"Kailan pa ako nagkaroon ng tatoo!?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Habang nagbi-bihis ako ay may napansin akong umiilaw sa likod ko. Para itong tattoo dahil nakadikit na siya sa balat ko.
Bilog siya na may malaking triangle sa loob at sa palibot ng triangle ay maraming strange symbols. Isang magic circle. May magic circle ako na tatto?!
Ilang segundong umilaw ang tattoo ko bago ito mawala.
WTF! Don't tell me magic yun?
"Wow! Totoo na nga talaga to!" Sigaw ko.
Binasa ko na kagabi ang letter na binigay ng headmaster. Wala namang revelation na ampon ako. Ang angkan daw namin ay mula talaga dito, may nangyari daw dati kaya napunta kami sa mortal world then nahaluan na ang dugo namin ng normal na tao dahil duh! Nagka-in-love-an ang ninuno namin at ang normal na tao. Walang mahika ang mga magulang ko, ako lang ang meron at actually ako nalang ang meron! Lahat nang kamag-anak namin ay normal na tao nalang. I'm so special talaga!
Inexplain lang din nila papa sa letter na totoo daw to at 'wag akong mabibigla. Well, late na sila! Halos mabaliw ako kahapon, akala ko talaga nababaliw nako!
Pinilig ko ang ulo ko para mawala na lahat ng iniisip ko. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko?!
Tumingin nalang ulit ako sa salamin para tingnan ang bago kong tattoo. Mga ilang segundo din akong namangha bago bumalik sa pagbi-bihis. Ang uniform namin ay dress na hanggang hita ko lang at may maliit na cloak na naka-kabit sa top namin. Mukha nga kaming detective, eh. Itim na close shoes din ang sapatos namin.
Lumabas na ako ng kwarto ko at sinigurado kong naka-lock ito bago ako pumunta sa kusina dahil may naririnig akong tunog mula dun.
Pagdating ko sa kusina isang babae ang nakita ko. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Sino ka?" I asked her.
"Your roommate." Lumingon siya sa'kin.
Oo nga pala. Sabi ng headmaster may roommate ako.
Mas matangkad ako ng-- I guess 3 inch? Kaysa sa kaniya. Morena siya at itim ang buhok na umaabot hanggang sa dibdib niya. Brown ang mga mata niya at matangos ang ilong niya. Hindi nga lang friendly ang mukha niya dahil para siyang masungit.
Nakatitig lang siya sa'kin at parang gulat na gulat. Bakit ba gulat na gulat lahat ng nakakakita sa'kin?!
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko at pinahiran ang buong mukha ko.
"W-wala." Umiling siya at sunod na napatingin sa uniform ko kaya tiningnan ko rin ang uniform niya.
Bakit magkaiba kami ng kulay?
Itim at pula ang uniform ko. Sa kaniya naman ay kulay itim rin na may halong blue.
"Nagagalak akong makasama kayo sa kwarto Miss?"
"El," sagot ko.
"Miss El," nakangiting sabi niya.
Bakit parang biglang nagbago ang mood niya? Kanina parang bad mood siya, eh.
"Same." Tumango ako sa kaniya at lumapit sa ref.
Parang normal nga lang na bahay to, eh. Maganda lang ang design, pang mayaman. Tapos napansin ko lang advance technology ata dito.
"Paano magluto dito?" Tanong ko.
"Nasa cafeteria po ang pagkain Miss El," sagot ng roommate ko.
"Ganun ba." I nodded my head. "Ano nga ang pangalan mo?" I asked.
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasíaBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...
