Chapter 12: Bandits

4 0 0
                                        

"Paano kung hindi sila umatake ngayon?" Tanong ko kay Violet.

Nakapabilog kami sa bonfire na ginawa nila Violet at Adi habang kumakain ng dinner.

"We're not going back hangga't hindi natatapos ang mission. Kung hindi sila magpapakita sa'tin ngayon bababa tayo at hahanap ng tutulugan," seryosong sagot niya sa tanong ko.

"Paano kung one week na wala parin?" Tanong ko ulit.

"Kahit abutin tayo ng isang buwan dito, hindi tayo babalik. Kulit mo talaga no?" Mahinang tinulak ni Shawn ang ulo ko kaya masama ko siyang tiningnan.

"Gusto mo ba mawalan ng kamay?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Sige nga." He stretch his hand at my face.

Walang sabi-sabi kong kinagat ang braso niya.

"SHT! ARAY! BITAW!" Sigaw nya sa sakit habang pilit binabawi ang braso niya.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Adi.

Binitawan ko naman agad ang braso niya at pinunasan ang bibig ko.

"Kadiri, pangit ng lasa," komento ko.

"Wow?! Anong pangit ang lasa! Alam mo bang maraming nagkakagusto sa katawang 'to? Tapos sinugatan mo lang!"

I made a disgusted face because of what he said. Ang kapal din talaga n mukha nito.

"Tingnan mo nga ang ginawa mo, may marka mo na ang braso ko," reklamo niya habang tinuturo ang braso niyang may marka ng ngipin ko.

"Ang sakit mo pa mangagat! Hayop ka ba sa mundo niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"Kadiri, paanong may magkakagusto sa mukha at ugali mo?" Nang-aasar na tanong ko sa kaniya.

"Kasi gwapo ako." Ngumiti pa siya, yung pang commercial ng toothpaste.

"Saan diyan?"

"Dito."

Nagulat ako nang biglang lumapit ang katawan ko papunta sa kaniya. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at nginisihan ako.

Ilang segundo siguro akong natulala. Bumalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko ang tili ni Adi.

"Super bagay pala kayo!"

Mabilis ko siyang tinulak at pinaghahampas.

"Talagang wala ka nang ginawa kundi mang inis! Inis na inis na'ko sayo!"

"Aray! Teka!" Nakaharang ang dalawang braso niya sa mukha niya.

"Bagay talaga kayo! Ship ko na kayo," bumubulong-bulong naman si Adi sa gilid.

"Vivi, maganda ba yung ShaEl? Pinagsamang name ni El at Shawn!" Excited na tanong ni Adi kay Violet.

Huminto ako sa pambubugbog kay Shawn at lumingon kila Adi.

"Anong ShaEl?" Kunot noong tanong ko.

Poker face na nakatingin si Violet samin. Kita ang pagod sa mukha niya kahit wala pa siyang ginagawa.

Napagod ata kahit nanonood lang siya sa away namin.

"Paano natin malalaman kung nandiyan na ang kalaban kung maingay kayo?" Masungit na sabi ni Violet. 

"Hindi mo naman ako sinagot, eh," naka-pout na sabi ni Adi.

"Violet, tingnan mo ang ginawa niya sa'kin," sumbong ni Shawn kay Violet at lumapit pa dito.

Napanganga ako sa ginawa ni Shawn.

Wala na talagang pag-asa ang isang 'to. Siguro nauntog siya nung bata siya.

PowerlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon