa sila ng bagong monster creature. Depende sa magic user ang lakas ng monster creature na nagagawa nila," mahabang paliwanag ni Mister Seb. 

Mag ta-tanong pa sana ulit ako pero biglang may dumating at tinawag si Mister Seb. 

"Okay class, I have something to do. Basahin niyo na muna 'to." Tinaas ni Mister Seb ang kamay niya. Mula sa sahig tumaas ang mga libro. Tinapat ni Mister Seb ang kamay niya samin, ang mga librong nasa ere lumipad papunta sa lamesa namin at nang ibaba ni Mister Seb ang kamay niya lumipat ang mga pages ng libro. "Since you don't know your power yet, El. Basahin mo muna ang history ng magic para mabawasan ang assignment mo. Babalik din agad ako mamaya class."

Binasa ko na agad ang libro dahil curious na curious ako kung paano nag simula ang lahat dito. May god and goddesses kaya dito? Paano sila nagkakaroon ng magic?

Ang mahika ng isang magic user ay mula pa sa ating mga diyos at diyosa. 

Ang galing, naniniwala rin pala sila sa ganun.

Maraming taon na ang nakakalipas nang mabuo ang anim na clan, Ang Fuego, Mizu, Ero, Terra, Mago at Yakchal. May isa pang magic clan sa Zeraph Land ngunit dahil sa kaguluhang nangyari sila ay nawala. 

Naitayo ang Zeraph Academy ang school of magic nang matapos ang trahedyang nangyari sa buong Zeraph Land. 

Ito siguro yung war na sinasabi ni Sir kanina. Mabilis kong iniscan ng mata ko ang buong page ng libro pero wala akong nabasa na tungkol sa trahedya. Ano ba namang libro to, kulang -kulang naman sa information. 

Ito ay napag desisyunan ng anim na leader ng bawat clan at ng reyna, ang school ay para maturuan ang mga students na palakasin ang mahikang taglay nila para ma-protektahan ang ibang mga magic user at ang kanilang sarili. Pantay-pantay lang ang lakas ng bawat clan, gunit hindi pantay ang lakas ng bawat magic user. Ang iba ay napagkalooban ng mas malakas na mahika kaysa sa ka-uri nila. Ang mga diyos at diyosa ang pumipili kung sino ang karapat dapat bigyan ng malakas na mahika. 

PowerlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon