Magiging kalaban ko ang isa sa mga kaklase ko?!
Pinaka-mataas na grade level daw ang Eno, ibig sabihin bihasa na talaga sila sa kapangyarihan nila at talagang malakas na sila. Ano namang laban ko sa mga to?!
"Don't worry, hindi sila pwedeng gumamit ng magic nila dahil physical training to." Naputol ang pag-iisip ko nang mag salita si Miss Alice.
Oo nga pala, physical training ang subject namin ngayon.
"Ako nalang." I was surprised when Violet spoke.
"Okay lang ba sayo na si Violet ang magiging kalaban mo?" Miss Alice asked me.
Bago pa ako makasagot ay nagsalita ulit si Violet. "Don't tell me natatakot ka. You need to prove yourself to us. Hindi madali ang pinagdaanan namin para makarating sa grade level na to pero ikaw ay napunta agad sa Eno." Iba ang tono ng boses niya. Parang minamaliit niya ako sa mga sinabi niya. Nakakainis.
"Bakit naman ako matatakot?" I smirked at her.
Mabuti nalang at hinanda ako ng parents ko at ni lola para dito. Trinain nila ako since bata pa ako kaya marunong ako makipag laban. Si papa ay isa sa pinaka-magagaling na sundalo sa mortal world kaya hindi basta-basta ang naging training ko.
"Pumunta na tayo sa training sa room." Napunta ang atensyon ko kay Miss Alice. Nakangiti siya na parang natutuwa siya sa nakikita niya.
Normal pala ang violence sa school na to?
"Mamili kayo ng armas na gagamitin niyo." May nilabas na remote si Miss Alice at tinapat sa pader na nasa gilid. Umilaw ang parang button na nasa pader at ilang segundo lang ay may lumabas na cabinet na naglalaman ng iba't ibang armas.
Woah! Ang galing.
"Do you know how to use one of these?" Tanong ni Miss Alice sa'kin. Nakaturo siya sa mga weapons na nasa cabinet.
"Yes." Kinuha ko ang espada na nasa gitna.
Kinuha naman ni Violet ang machete na nasa gilid. May design ito at ibang-iba sa machete na meron ang mortal world. Mas cool ang ginagamit nila dito. Parang ganun sa anime.
"Okay lang na masaktan ko siya?" Tanong ko kay Miss Alice.
Biglang tumawa si Shawn kaya napatingin ako sa kaniya. Tawang-tawa talaga siya dahil napahawak pa siya sa tuhod niya habang tumatawa.
"Sarili mo ang alalahanin mo El, baka ikaw ang masaktan," bulong ni Miss Alice.
Humigpit ang hawak ko sa espada. Kanina pa nila ako minamaliit. Alam ko naman na natawa si Shawn sa tanong ko.
Naglakad na kami papunta sa gitna habang ang mga ka-klase namin ay pumunta sa gilid kasama si Miss Alice. Pagdating namin sa gitna biglang nagkaroon ng parang shield na nakabilog samin ni Violet.
"Barrier, para hindi madamay ang mga nasa labas," biglang nag salita si Violet kaya napatingin ako sa kaniya.
"You can't kill each other, it's just a friendly fight," paalala ni Miss Alice samin bago ibigay ang go signal.
Si Violet ang unang sumugod sa'kin. Nakatayo lang ako habang hinihintay siya at nang malapit na siya sa'kin bigla akong gumilid kaya hindi niya ako natamaan.
Lumingon siya sa'kin at halatang gulat siya. Nagulat siguro siya dahil mabilis ako. Well, kapag sa labanan lahat ng bagay ay nagiging slow motion sa mga mata ko dahil may speed ability ako.
Sumugod ulit siya sa'kin pero nang malapit na siya sa'kin ay gumilid ulit ako at pumunta sa likuran niya. Sisikuhin ko na sana siya pero mukhang alam niya na ang galaw ko dahil bigla siyang humarap sa likod niya at muntik nang tumama sa'kin ang blade ng machete mabuti nalang at nakapag back flip ako.
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasiaBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...
