Chapter 5: First night

13 0 0
                                        

Paglabas ko ng office ng headmaster isang babae ang lumapit sa'kin. 

"Inutusan po ako ni Miss. Vien para samahan kayo," nakayukong ani nito. 

Lumingon ako sa paligid tsaka ko lang napansin na wala na si Vien. 

"Okay." Kibit balikat na sagot ko. 

Tumayo siya ng diretso at humarap sa'kin pero napahinto siya at natulala sa mukha ko. Ganun ba ko kaganda? 

"Problema mo?" Kunot noong tanong ko. 

Masyadong maraming nangyari ngayong araw. May mga tanong pa ako sa mundong to pero bukas ko nalang aalamin lahat. Kailangan ko munang i-process kung ano yung mga nalaman ko ngayong araw at basahin ang letter na iniwan ng parents ko sa'kin. 

"W-wala." She shook her head. 

"Saan niyo po gustong pumunta?" 

"Sa dorm. San ba tong building Z?" I asked her. 

"Sundan niyo lang po ako," aniya at nauna ng mag lakad kaya katulad ng sinabi niya sinundan ko siya. 

Matagal-tagal kaming naglakad bago makarating sa building. Ang laki naman pala ng school nato! Mabuti nalang at sanay ako mag lakad. 

"Dito po. Itanong niyo nalang po sa fairies kung anong floor ang room niyo," nakangiting sabi niya at nakaturo pa ang dalawang kamay sa building. Mukha tuloy siyang staff sa isang hotel.

Fairies? Ano yun? Tawag nila sa staffs? 

"Thanks." 

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa-- Holy cow?! Sa front desk may mga fairies! Hindi nga lang sila maliit. Para silang tao pero may pakpak!

Lumapit ako sa front desk pero ang tingin ko ay nanatili sa pakpak nila. 

"Good morning Miss!" 

"Amazing," bulong ko sa sarili ko at tinaas ang kamay ko para hawakan ang pakpak ng isang fairy pero bigla itong lumayo. 

"Hindi po pwedeng hawakan ang pakpak namin," nakangiting sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. 

"O-okay." I fake a coughed. "Nasaan ang room 68?"I aksed. 

"Floor 14 po."

"Thanks." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa elevator. Mabuti nalang at may elevator dito. 

Pagdating ko sa floor 14 ginamit ko na ang speed ability ko para mahanap ang room 68. Gusto ko na kasing mahiga at basahin ang letter. 

Totoo kaya yung letter? What if pineke nila? Baka nasa mental talaga ako?  

Dahil sa ability ko, five seconds lang nasa harap na ako ng room 68. Binuksan ko ito gamit ang susi ko at pumasok sa loob. 

WOW! 

Ang laki sa loob! Para siyang condominium! May hagdan din sa gilid kaya parang may second pa to. 

Umakyat ako sa taas at may nakita akong tatlong pinto. Binuksan ko ang nasa unahan pero naka-lock. May roomate ako? 

Pumunta nalang ako sa pangalawang pinto pero banyo lang ang nandun kaya dumiretso na ako sa third door which is kwarto ko. 

Malaki rin ang loob. May kama na may maliit na table sa magkabilang gilid. May study table, may cabinet at may cr sa loob ng kwarto. 

Nasa loob na ng cabinet ang uniform ko. Inayos ko narin ang gamit ko bago ako mahiga. Wala naman sana akong balak matulog pero naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko kaya hindi ko na nilabanan. Mamaya ko nalang siguro babasahin yung letter. Napagod ata ang utak ko sa lahat ng revelations ngayong araw. 



PowerlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon