Finally, tahimik narin sa wakas!
Naglakad lakad ako sa gubat para maghanap ng maganda-gandang pwesto. Yung wala akong ingay na maririnig mula sa academy. Sumasakit kasi ang ulo ko.
Napahinto lang ako sa paglalakad nang may makita akong paa na nasa likod ng halaman.
May patay pa ata!
Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng halaman. Isang babae ang nagma-may ari ng paang nakita ko.
"Miss?" Umupo ako sa tabi niya pero napatigil din ako agad. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko. My body shivers all of a sudden, Bigla akong natakot sa babaeng nasa harapan ko.
S-sino sya?
Bumalik ako sa sarili ko nang gumalaw siya bigla.
"Hmm." Kumunot ang noo niya na parang may nangyayari sa panaginip niya.
"Miss?" Sinubukan ko nalang siyang gisingin pero kahit anong yugyog ko ay tulog na tulog talaga siya.
"Hindi kaya may spell na kinast sa kaniya?" I said to myself.
"Oo nga!" Mabilis akong tumayo. Ang bobo ko talaga minsan!
Mabilis akong gumawa ng isang malaking snowflakes sa hinihigaan ng babae at pinalutang ko ito. Hinawakan ko ang kamay niya at nag teleport papunta sa clinic ng school.
Pagdating namin sa loob ng clinic nakita agad kami ng nurse dahil kami lang naman ang tao sa loob ng clinic.
"Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ng nurse pagkalapit samin.
"I don't know. Nakita ko siyang wala ng malay," I inform her.
"Ibaba mo siya dito." Lumapit siya sa pinaka-malapit na kama kaya dinala ko dun ang babae at dahan-dahang binaba.
Tinapat ng nurse ang kamay niya sa katawan ng babae.
"Wala kang dapat ipag-alala. Nawalan lang siya ng malay," sabi ng nurse pagkatapos ng ilang segundo.
"Mabuti naman kung ganon. Tawagan mo nalang ako kapag nagising na siya," paalam ko bago mawala sa harapan niya.
Ano kaya ang nangyari sa babaeng yun? Student ba siya dito sa Academy?
_____________
BRIELLA
Nagising ako sa loob ng isang kwarto. Puro puti ang nakikita ko at nakahiga ako sa isang malambot na kama. Sa tingin ko nasa hospital ako. Siguro dinala muna ako nila mommy at papa sa hospital dahil bigla nga akong nahimatay sa gubat.
Wala naman akong nararamdaman na sakit sa katawan ko kaya umupo na ako at tumayo. Naglakad ako hanggang sa dulo ng kama ko para makita ko kung nasa hospital nga ba ako. Infairness sa hospital na to, parang sa korea. May takip ang mga kama sa gilid na nagsi-silbing hati sa bawat kama.
"Gising ka na pala."
Isang babae lang ang nakita ko sa loob ng kwarto. Nakasuot siya ng puting dress na may gold na lines.
"Ipapatawag ko lang si Miss Vien."
Ano daw? Vien? Siya ba ang doctor? Tsaka parang hindi naman ako nasa hospital. Ang liit namang hospital neto.
"Patawag narin yung parents ko," I said to her.
"Ang mga magulang mo? Pasensya na ngunit hindi ko sila kilala pero wag kang mag-alala dahil ipapatawag ko na si Miss Vien," nakangiting sabi niya sa'kin.
Yun ba ang doctor dito?" I asked her.
"Doctor? Anong doctor?" Naguguluhang tanong niya.
May amats ba to? Hindi niya alam ang doctor?
BINABASA MO ANG
Powerless
FantasiBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...