BRIELLA
"Nakakapagod!" Malakas na sigaw ni Shawn pagkatapos higupin yung sabaw na nasa mangkok niya.
"Naubos lahat ng energy ko sa training kanina," ani ni Jacoby.
"Lahat ata ng muscles sa katawan ko sumasakit," mangiyak-ngiyak na sabi naman ni Adelaina.
Pagkatapos kasi ng training nila kanina, walang natira sa kanilang nakatayo. Lahat sila nakahiga sa sahig.
"Bakit iba ang tingin sa'tin?" Tanong ko kaya napatigil silang tatlo sa kaka-reklamo.
Naalala ko kasi yung sinabi ni Aliyah.
"Dahil hindi tayo ordinaryong mage user kagaya nila," sagot ni Vien.
"Hindi ordinaryo? Dahil mas malakas kayo?" Tanong ko ulit.
"Hindi lang dahil dun. Anak sila ng mga pinuno sa anim na bayan." Napatingin ako kay Violet nang sagutin niya ang tanong ko.
"Sila? So, hindi ka kasali?"
"Ako, si Vien, si Adelaina, at si Jacoby ay mula sa angkan ng mga pinuno." This time si Shawn naman ang sumagot.
E'to na ata ang pinakaseryosong bagay na lumabas sa bunganga ng lalaking 'to.
Bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sa narinig ko at dahan-dahan akong napatango.
So ibig sabihin si Ryx at si Violet ay--
"Oo, mula kami sa pamilya ng mga normal na mamamayan." Napatingin ako kay Violet nang bigla siyang mag salita pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
Nababasa niya rin ba ang isip ko? Diba blinock ko na sila?
"Hindi ko nababasa ang isip mo, halatang-halata lang sa ekspresyon sa mukha mo," aniya.
ahh, observant pala siya.
Tumango na lang ako at kumain na ulit.
Royalty pala ang apat samin.
___
"Ilang oras ko pa ba gagawin to?!" Inis na bulong ko sa sarili ko at binagsak ang sarili ko sa sahig dahil sa sobrang pagka-boring.
Kaninang umaga pa ako nag ta-try mag gather ng mana tapos gawin itong mahika pero wala. Wala talaga!
"Hanggang lumabas ang kapangyarihan mo." Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Miss Alice.
Ano ba naman ang mga teacher dito. Pasulpot-sulpot nalang lagi.
"A-ah okay po." Umupo ulit ako at pumikit.
"Focus El."
Kumunot ang noo ko nang marinig ko na naman ang boses ni Miss Alice. Paano kaya ako makakapag focus kung nagsa-salita siya diyan.
"Focus on yourself. Wala naman sa ginagawa mo ang focus mo. Pakalmahin mo lang ang sarili mo at wala ka dapat ibang nararamdaman." Pagkatapos niyang sabihin yun nawala narin ang presensya niya sa paligid ko kaya alam kong umalis na siya.
Nasa loob kami ng force field dahil may kaniya-kaniya kaming ginagawa. Yung anim nag tra-training ulit, ako naman ay sinusubukang palabasin ang kapangyarihan ko.
Pakakalmahin ko na sana ang sarili ko kaso biglang tumunog ang bell. It means tapos na ang klase.
"Yes," ani ko sa sarili ko at nahiga na naman sa sahig.
Tumingin ako sa mga kasama kong nakahiga rin sa sahig. Si Violet lang ang naka-upo pero kitang-kita sa mukha niya ang pagod. Humihingal pa nga siya habang pinupunasan ang pawis niya---
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasyBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...
