BRIELLA
"Dahil hindi pa lumalabas ang mahika mo. E'to na muna ang gamitin mo." Inabot sa'kin ni Miss Alice ang isang espada na nakalagay sa scabbard.
Kulay white na may gold design ang scabbard.
"Thank you." Kinuha ko ang espada at sinabit ang belt sa bandang hips ko.
"Simula ngayon ay sa'yo na yan."
"Talaga?" Excited na sigaw ko at nilabas ang espada para makita ko ang design.
"Whoah!" I exclaimed when I saw the sword. Kulay puti rin ito na may gold sa blade at sa hawakan.
"Ang ganda naman," manghang sabi rin ni Adi habang nakatingin sa espada ko.
Sasagot palang sana ako kaso nag salita na si Miss Alice.
"Ang mission niyo ay mapaalis at mahuli ang mga bandits na umaatake sa Tersia Village."
Mabilis kong binalik sa scabbard ang espadang hawak ko nang magsalita si Miss Alice.
Kapag natapos niyo na ang mission niyo, gamitin niyo ang portal na ito para makabalik sa Academy." May inabot siyang bilog na bagay kay Violet.
"Masusunod, Miss Alice." Nilagay ni Violet ang binigay ni Miss Alice sa bag niya.
"Mag-iingat kayo." Humarap si Miss Alice sa gilid namin at umusal ng spell.
"Whoah!" Hindi ko napigilang mamangha nang biglang may lumitaw na portal sa harapan namin.
Ang galing!
Nagpaalam na sila kay Miss Alice bago pumasok sa portal. Ako ang pinakahuling pumasok dahil ako ang nasa huli.
Bago ako tuluyang pumasok sa portal ay lumingon muna ako kay Miss Alice. Blanko ang ekspresyon sa mukha niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba.
Ano kaya ang naghi-hintay samin sa village na yun.
"Nandito na tayo," ani ni Violet habang nakatingin sa village na nasa baba.
Sa bundok kami dinala ng portal ni Miss Alice. Kitang-kita mula sa pwesto namin ang maliit na village. Talaga palang maliit ito, akala ko kasi medyo malaki parin ang village na sinasabi nila pero maliit talaga.
"Nakapunta ka na ba dito Adi?" Lumingon si Shawn kay Adi na nasa gilid niya.
"Hindi pa nga, eh. Now ko lang din nalaman na may ganitong village sa Terra," sagot niya habang nililibot ang tingin sa paligid namin.
Papasikat palang ang araw at iilang tao palang ang nasa labas ng kanilang mga bahay.
"Dito muna tayo, hintayin nalang natin ang pagdating nila." Naglakad si Violet papunta sa punong nasa likuran ko.
Chineck ko muna kung may insekto ba sa damo bago naupo. Mamaya may ipis pala dito, eh.
"Nagdala ba kayo ng pagkain?" Napatigil ako at napalingon kay Violet dahil sa tanong niya.
"Yes, ma'am," sagot ni Shawn habang may kinakalkal sa dala niyang bag.
"Yes na yes."

BINABASA MO ANG
Powerless
FantasyBriella had always thought she knew herself. A girl who knows how to fight, and trouble seems to constantly find her. But it turns out there is a great mystery in her personality, and it is all hidden in a world she didn't know existed. "Magic? Toto...