VIOLET
Nag cast ako ng spell at ginawa ang ritual katulad ng sabi sa libro pero nagulat ako dahil hindi gumana ang ritual ko kay El. Sinubukan ko na kagabi ang ritual na to at gumana naman ito kagabi pero bakit hindi gumagana kay El?!
Bumagsak ako sa sahig dahil nawala na ang focus ko sa ritual na ginagawa ko.
"Mukang hindi mo pa nako-kontrol Violet," sabi ni Mister Seb sa'kin.
"N-no." Mabilis akong tumayo. "Uulitin ko. Hayaan nyong ulitin ko."
Hindi ko hinahayaan ang sarili kong mag fail. Ito ang unang beses na pumalya ako.
"Sure."
Inulit ko ang ginawa ko kanina pero this time si Ryx ang ginawa kong target. Nang marinig ko ang palakpak nila dumilat na ako.
Gumana kay Ryx, ibig sabihin tama ang lahat ng ginawa ko. Walang mali sa ginawa ko kanina pero bakit hindi gumana kay El?
Sino ba talaga siya? Anong meron sa kaniya?
When I first saw her sa gubat, I already sense something. I know there's something special about her. Hindi ko alam pero iba ang feeling ko sa presence niya. It screams-- danger.
Pagbaba ko sa lupa napatingin agad ako sa babaeng kasama nila Vien. Ngayon ko palang siya nakita, I think she's new. Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Ikaw!" Malakas na sigaw ni Shawn.
Dahil sa sigaw ni Shawn ay napatingin siya samin.
Natigilan ako nang makita ko ang mukha niya. B-bakit g-ga-ganito a-an-ang na-nararamdaman k-ko?
"Bakit nasa labas ka pa?" Masungit na tanong ko nang makabawi ako.
"She's the new student," Vien spoke.
"Vien is right." Biglang dumating si Miss Alice."She's the new student."
"Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang delikado ang ginawa mo?" Tanong ni Shawn sa new student.
"Hindi," she answered.
Kumunot ang noo ko. Hindi? Seryoso ba siya sa sagot niya o pilosopo lang siya? I know that she's a new student pero hindi niya ba kami kilala?
"Bukas na kayo mag usap-usap. Bumalik na kayo sa mga dorm niyo," utos ni Miss Alice samin.
"Ahm, pwede niyo ba akong ihatid sa room ko?" Nahihiyang tanong ng new student. "Naiwan ko kasi yung susi."
Tinitigan ko nang mabuti ang new student na kasama namin. I can't sense her magic, pero bakit tumatayo ang balahibo ko sa presensya niya? Did she conceal her power? She can do that? Mula rin ba siya sa Mago Clan?
Pasukin ko kaya ang isip niya? Kaso hindi ko pa kaya yun pero nabasa ko na ang ritual para dun.
"Ikaw na Shawn ang maghatid tutal nabasag mo ang bintana niya."
Nawala ang lahat ng iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Miss Alice.
"Luh? Bakit ako?" Angal na sagot ni Shawn.
"That's an order."
"Fine. Lumapit ka sa'kin," ani ni Shawn sa bagong student.
Mukhang speed ang ability niya dahil isang segundo lang nasa tabi na siya ni Shawn.
"Bumalik na kayo sa dorm niyo para makapag pahinga na kayo. Ako na ang bahala sa lahat," seryoso ang tono ni Miss Alice habang nakatingin sa malayo.
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasyBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...
