Chapter 2: New School

12 1 0
                                        

"Na-expelled ka ulit?" Mom asked disappointed.

Nadisappoint din tuloy ako sa sarili ko. Pinipilit ko namang lumayo sa gulo. Kasalanan ko bang ito ang lumalapit sa'kin?

"Sorry mom." Nakayukong sabi ko.

"Anong dahilan?" Tanong ni papa.

"Napa-away po ako pero hindi naman ako ang nag simula. Pinalibutan nila ako, muntik pa akong masaksak mabuti nalang at may special ability ako," paliwanag ko.

"Masaksak?!" Gulat na tanong nila.

Ilang beses na akong nae-expelled at pare-parehas lang ang rason pero hindi pa naman umabot sa puntong papatayin ako.

"Mabuti nalang at wala ka na sa school na yun. Itsura palang ng mga students alam ko ng tarantado sila," galit na ani ni papa. "Sa lagay ng record mo nak, baka wala ng school ang tumanggap sayo. Mabuti pa siguro dalhin ka na namin sa--" Napahinto si papa nang mag salita si mom. "Ano bang sinasabi mo? Mas delikado dun."

"Ilang dekada na ang nakalipas. Siguro naman ay may mas malakas na kaysa sa kakayahan niya," sagot ni papa.

"Hindi nga natin alam kung anong nangyayari dun."

"Mas delikado siya dito, malapit ng lumabas ang kakayahan niya. Paano kung napakalakas nito? Alam mo ba kung ano ang gagawin nila kay Briella?"

Naka-kunot lang ang noo ko habang nakikinig sa pagtatalo ng parents ko. Ano bang kakayahan ko? Engkanto ba ako or something?

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni mama?"

Mama? Edi si lola? Sabagay si lola ang laging nagsa-sabi about sa kakayahan thingy and ibang mundo daw na hindi ko naman maintindihan. Kahit bago siya mamatay ay yun ang sinasabi niya.

"Pero sinabi rin ni mama na kailangan si Briella dun. Nakalimutan mo na ba ang nakita niya?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni papa. Nakita? Anong nakita?

Natahimik si mom dahil sa sinabi ni papa.

"It's time. Doon naman talaga sya nabibilang," papa added.

"Saan ako nabibilang? Anong kakayahan? Anong nakita ni lola?" Sunod-sunod na tanong ko kaya napatingin silang dalawa sa'kin.

"Iayos mo ang gamit mo anak. Sa boarding school ka na mag-aaral." Nagulat ako sa sinabi ni mom.

Kanina lang nagtatalo sila tapos ngayon ipapadala ako sa boarding school?!

Ang dami kong tanong pero hindi na nila sinagot kaya sinunod ko nalang ang gusto nila. 

"Siguro naman bukas sasagutin na nila ang mga tanong ko," bulong ko sa sarili ko bago pumikit at natulog. 



"El."

Pagdilat ko nasa ibang lugar na ako. 

Wtf? Nasa kwarto ako kanina, ah? Paano ako napunta dito? Na-kidnap ba ako habang tulog ako? Binuhat ako ni papa? Pero imposibleng hindi ako magising dahil... 

"El." 

Lumingon ako sa paligid ko nang marinig kong may tumawag sa'kin pero wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa'kin. 

Teka-- Nasan ako?! Bakit muka akong nasa palasyo?

"El, dito." 

Saang dito? 

Hinanap ko ang pinagmu-mulan ng boses. 

"El." 

"Sino ka?!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot. Nag echo ang boses ko sa buong lugar kaya medyo kinilabutan ako. 

PowerlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon